Chapter 16
Hindi ko alam kung paano papasok sa utak ko ang lahat na nalaman ko. Bakit sa sobrang dami ng tao sa mundo, ako pa? Saakin pa nangyari ang bagay na ito. Bumunting hininga ako bago ako bumalik sa kama ko. Pinagmasdan ko ang natutulog na si Ayesha. Mahimbing siyang natutulog samantalang ako hindi makatulog dahil sa mga iniisip ko. Napalingon ako sa pinto ng may marinig akong mahinang pagkatok mula sa labas. Agad naman akong tumayo at binuksan yun.
"Ikaw pala." Saad ko sakaniya at parang pareho kaming hindi alam ang sasabihin dahil sa nangyari.
"Pwede ba kitang makausap?" Tanong niya saakin. Tumango naman ako sakaniya at sinarado ang pinto ng kwarto namin at sumama sakaniya. Bumaba kami at dumiretso sa hardin. Napakalamig ng simoy nang hangin at talagang nanunuot sa balat. Bakit kasi hindi ako nagdala ng jacket? Isanf makapal na tela ang dumampi sa balikat ko, at nung nakita ko kung ano ito ay agad akong ngumiti sakaniya.
"Salamat." Inayos ko ang pagkakalagay ng jacket na kanina ay suot niya lang. Umupo naman ito sa may ilalim ng puno. Hindi naman ganoon kalayo ang puno na kinauupuan niya pero para saakin ay malayo ito.
"Gusto ko lang palang humingi ng tawad sa pagtatago ko sa pagkatao mo. Hindi ko naman ginusto na itago ito sa'yo pero ito kasi ang utos saakin ng iyong ama." Saad niya saakin. Hindi man ako nakatingin sakaniya ay ramdam ko na saakin nakatuon ang kaniyang paningin.
"Pero bakit? Bakit hindi mo sinabi saakin? Bakit hindi niyo sinabi saakin ang lahat ng ito?" Sunod-sunod kong tanong sakaniya. Narinig ko ang paghinga niya ng malalim.
"Dahil gusto lang nila na protektahan ka. Gusto nang iyong ama na nakalimutan ant lahat ng tungkol sakaniya para kung gayon ay hindi ka magtanong nang magtanong sakanila at para hindi ka na mahirapan pa kakahanap sa iyong ama."
"Parang ibig sabihin din nun ay ang pagtago niyo nung buong pagkatao ko Zander. Ngayon alam ko na Zander, ako ba ang taong tinuturing mo na kailangan mong protektahan? Ako ba ang childhood friend na sinasabi mo?" Sa mga tanong na iyon ay parang mauubusan ako ng hininga kung malaman ko mang konektado siya sa buhay ko.
"Oo, ikaw nga." Hindi ko na alam kung paano pa ako magsasalita o ano ang mararamdaman ko na ngayon alam ko na. Konektado siya sa buhay ko. Isa siya sa mga taong maapektuhan sa mga bagay na mangyayari sa paligid. Kung kaya nilang tanggapin siguro kailangan ko na ding tanggapin ang kapalaran ko na maggiging isa akong bampira.
"Hindi ka dapat matakot, nandito kami nang iyong pamilya upang gabayan ka sa pagbabago mo. Sa pagtatakda sa'yo Liza. Handa kaming ibuwis ang buhay naming lahat para sa'yo, dahil ikaw ang nagiisang susi para mapatay ang lolo mo." Alam ko na may malaking responsibilidad ang paggiging bampira ko, dahil galing ako sa isang itim na angkan tapos lalaban ako para sa buhay ng mga taong ito. Kakalabanin ko ang sarili kong pamilya para sakanila.
"Pero bakit ako? Bakit hindi si Fernando-- si tatay?" Nagtatakang tanong ko dahil sa hindi ko malaman na dahilan kung bakit ako pa.
"Ikaw ang nakatakda Liza. Dalawang pinagsanib na dugo ang meron ka, isang elemental wizard at ang dugo nang iyong ama, ang paggiging bampira. Kaya mas malakas ka kesa sa iyong ama." Saad nito saakin. Kahit papaano papa biniyayaan din pala ako lakas. Lakas na hindi ko aakalain na magkakaroon ako.
"Mas malakas ka sa iyong kakambal." Nanlaki ang mata ko nung marinig ko ang sinabi niya. Kakambal? Paano?
"Pinaghiwalay kayo dati ng ama mo at naiwan ang kapatid mong lalaki sa bayan niyo. Nagkita na kayong dalawa. Naaalala mo pa ba yu g araw na naligaw ka sa bayan ng Gayer at may nakakita na sa'yong lalaki na halos kaedaran mo lang?" Inalala ko ang lahat. Ang paghahanap ko sa kakahuyan ng isang bulaklak at ang paggiging chismosa ko. Ang lalaking nakakita saakin ay ang kapatid ko? Kakambal ko?
BINABASA MO ANG
Moonlight Academy 2 (COMPLETED)
VampirePinangarap ko lang naman magkapagaral ng maayos, pero habang dumadating ang araw, linggo at buwan. Unti-unti nang nagbabago ang lahat ng saakin. Akala ko, isa lang akong normal na tao. Naging uhaw, nagkaroon ng bagay na hindi ko naman pinangarap. Ak...