Sometimes, I want to live just like this beautiful plant.
Silently and peacefully growing but beautiful.
Yung walang gugulo at mananakit sa'yo. Di ba napakasarap mabuhay ng walang gumugulo at nananakit sa'yo?. Ansarap sigurong mamuhay kapag ganon.
Nasa hardin ako ngayon ng mga CAG o College of Agricultural Garden. Dito ako madalas tumambay kapag break namin. May mga kaibigan akong babae pero hindi ko sila gaanong kasama. Yung iba kasi ay may mga kaibigang lalaki kaya umiiwas ako sakanila minsan. Alam naman nila kung bakit at naiintindihan nila ako kaya hindi na nila ako pinipilit pa.
Kinuha ko ang maliit na cactus na nakalagay sa maliit na paso. This is my favorite plant here in CAG. Ewan ko, nung first time ko dito ay siya agad ang unang halaman na napansin ko.
This plant is living peacefully but deadly. Haha. Andaming patusok eh.
Minarkahan ko na nga ito ng smile eh, para kapag nakagraduate ako eh, iuuwi ko na siya. Oo, kukunin ko siya at isasama sa probinsya namin at doon ko siya ipagpapatuloy na aalagaan. Ipagpapaalam ko naman iyon sa faculty. Papayag naman siguro ang mga iyon na ibigay siya sakin dahil since talaga na tumapak ako dito ay sa kanya lang ako nakafocus. Haha. Ang kyut kasi talaga. Hehe.
" Oh, Kween! " muntik ko ng mabitawan yung cactus dahil sa pagkagulat ko sa taong tumawag sakin. Jusko, hindi ko pa man siya naiuuwi ay baka masira ko na siya. Sino ba yun?. Sinulyapan ko kung sino ang tumawag sakin nang matapos kong bitawan si cactus sa kinalalagyan niya.
" M-merson? " gulat na pagbanggit ko sa pangalan niya. Anong ginagawa niya dito? Don't tell me dito siya nag aaral? Pero saan naman siyang faculty? Bakit ngayon ko lang siya nakita rito?.
" Ikaw nga! Nag-aaral ka pa pala! "
" Ah, oo, eh " lumabas ako sa loob ng CAG para harapin siya. May mga napapatingin samin kaya napapayuko ako. Anong tinitingin tingin nila?
" You didn't tell me! "
" Ahh, haha " kailangan ko pa bang sabihin sa kanya?
" Mukhang sa faculty of agriculture ka nag-aaral. Kaya ba nagpapart-time ka sa shop ni Ellaine? "tumango ako ng bahagya at niyuko pa ang ulo. Ba't ba nakatingin silang lahat dito? Anong meron? Tss! " Ah, wala ka ba sa mood na kausapin ako? "
" Ha? " mabilis na iniangat ko sa kanya ang paningin ko may nakita akong lungkot don na ikinakonsensya ko naman agad "Naku, hindi. Na... Naiilang lang kasi ako dahil parang... Nakatingin silang lahat dito. Ano bang meron? "
" Ahh, don't mind them. Kumain ka na ba? Tara caft. tayo, my treat " wala naman akong nagawa ng hilahin niya ako patungong cafeteria. Mas lalo naman akong nahiya at the same time nagtakha na dahil lahat sila as in LAHAT sila nakatingin saming dalawa. Kahit yung mga taong busy na madadaanan namin ay nabibigyan kami ng pansin. Ano ba kasing meron? Huhu.
Nang dumating kami sa cafeteria ay doon ako nakarinig ng mga bulong-bulungan.
" Who is she? Bakit kasama siya ni King Merson? "
" OMG! Who's that linta? Anlakas naman ng loob niyang sumama kay Fafa Merson! "
" Ang ganda ni Ate, no wonder at nagkagusto sa kanya si King Merson "
King Merson? Bakit ganon ang tawag nila kay Merson? At ano naman ngayon kung magkasama kami? Too much biggie ba? Mukhang hindi naman masamang sumama kay Merson eh.
Sino ba sila? Mga tagahanga niya?
Hindi naman maipagkakaila na may itsura si Merson. Gwapo ito, matangkad, maputi, may magagandang kulay na pares ng mga mata, may mapupulang labi, perpektong hugis ng mukha at may matikas na pangangatawan.