Napatda ang pag-iisip ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. It was Mom kaya agad ko itong sinagot.
" Mom, I missed you " bungad ko nang sagutin ko ang tawag niya ng nakangiti pa. Pero agad rin iyong napalis nang marinig ko ang paghikbi ni Mommy sa kabilang linya kaya nataranta ako at mabilis na kinabahan " Mom, why are you crying? Is Dad there? Inaway ka na naman ba niya? Mom! "
" Hindi anak. Umuwi ka muna dito please. May sasabihin ako sa'yo "
Kinabahan ako. Hindi ko alam kung para saan.
Pero ano kaya ang sasabihin ni Mommy?.
" Sige po, magpapaalam na muna po ako sa mga prof ko at kay Ellaine "
" Sige, Anak " atsaka ito humagulgol ng iyak
" Mom... " hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil tinapos na nito ang tawag niya. I am about to call her again ng may magsalita mula sa likuran ko.
" Are you okay? " si Merson na may pag-aalala na naman sa kanyang mukha.
Umiling ako " My Mom wants me to go home "
" Ganun ba? May problema ba kaya ka ba niya pinapauwi? " muli akong umiling
" She didn't tell, she just want me to go home, may sasabihin daw siya eh " tumango ito at umaliwalas na ang kanyang mukha
" Kailan ang luwas mo? "
" Tomorrow. Umiiyak kasi si Mommy kaya kailangan ko agad umuwi. Baka napaano na siya doon at hindi niya lang masabi saken dahil ayaw niya akong mag-alala lalo na't nasa malayo ako "
" Gusto mo bang ihatid kita? "
" Salamat nalang, Eson. Baka makaabala pa ako sa'yo atsaka may pasok ka "
" I can skip the class just to know you're safe " may kung anong pumalo sa dibdib ko. Naku puso! You are beating to a wrong guy. You'll only get hurt.
" Thank you, but I prefer to commute. Iteteks kita kapag nakarating nalang ako don. Okay ba yon? "
" Sigurado ka ba? " tumango ako " Aasahan ko yan ah? " Muli akong tumango nang nakangiti sa kanya. He sigh kaya napatawa na ako. Huwag kang ganiyan, Eson. Lalo lang akong nahuhulog sa'yo kapag alam kong nag-aalala ka saken ng ganiyan.
Wala sa sariling nayakap ko siya. Alam kong nabigla siya pero wala akong pakialam. I feel like I want to hug him kaya ginawa ko nalang kesa sa manghinayang pa ako na hindi ko ginawa. Wala namang ibig sabihin sa kanya ito kaya sasamantalahin ko na ang ganitong pagkakataon.
" Thank you, Merson " naramdaman ko naman siyang tumango at niyakap ako pabalik. I just smiled.
" Wow, may group hug! Pasali! " nabigla ako nang marinig ko ang boses na iyon, kakawala na sana ako sa pagkakayakap sa kanya ngunit hindi ko na nagawa dahil nayakap na ako ni Ell.
Nailang naman akong tignan si Merson nang magkahiwalay kami sa pagyayakapan. Masiyado kasi akong nadikit sa kanya. Maging siya yata ay nahiya sa nangyare dahil hindi rin siya makatingin saken ay pilit na nililinis nito ang kanyang lalamunan nang paulit ulit inubo pa nga ito.
" Naku! Nagkahiyaan pa kayo, ginusto niyo naman! " kantsaw ni Ell nang mapansin siguro niya kaming dalawa. Binalingan ko siya ng masama ang tingin.
" Ell! " sigaw ko na siya namang ikinaripas agad ng takbo nito. Minsan lang akong sumigaw kaya alam kong alam niya na galit na ako. Aish! Ang babaeng iyon talaga.
*
Kinabukasan ay maaga akong nagpunta sa faculty upang personal na magpaalam na mawawala ako ng ilang araw upang umuwi sa aming probinsya. Masama mang magdahilan ng hindi totoo pero nagawa ko. Hindi kasi ako basta-basta papayagang magliban kung hindi naman talaga kinakailangan. Babawi nalang siguro ako sakanila kapag nakabalik na ako, hindi rin naman siguro ako magtatagal doon.