Chapter 12

2.5K 82 0
                                    

Chapter 12

Babalakin ko sanang tumayo nang biglang kumirot ang kanang braso ko dahilan para mapahiga ako ulit. Tumingin ako sa paligid at sigurado akong nasa clinic ako ngayon.

"Wag mong ipilit na tumayo muna, masyadong malalim ang sugat mo sa kanang braso." Napalingon ako at isang lalaki ang nakatayo doon. Zander.

"Ano bang ginawa mo at nagkaroon ka ng ganyan kalalim na sugat?" Tanong nito saakin sabay umupo sa may upuan na kaharap lang ng higaan na hinihigaan ko.

"Galing ako sa kakahuyan Zander. Nakita ko-- nakita ko ang bayan ng Felon. Hindi ko sinasadya." Alam kong nagulat siya sa sinabi ko pero hindi niya lang pinahalata saakin.

"Nakita ka ba nila?" Yun agad ang tinanong niya saakin. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba na may nakakita saakin.

"W-wala." Huminga ako ng malalim matapos kong sabihin sakaniya ang totoo. Ayaw ko nang mapahamak pa sila dahil sa katangahan ko.

"Yung totoo Elizabeth." Bigla na lang tumulo ang luha ko dahil sa sinabi niyang yun. Lumapit siya saakin dala ang upuan at umupo sa tapat ko.

"Sshhh.. Don't cry I just wanted to know the truth." Tumango ako sakaniya.

"May nakakita saakin. Isang lalaki na halos kaedaran lang natin." Saad ko sakaniya. Tumango naman siya sa sagot ko.

"Anong itsura niya? Sabihin mo saakin, Liza." Inisip ko at inalala ang itsura ng taong sasabihin kong nagligtas ng buhay ko.

"Matangkad at medyo magulo ang buhok nito. Kakaiba ang mata niya dahil hindi siya pangkaraniwan. He has a flicker. Also his eyes in dim dark brown." Parang nagulat siya sa sinabi ko. Nakita kong sinabunutan niya ang sarili niya at may sinasabing bagay na hindi ko maintindihan at halos pabulong niya lang sinasabi.

"Shit! Liza, makinig ka saakin. Wag na wag ka nang pupunta ulit sa lugar na yun. Mas mabuting mag-ingat ka na ngayon. Maaaring hanapin ka nila pag nalaman nilang nakabalik ka na dito." Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila. Siya at nung lalaki kanina sa kakahuyan. Halos nagtutugma ang sinasabi nila at parang may alam silang bagay na kailanman hindi ko malalaman.

"Anong bang problema, Zander? Bakit halos nagtutugma ang sinasabi niyo nung lalaking yun?" Napatigil siya sa paglalakad ng marinig ang sinasabi ko.

"Ibig mo bang sabihin, binalaan ka niya?" Tumango ako sakaniya.

"Sinabi pa nga niya saakin na mag-iingat ako at pagnalaman nilang nandito ako hahanapin nila ako. At ako na daw ang huling myembro ng pamilya nila." Lalo siyang napamura sa narinig ko.

"This can't be happening." Humarap siya saakin at halos parang nanginginig siya hindi dahil sa takot kundi dahil sa galit.

"Mag-iingat ka na ngayon Liza. Mas mabuting iwas-iwasan mo na munang lumabas ng Academy at pumunta sa ibang bayan. Baka may makakita pa sa'yo na grupo ng mga Gayer at ikaw ay maging hapunan nila. Hindi kita tinatakot Liza, it's just an advice." Inayos niya ang buhok ko.

"I have to go now, Liza. Mamaya na lang ulit." Tumango ako sakaniya at tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Tumingin lang ako sa kisame at nag-isip. Hindi ko alam pero sobra akong kinakabahan sa isang bagay na hindi ko naman alam kung ano bang meron. Parang hinihila nito ang hininga ko palayo saakin. Pumikit na lang ako at iniwasang isipin ang mga bagay na yun.

Zander Vell

"Magandang gabi." Bati ko sa taong nakaupo sakaniyang upuan at ako ay tumungo matapos kong sabihin ang mga salitang yun.

"Kamusta naman siya?" Tumingin ako sakaniya matapos niyang itanong ito.

"Mabuti na ang kalagayan niya,   kamahalan. Subalit, may nalaman akong ikabibigla niyo." Inikot niya ang upuan niyang kanina ay nakaharap sa isang malaking bintana at tinatanaw ang magandang kulay ng buwan at ng mga bituin na nakapaligid dito.

"Spill it, Zander." Huminga muna ako ng malalim bago ko tinuloy ang sasabihin ko.

"Nahanap na siya ng kapatid niya." Alam kong hindi na siya mabibigla sa ganitong bagay dahil inaasahan niya ito. Mangyayari ang bagay na kailanman ay hindi niya mapipigilan.

"Tama nga ang hinala ko, malapit ng mangyari ang isang bagay na kinatatakutan ko." Tumingin ito saakin dahilan para mapatungo ako.

"Bantayan mo siya Zander, sa abot ng iyong makakaya. Ilayo mo siya sa mga panganib na dadating sa buhay niya. Maaring malaman ito ng aking ama, kaya bantayan mo siya Zander." Sa mga sinabi niyang salita. Nararamdaman ko kung gaano kahalaga sakaniya ang kaniyang anak. Mahala niya talaga ito at alam kong gagawin niya ang lahat wag lang siyang mapahamak at makuha ng kaniyang ama.

"Masusunod po."

Elizabeth Derevan

Nagising ako dahil sa ingay na  naririnig ko sa paligid. Base sa naririnig ko, nagaaway na dalawang tao. Minulat ko ang mata ko at laking gulat ko nang makita ang aking ina.

"Anak? Elizabeth!" Agad akong niyakap ng aking ina, dahilan para mapangiwi ako sa sakit dahil sa pagtama nang kaniyang kamay sa braso kong may sugat.

"Pasensiya na anak, masyado lang akong nagaalala sa'yo. Kamusta ka na? May masakit pa ba sa'yo?" Sunod-sunod niyang sabi. Ito ang namiss ko sa ugali ng aking ina. Masyado siyang nagaalala sa kalagayan ko na dapat ako ang magalala sakanila dahil masyado na silang matanda ni lola at baka mapano sila.

"Ayos na po ako nay, wala na po kayong dapat ikabahala." Nginitian ko siya at dumulas ang paningin ko at napatingin ako sa taong nandoon. Ang hari kasama ang kaniyang anak na si Nicolas.

"Nagalala si Nicolas sa kalagayan mo kaya tinawag niya kami at baka sakaling matulungan ka daw namin." Nginitian ko si Nicolas.

"Hindi niyo naman po kailangan gawin yun at kaya ko naman po ang sarili ko." Pahayag ko sakanila. Ayaw kong magging pabigat sa mga taong ito at ayaw kong ako ang magging sanhi kung bakit sila mahihirapan.

"Kung iniisip mo na pabigat ka dito, burahin mo na agad yan sa isip mo Elizabeth. Ginusto naming tulungan ka." Nakita ko ang reyna at nasa kanang braso niya ang kapatid ni Nicolas na si Shenaya.

"Ate Liza? Are you okay now? Do that wound still hurts?" Nakita ko ang pagaalala nang bata saakin at tumingin siya sa reyna na parang sinasabi nito na ibaba siya. Ganun nga ang ginawa ng reyna. Binaba siya nito at lumapit saakin ang bata.

"Do you want me to kiss that wound so that it will lessen the pain?" Nginitian ko siya at hinimas ang buhok niya.

"Really? Sige nga kiss mo na lang si ate dito." Tinuro ko ang kanang pisngi ko at dinampi niya naman ang labi niya doon.

"Yan! Ate will be okay na!" Saad niya saakin at niyakap pa ako. Napatingin ako kay Nicolas at nag-thumbs up siya saakin.

"Excuse me po." Napalingon silang lahat sa isang nurse. Ngumiti ito sakanila.

"Oras na po para palitan ng benda ang kaniyang sugat."

"Ganun? Sige." Nagsialisan ang iba at naiwan dito ang aking nanay at ang principal ng buong Academy. Lumapit saakin ang nurse at nilapag sa katabing lamesa ang tray kung saan nakalagay ang ipapalit na benda at ang ointment. Naglagay siya ng plastic gloves. Sinisimulan niya nag tanggalin ang benda. Hindi ako dumadaing dahil wala akong maramdamang sakit doon. Nang matanggal niya na ang benda halos malaglag niya ang hawak na benda ng makita ang braso ko.

"Paano nangyari? Nawala ang sugat niya. Imposibleng mangyari ito dahil sobrang lalim ng sugat niya." Pahayag ng nurse. Nakatingin ako kina nanay at kay Mrs. Fleon.

"Hindi maari ito." Bulong ni nanay sa tabi ko. Nagtataka ako sa kinikilos ni nanay. Parang hindi siya mapakali sa nakikita at nalaman niya. Bumuntong hininga ako at tumingin sa kisame. May tinatagao ka ba saakin, nay?

Thank you

Moonlight Academy 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon