part25

384 20 3
                                    

Kinagabihan ay bigla syang kinabahan ng hindi nya maintindihan,dagdagan pa ni vivoree na hindi mapakali..

Ui vivoree ok ka lang? Tanong ni maymay dito.

Hehe ok lang ate may medyo na xcite lang ako para mamaya. Nakangising sabi nito

Teka nga ano bang trip mo?saan mo ba talaga ako dadalhin mamaya? Takang tanong nito

Ate may relax ka lang,ako bahala sayo sabay ngisi nito...

Ewan ko sayo..ang nasabi nalang ni maymay

Pagkatapos nilang magbihis ay may sumundo sa kanila Nagtaka naman si maymay kaya napatingin sya kay vivoree Pero ngumiti lang ito..

Ano kayang pakolo ng babaeng to ang nasabi nalang ni maymay sa sarili

Pagtingin nya kay vivoree ay ngiting ngiti ito habang may katxt..

Kaloka si marco na naman siguro katxt nito,buti pa sya katxt si marco samantalang Yung edward na yon di man lang nagparamdam haaay ang nasabi nalang ni maymay sa sarili..

Pagdating nila ay biglang Natigilan si maymay napansin naman ito ni vivoree kaya napatingin ito sa kanya..

Bat andito tayo sa pbb house,anong meron takang tanong ni maymay

Uhm...ano...Wait lang ate may sagutin ko lang Itong tawag,pasok kana lang Jan  sa pinto na yan tsaka magtiwala ka lang sa akin maganda ang kakalabasan nito ang nakangiting sabi nito sabay yakap tsaka nagmamadaling naglakad

Nagtaka naman si maymay sa sinabi nito..

Ui vivoree Teka lang naman ano to?nagtatakang tanong ni maymay Pero bigla nalang nawala si vivoree..

Asan na Yung babaeng yun,ang bilis naman mawala,naku lagot ka  talaga sa akin mamaya ang nanggigigil na sabi ni maymay

Habang nakatingin sa pinto ay kinakabahan sya..nagdadalawang isip  Kung papasok o hindi

Walang katao tao tas
papapasukin nya ako Jan?
Naku baka mapagalitan pa ako ng wala sa oras...

Pero sa huli napagpasyahan nyang pumasok kahit kinakabahan..

Bahala na,sabi naman ni vivoree magtiwala ako Malay nga naman baka pag pasok ko maraming pagkain e di nabusog na ako ang natatawang sabi ni maymay

Habang unti unting binubuksan ni maymay ang pinto ay Natigilan sya..

Bat ang dilim,ay naku vivoree humanda ka talag....

Hindi na natapos ni maymay ang sasabihin ng unti unting may lumiwanag,kinakabahan man ay nagpatuloy nalang sya sa loob kahit ang tanging liwanag lang ay ang dadaanan nya..

Bawat hakbang nya ay may umiilaw,nagtataka man ay nagpatuloy pa din sya sa paglalakad..

Bigla nalang syang napahinto ng may marinig syang kanta..

Baliw ang pinatugtug...hinding hindi nya makakalimutan yun dahil especial ito sa kanya,sa kanila ni edward..

Ng hindi nya maintindihan ay bigla syang napaluha,bumalik ang lahat ng alaala nya nung nasa loob pa sya ng pbb house

Kung saan nakilala nya si edward,naging kaibigan,naging sandalan sa lahat ng oras,at naging parte sa buhay nya...

Napatigil sya sa pagiisip ng biglang lumiwanag ang pinto sa mismong loob nito..habang sya ay nakatayo lang malapit sa pool area...

Pakiramdam nya ay tumigil saglit ang pagtibok ng puso nya dahil biglang lumabas ang lalaking kahapon pa nya iniisip..
..

Edward...ang tanging nasabi ni maymay

ikaw pa rinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon