Twenty Four- Nakakapanibago

360 7 0
                                    

Anong meron sa mga lalaki ngayon at lapit sila nang lapit saken? Lalo na kapag kasama ko si Merson. Lagi nalang silang may sasabihin na may ipapakita sila na ikakatuwa ko. But in the end wala naman pala at bigla nalang silang magsosorry at aalis. Ang weird nila pramis.

Nasa flower shop ako ngayon ni Ell. Isinasalansan ko sa mga lalagyan ngayon ang mga bagong deliver na bulaklak.

" Nagkabati lang kayo ng Papa mo, nanlalake ka na " napailing ako. Kanina pa sinasabi iyan ni Merson na nasa tabi ko, tumutulong siya sa ginagawa ko.

" Ang kulit mo. Meron ka? " inismiran ko siya ng ngusuan nanaman niya ako. Siya naman ngayon ang nakakapanibago, para siyang bata. Para siyang sinaniban ng kaluluwa ni Cynl kaya siya nagkakaganiyan.

" Pinagpapalit mo na ko, "

" Ano ba'ng sinasabi mo diyan? " hininto ko ang ginagawa ko atsaka ko siya hinarap, pero ang loko matapos na naman akong ngusuan inismiran na niya ako at umalis sa tabi ko. Muli akong napailing na may kasamang pagbuntong hininga.

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang iisipin ko sa mga inaakto niya ngayon. Ayoko na talagang mag expect lalo na ang mag assume. Baka masaktan lang ulit ako.

" Mahal na Reyna! "

" Ay kabayo ka! Cynl naman! " nginitian lang ako ng loko. Anong meron sa lalaking ito at good mood yata siya ngayon?

" Ano, effective ba? "

" Yung? "

" Nagseselos na ba siya dun sa mga lalaking lumalapit sa'yo? " kumunot noo ko

" Don't tell me.... "

" Oo, ako may pakana non. Promise is a promise. Tapos narin naman ako sa problema ko kay Jiji kaya ikaw naman ang hinarap ko ngayon "

"Cynl... " bumuntong hininga muna ako " Hindi mo na kailangang gawin ito. Kung mahal ako ng kapatid mo, hayaan mong siya ang gumawa ng paraan "

" Eh, torpe nga yon! Matatagalan pa bago kumendeng yon. Baka puti na ang lahat ng buhok niyo at uugod-ugod na kayo hindi pa umaamin iyon " napakamot ako sa pisnge ko " Huwag mong sayangin ang pagkakataong ito Kween. Lalo na ang efforts naming dalawa ni Jiji "

" May alam si Jiona dito? "

" Oo. Pakana naming dalawa ito. Akin ang idea sa kanya nanggaling ang mga lalaki "

" What the... "

" Hindi mo ba sila naaalala? " umiling ako " Hindi mo ba maalala yung mga lalaking sumugod nalang bigla kay Jiona three weeks ago? "nanlaki ang mga mata ko " Now you know, walang iba kundi sila. They are now under Jiona's hand, kaya nautusan namin sila "

" Pati si Nikko? Yung kaklase ko? " tumango ako na ikinasinghap ko " No way! " napakabait ng taong iyon at hindi mo mababakas a itsura niya na may ganoon siyang side

" Looks can deceived. Maging ako nga ay hindi naniwala nang sabihin sakin ni Jiji na isa iyong si Nikko na kaklase mo ay kasama sakanila. Sayang ang taong iyon, matalino pa naman " sumangayon ako sa sinabi niya.

Grabe. Nakakatakot na talaga ngayon ang panahon. Wala ng ligtas na lugar. Creepy.

" But don't worry about them. They changed now "

" Talaga? "

" Oo naman gusto mo bang pinagsasapak sila ni Jiona? Bwahahaha " naiiling na napapangiti ako. Mukhang okay na nga sila " Huwag kang matakot umasa, Kween. Huwag kanh matakot masaktan " bakit ang seryoso niya ngayon? Nasaan na yung Cynl na para bang laging nakalunok ng mic at may pagka sirang plaka? " Lahat naman tayo ayaw masaktan eh, ngunit ano pa bang magagawa naten? Mukhang katuglong na nang nagmamahal ang masaktan "

Lucky To Meet You - COMPLETED √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon