Sixteen - Family

313 9 0
                                    

Bakit nagawa saken ito ni Mommy? Bakit niya ako hinayaang kamuhian ang isang taong hindi ko naman... Kadugo?.

Naalala ko pa ang mga salitang binitiwan saken ni Mommy na siyang naging dahilan kung bakit mas lalo kong kinamuhian ang akala kong Ama ko.

" Iniwan na tayo ng Daddy mo! Niloko niya ako! Ipinagpalit na niya ako! Hindi na ako mahal ng Ama mo! Hindi na niya tayo mahal! "

Lalo naman akong napahagulgoo sa iyak.

" Bakit Mommy... Bakit... Huhuhu "

Hindi ko alam kung anong nagawa ko kay Mommy para gawin niya ang bagay na ito. Paniwalang-paniwala niya ako sa mga sinabing kasinungalingan nito noon saken.

" Kween... " maraming beses na umiling ako

" Leave... Me.. Alone " putol-putol na wika ko dahil hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi mapaluha.

" Ija... "

" Bakit hindi niyo sinabi saken... Bakit hindi niyo saken sinabi nung una palang. Pinagmukha niyo kong tanga ni Mommy "

" Anak, hindi totoo yang sinasabi mo. Mahal ka lang namin ng Mommy mo at ayaw ka naming pumagitna sa pag-aaway namin kaya hindi namin sinabi sa'yo "

" Pero dawit na ko dahil ako ang bunga at dahilan kung bakit nagkahiwalay kayo ni Mommy! "

" Huwag mong sabihin iyan, Anak. Wala kang kasalanan " bakit ba niya pilit na sinasabing wala akong kasalanan kung ako naman talaga ang dahilan ng lahat? Ako ang naging bunga ng kasalanang nagawa ni Mommy noon, kaya may kasalanan rin ako sa nangyayare sakanila ngayon.

Marahang pinunasan ko ang luha ko, tumayo at nilingon siya.

" Sa tingin niyo ba, Dad? " tumango ito " Hindi niyo po ba ako kinamumuhian dahil hindi niyo naman po ako, Anak? "

" Bakit ko naman gagawin iyon? Anak parin kita kahit hindi ako ang tunay mong Ama. Lumabas ka sa sinapupunan ng iyong Ina na siya namang mahal na mahal ko, kaya kahit mag-anak pa ng mag-anak ang Ina mo na hindi ako ang Ama ay tatanggapin ko kayo. Ganun ko kamahal ang Ina mo, Kween. Ganun ako katanga sa Ina mo kahit noong nasa kolehiyo pa lamang kaming dalawa " nagtuloy-tuloy ang agos ng luha ko sa mukha ko nang marinig ko ang sinabing iyon ni Dad...

" P-pero... Bakit niyo po nagawang lokohin si Mommy kung mahal na mahal niyo siya? Bakit niyo kami iniwan at sumama ka sa iba? "

" Palabas lang ang lahat anak "

" Po? " palabas lang ang lahat? Anong ibig sabihin niya doon? Na hindi totoo lahat ng nangyare for ten years?

" Gawa-gawa ko lang ang lahat. Ang pangbabae at ang pag-iwan sa inyo. Palabas lamang ang lahat ng nakita, nalaman at nasaksihan mo "

" Dad... Why? Bakit niyo po iyon ginawa? " hindi makapaniwalang ika ko.

" Dahil mahal ko ang Mommy mo. Na gusto ko ring patunayan na mahal niya rin ako kahit na niloko niya lang ako " gusto ko siyang yakapin ng mahigpit nang mapansin kong lumuha ito pero hindi ko magawa, dahil natatakot ako " Napaka tanga ko na ba anak, para gawin iyon ang bagay na iyon para sa Mommy mo? "

" Dad... " but this time, I let myself hugged him tight " I'm sorry, Dad. Sorry "

" You don't have to, Anak. It's not your fault "

" Pero kung hindi po ako dumating sa buhay ninyo ni Mommy, hindi po mangyayare sa inyo ang gani-- "

" Stop! Don't say that " napatiim ako ng mga labi at mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya " I have no regret when you came to our lives. Minahal kita at tinanggap ng buo kahit hindi ka nanggaling saken. Anak kita at walang makakapigil saken! "

" Ang pabebe mo, Dad! " pareho kaming natawa pero hindi parin ako kumawala sa pagkakayakap ko sa kanya.

I miss this. Hugging him tightly. I miss Dad. Sobra, sobra. Kung binuksan ko lang sana noon ang isip at kalooban ko, hindi na sana tumagal pa ng sampong taon ang pagkakahiwalay niya samin.

" Dad... You can forgive, Mom? "

" I already did, Anak "

" Talaga po? " tanong ko ng makawala ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Tumango ito " That fast, Dad? "

" Of course! That's how much I love your Mom. I can easily forgive her no matter what she did to me "

" We? Eh, bakit may palabas-palabas pa kayong nalalaman? "

" Gusto ko lang malaman kung mahal talaga ako ng Mommy mo. Na hindi niya ako kayang tiisin "

" But it turns out to nothing. Dahil imbis na aluin ka ni Mommy para bumalik ka Dad, siniraan ka pa niya saken. Dad... I hate Mom right now for lying to me. Kinasuklaman kita at kinamuhian ng dahil sa kanya noon. Nagalit  rin ako sa ibang lalaki dahil ang akala ko ay katulad mo silang lahat "

" Ginawa mo iyon? Bakit? "

" Because... Because I thought they are like you. Na iiwanan lang kami at ipagpapalit sa ibang babae. Ang... Ang sakit kaya ng ganun, Dad. Kaya nga po kinamuhian ko kayo ng sobra sobra nun eh. Sorry talaga Daddy " muli naman akong yumakap sa kanya

" It's okay. Its all in the past now, lets just forget about it " tumango ako sa sinabi nito

" But I'm still sorry. Am I forgiven, Daddy? " iniangatan ko siya ng tingin. Ang tangkad kasi ni Dad eh. Hanggang baba lang niya ako. Siguro bansut yung Tatay kong gago. Tch! Nakakahiya siya.

" Of course! Even if you didn't tell me that you are sorry, I'll still forgive you because I love you, Kween "

" I love you too, Daddy and thank you for forgiving us lalo na si Mommy. Welcome back nga pala Dad! "

" Thank you, Anak " muli kong niyakap si Daddy. Huhu, namiss ko talaga nang sobra-sobra si Dad.

" Can I join? " sabay naman kaming napalingon ni Dad kay Mommy na ngayon ay may lungkot sa kanyang mukha lalo na sa kanyang mga mata. I was about to say something nang pangunahan na ako ni Dad. Napanguso ako. Alam siguro nito na tatalakan ko muna si Mommy bago ko siya payagang makipag hug samin ni Daddy. Dad talaga oh.

" Of course, Hon. Come, join us " maluha-luha namang nagtungo samen si Mommy at nakiyakap samen. Naawa naman ako agad nang makita ko siyang umiyak kaya niyakap ko narin ito. Sabi ko nga di ba? Ayokong nakikitang umiiyak si Mommy.

" I'm sorry, I'm so sorry " sabi ni Mommy habang umiiyak.

" Huwag ng umiyak, Hon. Nakausap ko na si Kween. Pinapatawad ka na rin niya " binigyan ko ng nagtatanong na tingin ang aking Ama na nginitian lang ako. Aba! May sinabi ba akong pinapatawad ko na si Mommy sa ginawa niya?

" Talaga, Anak? " baling saken ni Mommy ma hindi ko naman nagawanh makasagot agad. Ramdam kong hinawakan ni Daddy ang ulo ko atsaka marahang iyong niyuko at tingala na para bang tumatango ako.

" See? "

" Salamat, Anak " nagpauto ka naman kay Daddy, Mommy! Sinamaan ko ng tingin si Dad na nginitian lang ako ulit kaya napailing nalang ako. Puro talaga kalokohan si Daddy.

" Pasali ako " at nakiyakap narin si Dad samen " Ahh, how I missed this two princesses of mine. I love you two "

" I love you, too, daddy! "

" I love you, too, Hon "

****

Lucky To Meet You - COMPLETED √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon