Chapter 03
Maaga kaming nagising ni Ayesha para maghanda. Kasalukuyan kaming nagaayos ng aming mga gamit sa bag upang tignan kung may nalimutan ba kami bago tuluyang bumaba para ilagay sa silid ang aming mga bag at bago tuluyang dumiretso sa hall.
"Ayus na ba yung gamit mo?" Muli kong tinignan ang loob ng bag ko. Mukhang kumpleto na nga ito at wala nang kulang.
"Mukhang wala na akong naiwan." Pahayag ko sakaniya. Tumango naman ito bilang sagot.
"Tara na. Malapit na ring magsimula ang almusal, dapat pagnagbell naadun na tayong lahat." Lumabas kami ng kwarto at nilock ang pinto nun. Bumaba na kami at dumiretso saaming silid. Maayos ang aming silid. Kumpleto ang upuan at sa bandang likuran ay may lagayan ng mga libro. Nakaayos ito base sa kulay ng mga libro. Nakakamangha. Malaki rin ang silid ito. Para siyang isang theater room.
"Napakasimple lang pala nito, pero nakakamangha sa mata." Muli kong inikot ang paningin ko bago ako tuluyang tumingin kay Ayesha.
"Mabuti nagustuhan mo. Mukhang unti-unti mo nang nagugustuhan dito ah." Tumango ako sakaniya, pero hindi ko pa din maiwasan na malungkot dahil malayo na ako kina inay at lola.
"Tara na. Naandiyan na sina Xina at Nicolas. Sabay na tayo sakanila." Napalingon ako at sabay na pumasok ang dalawang lalaki. Nilagay nila ang bag nila sa harap ng upuan namin ni Ayesha.
"Beth-- Beth na lang pala tawag ko sa'yo. Masyadong mahaba kung Elizabeth." Saad ni Xian. Medyo umiling ako sakaniya.
"Liza na lang. Para mas magandang pakinggan. Hindi ko kasi gustong tinatawag akong Beth." Paliwanag ko sakaniya.
"Sorry hindi ko alam." Ngumiti lang ako sakaniya.
"Wala yun, basta Liza na lang ang tinawag ninyo saakin. Para mas madali at mas magandang pakinggan." Tumango silang lahat saakin. Naunang naglalakad sina Ayesha at Xian, para nga silang aso't pusa dahil bigla na lang mambabatok si Ayesha at halata mo namang inaasar ni Xian. Bagay nga sila eh. Sa totoo lang.
"Siya nga pala Liza, nasa upper class ka ah. Sa power ward ka nakalagay." Pinakita niya saakik ang list of student na nakalagay sa power ward. Nagulat ako ng makita ko nga ang pangalan ko, sa ilalim ng pangalan ni Nicolas.
"Hindi ko alam Nicolas. Masyadong magulo eh." Saad ko sakaniya at ngumiti na lang. Nagtataka ako, ano bang klaseng wizard ang mga kasama ko?
"Siya nga pala, alam mo ba kung anong klaseng wizard si Ayesha?" Napatingin ako sakaniya at medyo umiling.
"Isa siyang Elemental Wizard. She can actually talk to elemental spirits, sa mga hayop na naninirahan sa kakahuyan." Kwento niya saakin. Nakakamangha naman kung anong meron si Ayesha.
"Si Xian naman, isa siyang water wizard. He can control water, kaya niya ring gumawa ng sarili niyang bagyo. Even those tornados." Grabe mga kakaiba ang tao dito kaya parang exciting talaga magaral dito. Napatingin naman ako ulit sakaniya.
"Eh ikaw? Anong klaseng wizard ka?" Hindi niya ako sinagot, pinakita niya ang kaniyang palad at may maliit na apoy na lumabas doon.
"Isa kang fire wizard?" Tumango siya bilang sagot sa tanong ko.
"Naiinggit ako. Gusto ko ding magging katulad niyo, kaso normal lang ako." Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang mukha ko, dahilan para makita ko ng malapitan ang mukha niya. Napakaganda ng mga mata niya.
"Balang araw Liza, malalaman mo din."
---
Matapos ang aming almusal, lahat ng estudyante ay nagsibalikan na sa kaniya-kaniya nilang mga silid. Sabay padin kaming apat sa pagpasok pa lang sa silid. Nagsiayos na kami bago pumasok ang aming guro. Katabi ko lang si Ayesha kaya mukhang wala na rin kaming problema.
BINABASA MO ANG
Moonlight Academy 2 (COMPLETED)
VampirePinangarap ko lang naman magkapagaral ng maayos, pero habang dumadating ang araw, linggo at buwan. Unti-unti nang nagbabago ang lahat ng saakin. Akala ko, isa lang akong normal na tao. Naging uhaw, nagkaroon ng bagay na hindi ko naman pinangarap. Ak...