Chapter 14
I can't imagine making my proctor impressed from what I did. I never expected passing this subject. Nakangiti ako simula kanina pa dahil sa nangyari sa klase. Hindi ko inaasahan na papangalawa ako sa klase na may pinakamataas na grado. Hindi na ako makapagnatay na ibalita ito sa aking ina at paniguradong matutuwa ang nanay ko dahil doon.
"Liza, akala ko ba aalis ka ngayon? Makikipagkita ka kay Zander diba?" Tanong ni Ayesha saakin na kasalukuyan na nakahiga at may nakaharang na libro sa mukha niya.
"Oo nga, may inaayos lang ako." Muli kong inayos ang porma ng damit ko sa hanger at pinasok sa loob ng cabinet. Kinuha ko ang isang jacket ko at nilagay sa katawan ko.
"Sige Ayesha una na ako. Mamaya na lang ulit." Kumaway lang siya saakin nang hindi tumitingin. She's really busy. Lumabas na ako sa kwarto at nagsimulang naglakad sa hallway. Maliwanag pa naman sa hallway dahil maaga pa naman. Time call namin ay nine o'clock. Yun na ang oras na kailangan lahat kami nasa loob na nang kwarto. Madami akong estudyanteng nakitang nakaupo sa sofa dito sa second floor. Second floor and above ay merong ganitong style na parang living room pero tatlong sofa lang ang meron dito. Isang rectangled style and the two sofa facing each others are squared style.
I like the color of that couch, which is maroon. And at the middle of it, is the glass table where under of it has a three divider. Maraming libro ang nasa ilalim nito at pwede kang kumuha ng isa at dalhin sa kwarto mo pero ibabalik mo lang. May ilaw sa kisame na nasa gitna. Maganda ang ambiance dito, especially the view. You can see the moon clearly from this place.
Dire-diretso lang ako sa paglalakad hanggang sa nakarating ako sa garden. May tao akong nakita na nakaupo lang sa isang bench. Nakatalikod lang ito saakin, at bade sa hulma nang katawan nito ay kilala ko ito. It's him, Zander. Agad akong naglakad at umupo sa tabi niya. Doon pa dim siya nakaharap sa puno at habang ako nakaharap sa building ng dorm nila. Lumingon siya saakin at ngumiti.
"Ano bang gusto mong pag-usapan?" Mahinahong tanong ko sakaniya. Nagulat ako ng maramdaman ang kaniyang mainit na palad na nakapatong sa kamay ko. He's look at my eye and I can almost read what his eyes want to say.
"I really like you, Liza." Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa sinabi niya. Parang kinain ng sarili kong bunganga ang dila ko.
Humarap siya saakin at hinawakan ang kamay ko, "You don't need to say anything Liza, alam ko namang may iba nang laman yang puso mo at kilala ko kung sino siya. Hindi ko na rin ipagpipilitan ang sarili ko sa'yo dahil alam ko namang wala talaga akong puwang diyan." Napatingin ako sa sinabi niya at sinuntok siya sa dibdib niya.
"Anong walang puwang?! Zander! Hindi porket may gusto ka saakim at hindi ko kayang suklian yun, iisipin mo na agad na wala. Kaibigan kita, mahal kita pero hindi sa paraan na gusto mo." Ngumiti siya saakin at inayos ang buhok ko na humarang sa mukha ko at inipit sa likod ng tenga ko.
"I know Liza, pero pag dumating sa punto na sinaktan ka na niya. Wag kang matakot na lumapit saakin dahil hindi lang si Ayesha at Xian ang pwede mong kausapin, naandito ako lagi sa tabi mo Liza." Ngumiti ako sakaniya at niyakap siya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
"Gumaan na din ang pakiramdam ko dahil nasabi ko na sa'yo ang nararamdaman ko." Ngumiti lang ako sakaniya at tumingin sa buwan. Sobrang lamig pala dito ngayon at buti na lang nagjacket ako bago lumabas ng kwarto. Panigurado kung hindi ako naglagay nito patay na ako sa sobrang lamig dito sa labas.
"Nasaan ang kwintas mo?" Tanong nito saakin. Hinawakan ko ang leeg ko at panakita sakaniya. Nakatago kasi ito sa loob ng blouse ko para maingatan ko ng maigi at hindi mawala. Tinatangal ko ito kapag matutulog ako para hindi masira.
"Wag mong iwawala yan." Kahit pa hindi ko maintindihan at parang nagtutugma ang sinasabi niya sa sinabi ni nanay saakin nung binagay niya ito, tumango na lang ako sakabiya bilang sagot. Habang pinagmamasdan ko ang buwan at bituin, pakiramdam ko may nakamasid saamin kaya napatingin ako sa likod ko at wala naman akong nakitang tao. Biglang tumayo so Zander.
"Let's go." Walamg emosyon niyang sabi na ikinabigla ko, kaya napatayo agad ako at sumunod sakaniya habang naglalakad. Tumigil siya at sandali din akong napatigil.
"Mauna kang maglakad." Bagamat nawewerduhan ako sa kaniya wala akong ginawa kundi ang sumunod sakaniya. Hanggang sa nakarating na kami sa tapat ng kwarto namin ni Ayesha. Humarap ako sakaniya at parang hindi ko alam ang sasabihin ko dahil sa inakto niya kanina.
"Pasensiya ka na kanina, may prensensiya lang akong naramdaman kanina at masyadong mabigat, pero sa'yo lang ito nakatingin kaya mas mabuting ihatid na lang kita dito para masiguradong ligtas ka." Saad niya saakin. Napatango na lang ako.at iniisip ko pa din kung anong sasabihin ko sakaniya.
"S-salamat." Yun na lang ang pumasok sa isip ko na sabahin sakaniya. Ngumiti lang ito at pinatong ang kamay sa ulo ko.
"Pumasok ka na sa loob." Tumango ako.sakaniya at pumasok na sa loob at kasabay nun ang pagsara ko ng pinto. Nakita ko si Ayesha na nakahiga at tulog na. Umupo ako sa kama ko at hindi ko na binuksan ang lamp shade baka magising pa si Ayesha dahil sa liwanag. May liwanag namang pumapasok mula sa bintana na galing sa buwan. Huminga ako ng malalim at inisip lahat nang nangyari kanina. Sino nga ba yun? Parang pamilyar saakin ang bigat ng prensesiya nung taong nakatingin saakin.
Zander Vell
"Kumain ka na ba, ijo?" Tumango lang ako manang at dumiretso ako sa kaniyang opisina. Kung saan lagi siyang nakaupo at pinagmamasdan ang litrato nang kaniyang anak. Alam kong naramdaman niya ang prensensiya ko sa loob ng kaniyang kwarto kaya tumingin ito saakin.
"Kamusta ang lagay niya?" Sanay na ako sakaniyang tanong dahil halos ito na lang ang tinatanong niya saakin pagnapunta ako dito. Hindi ko naman siya masisisi dahil matagal na nawalay ang anak niya sakaniya at ngayon malapit na ito sakaniya.
"Maganda naman ang lagay niya pero, mukhang binabantayan na siya ng kaniyang kapatid." Saad ko sakaniya at umupo sa couch. Tumango ito saakin.
"Mas mabuti nang kuya niya ang nagmamasid sakaniya dahil pag ang ama ko ang nagbantay sakaniya hindi ko na alam kung anong magagawa ko sakaniya. Masyado pa siyang bata para maranasan ang lahat ng ito." Nakatingin na ito sa buwan at iniisip niya na naman ang araw nang pagtatakda.
"Hanggang kailan ka ba magtatago dito sa lungga mo?" Ito ang tanong na lumabas sa bibig ko. Mas matanda siya saakin ng ilang taon pero para saakin parang kaibigan ko lang siya dahil hindi siya mukhang matanda. Nasa lahi kasi nila ang magmukhang bata kahit na anong edad mo.
"Hindi pa ako handa na magpakita sa anak ko pero, handa na akong kausapin ang kaniyang ina. Handa na akong lumapit sakaniya at humingi ng tawad sa lahat ng kasalanan ko. Sa tingin mo ba Zander, patatawarin niya pa ako?" Bumuntong hininga ako at kinuha ang kapaeng nilagay ng isa sa mga katulong niya.
"Wag kang matakot sa bagay na yan. Kung mahal ka parin niya hanggang ngayon paniguradong patatawarin ka niya at tatanggapin ulit. Besides you're the father of her child." Saad ko sakaniya at humigop nang kape bago ilapag sa lamesa ulit.
"Sana nga Zander, sana nga."
—
Thank you ♥
BINABASA MO ANG
Moonlight Academy 2 (COMPLETED)
VampirePinangarap ko lang naman magkapagaral ng maayos, pero habang dumadating ang araw, linggo at buwan. Unti-unti nang nagbabago ang lahat ng saakin. Akala ko, isa lang akong normal na tao. Naging uhaw, nagkaroon ng bagay na hindi ko naman pinangarap. Ak...