Thirteen - Avoidance

337 10 0
                                    

" Iniiwasan mo? " hindi ko kinibo si Jiona. Kasalukuyan kami ngayong nasa isang ice cream parlor. Iniiwasan ko nga ba? siguro. Dahil simula nung araw na sinabi ko sa sarili kong huli na iyon, hindi ko na siya nilapitan pa o kinausap man lang si Merson. Hindi naman siya nagtatanong kung bakit, hindi niya rin ako kinukulit at iyon ang magandang bagay na ginawa niya. He's helping me. Really. At nagpapasalamat ako sa kanya doon.

" Gaga ka ba? ba't mo iniiwasan? " hindi ko siya muling kinibo, pinaglaruan ko na lamang ang ice cream na binili pa para saken ni Jiona. Pinilit lang naman niya akong pumunta rito eh, wala naman talaga akong balak lumabas pa sa loob ng classroom. Malamang, gusto ko siyang iwasan kaya nagkukulong ako roon kahit lunch break na. Nagbabaon nalang ako ng pagkain ko araw-araw " Mas lalo mo lang pinahihirapan ang sarili mo. Dahil sa araw, oras na iniiwasan mo siya, ganoon din ang araw, oras na mamimiss mo siya. Ang hirap di ba? " nabitawan ko ang kutsarang hawak ko atsaka tumungo para umiyak. Miss na miss ko na nga siya. Bakit ba kasi ang hirap mag move on? huhuhu.

" If you want to fell out of love, huwag mong iwasan, hindi solution ang avoidance, maniwala ka saken "

" Eh, anong gagawin ko? " naiiyak na tanong ko. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na kami ngayon ng mga taong naroon sa loob.

" Simple, edi huwag mong iwasan. Sabi nga nila, face your fear, face it as much as you can. Mas magiging madali kapag ganon, maniwala ka saken "

" Mas mahihirapan naman ako diyan sa gusto mo eh, "

" Mas mahirap kung ikaw naman ang iwasan niya, " nanlambot ako sa sinabi niya " Baka mamatay ka kapag ikaw naman ang iniwasan niya, kaya kung ako sa'yo tigilan mo na ang ginagawa mo. Harapin mo yung tao at pigilan mo ang sarili mo. Iwasan mo kapag may mga bagay siyang ginagawa sa'yo na makakapagpalugmok lalo sa'yo para mahalin siya, ganon lang yon "

" Kung ganon lang sana kadali " muli ko namang pinaglaruan ang ice cream ko

" Sa una mahihirapan ka pa, pero kapag nakasanayan mo na, parang wala nalang iyan "

" Bakit parang andami mong alam? naranasan mo na ba? "

" Well... I don't, but my cousin does. High school kami non, magkaklase kami at nasa ganiyang sitwasiyon rin siya tulad ng sa'yo. Nagkagusto sa bestfriend niya na may mahal namang iba. Ginawa niya ang ginawa mo, iniwasan niya, pero sa huli siya rin ang mas lalong nasaktan lalo na nang siya naman ang iwasan nung lalaking iniiwasan niya. Nagcommit pa nga ng suicide yun eh, buti nalang at napigilan siya " napatakip ako ng bibig sa sinabi niya habang nanlalaking mata na nakatingin sa kanya " Kaya bilang kaibigan mo, pinapayuhan na kita, pinapangunahan, para hindi ka matulad sa pinsan ko "

" Pero paano kung... mas lalo lang akong bumigay? "

" Trust me, hindi mangyayare iyon as mush as kaya mong pigilan "

" Paano kung hindi ko kaya? "

" Eh, kung dagukan kaya kita? " napaatras ako sa kinauupuan ko nang ambaan ako nito na dadagukan nga

" Biro lang! Ito! Masiyadong highbra! Bra mo nga ibaba mo " ginawa naman niya kaya natawa ako " Oo na, oo na, kaya ko na, pipilitin ko "

" Huwag mong pilitin, gawin mo. Be natural, act natural, yung bagang parang walang nangyare, ganon! "

" Oo na " siniringan niya ako bago niya sinubo ang huling ice cream sa baso niya. Buti pa siya tapos na, samantalang ako nakuha ng nalusaw ito hindi ko pa natitikman " Kamusta na pala ang pakikipag-usap mo sa dati mong--- "

" Don't mention that, naasar ako "

" Bakit? akala ko ba hindi nila ipapaalam kanino kung sino ka talaga? "

" Hindi nga nila ginawa, pero malakas ang radar ng mga bago nilang salta. Ka schoolmates pa natin ang mga unghas "

" What? so, sila yung dahilan kung bakit... "

" Wala ng iba "

***

Sinu-sino kaya ang tinutukoy ni Jiona? hindi na talaga ligtas ang buong mundo ngayon. Nakakatakot na. Jusko naman!

" MISS KWEENY! " 

" Ay palakang kabayo! Ano ba, Toffer! " kahit talaga napakaingay ng lalaking ito. Aish!

" Haha, sorry " kamot ulong ika nito habang nakangiti ng malapad.

" Anong kailangan mo? "

" Tinawag ka lang may kailangan agad? hindi ba pwedeng gusto ko lang makisabay maglakad sa'yo? "

" Hindi ako naniniwala. Spill it " nagkamot ito ng batok, sabi ko na nga ba eh.

" Sige na nga! Are you avoiding, Merson? " napahinto ako sa paglalakad atsaka ko siya hinarap

" Ha? "

" Napapansin kasi namin, bakit?. Tinatanong naman namin si Merson kung bakit ngunit maging siya ay hindi alam kung bakit mo siya iniiwasan. May problema ba kayo? "

" Ha? "

" Alam mo, wala naman talaga akong pakialam kahit hindi mo kami pansinin eh. Pero kasi... yung makita naming pinababayaan ni Merson yung sarili niya? hindi  na namin kayang pabayaan iyon "

" Anong ibig mong sabihing... pinababayaan? "

" Hindi siya kumakain, Kweeny. Lagi lang siyang nakatingin sa'yo, binabantayan ka at sinusundan kahit saan ka magpunta "

" Ano? bakit niya ginawa iyon? "

" Kasalanan mo! " napanguso ako sa sinabi niyang iyon. Alam ko naman iyon, kailangan pa talagang isumbat sa harapan ko? " Kung hindi ka kasi nagpabebe hindi naman niya gagawin ang bagay na iyon eh " susumbatan ko pa sana siya pero naunahan niya na ako sa pagsasalita " Nasa tambayan niyo siya ngayon, hindi ka sinundan dahil alam naman niyang walang mangyayare sa'yo lalo na't si galunggong ang kasama mo " hindi ko na siya pinansin pa atsaka na ako patakbong nagtungo sa tambayan.

Anong pumasok sa kokote niya at ginawa niya ang bagay na iyon? nahihibang na ba siya? gusto na ba niyang mamatay?! Aish!

Hingal na hingal na huminto muna ako sa pagtakbo, malapit narin naman ako at tanaw na tanaw ko na siya sa kinatatayuan ko. Nakatingin ito sa malayo at mukhang malalim ang iniisip.

Ano bang nangyayare sa'yo, Merson? bakit mo ba ito ginagawa? Mas lalo mo lang akong pinahihirapang kalimutan ang nararamdaman ko para sa'yo kung sabawat ganiyan mo mas lalo akong nahuhulog sa'yo.

Muli akong tumakbo patungo sa kanya, mukhang hindi niya ako napansin. Kaya nang makarating ako sa likuran niya ay isng malakas na batok agad ang iginawad ko sa kanya na ikinabigla niya at masamang-masama ang itsura na hinarap ako. Ngunit mabilis ring nawala nang makilala niya ako.

" Kween, "

" Gago ka ba? bakit hindi ka kumakain? bakit pinabayaan mo ang sarili m--- " hindi ko na nagawang tapusin ang sinasabi kong sermon sa kanya nang bigla na lamang niya akong yakapin ng mahigpit. Ramdam ko ang pangungulila sa kanya dahil sa haplos sa likod ko na ginagawa niya " Merson... "

" I'm sorry, kung may nagawa man akong kasalanan, sorry. Huwag mo lang akong iwasan, Keeen, please... " mas lalo akong nakaramdam ng pagsisisi nang marinig ko siyang umiyak.

Anong ginawa ko?...

Lucky To Meet You - COMPLETED √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon