Chapter 26

2K 71 0
                                    

Chapter 26

Isang maliit na pagsalubong ang aming naabutan sa muling pagbabalik namin sa bayan ng Concepcion. Lahat sila ay nakangiti na sinalubong ang sasakyan na sinasakyan namin. Hindi ko inaasahan na sasalubungin ka ng bawat pamilya na nandito.

"Magandang umaga ate Elizabeth!" Isang batang babae ang bumungad saakin sa paglabas ko palang ng kotse. Agad ko siyang binuhat at nakita ko ang isang pink na tulips na hawak niya.

"Ang ganda naman nang bulaklak na yan." Saad ko sakaniya dahilan para mapangiti siya saakin. Nagulat ako nung iabot niya saakin yun.

"Para sainyo ang bulaklak na ito ate! Pinitas ko po yan sa mismong hardim namin ni mama. Ang sabi ni mama, matutuwa daw po kayo if ever na abutan ko kayo nito. Kaya po pumitas ako nito kanina bago po kayo dumating. Gusto ko po kasi kayong mapasaya." Napangiti ako ng malaki dahil sa sinabi niya. Hinalika  ko siya sa pisngi at nagpasalamat. Hindi kalaunan, agad din naman siyang kinuha ng kaniyang nanay na si Aling Ising.

Agad kaming pumasok sa bahay ni lola at sinalubong kami ng mga kasambahay at ilang helpers na binuhat ang bag namin na dinala na sa mga kwarto na nakalaan saamin. Kasama ko si Nicolas at ang kuya ko papunta dito.

"Apo! Buti naman at nakasama ka." Agad naman niya akong niyakap matapos niyang ngumiti at sinabi ang mga salitang yun.

"Bakit naman po hindi? At isa pa lola, miss ko na po kasi kayo." Naglakad kami papunta sa kusin at hindi na ako magugulat kung makikita kong madami nakahanda sa mesa. Nakasanayan na kasi ni lola na maghanda ng marami kahit walang okasyon. Mahilig kasi siyang magluto at doon na lang siya naggiging masaya. Masarap siyang magluto at hindi biro ang lasa nung niluluto niya, dahil doon mo mailalagay ang definition na 'malilimutan mo ang pangalan mo'.

"Magsiupo na tayo para masimulan na natin ang pagkain. Sana magustuhan niyo ang niluto ko para sainyo." Saad ni lola bago umupo sakaniyang pwesto. Umupo na din ako sa pagitan ng dalawa, ni kuya at ni Nicolas.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong saakin ni Nicolas at tinuro ko lang sakaniya yung shawarma na nakalagay sa gilid niya. Sa lahat nang niluluto ni lola, yung shawarma lang talaga ang gusto ko dahil masarap ang laman nitong karne.

Agad namang inabot saakin ni Nicolas ang malaking plato na may lamang shawarma, kaya kumuha lang ako ng isa at sumandok ng sauce nito bago ako kumain. Wala pa ding pinagbago sa lasa nito, dahil masarap pa din siya.

Tahimik lang kaming kumakain lahat, nauna akong natapos sakanila kaya pumunta ako sa hardin kung saan nandoon nakatanim ang mga halaman na tinanim ko nung bata pa ako. Tahimik lang ako habang pinagmamasdan at inaamoy ang ilang bulaklak.

"You never changed, you still love flowers." Napalingon ako at nakita ko doon si kuya. Lumapit siya saakin at pareho kaming umupo sa ilalim ng puno. Tumingin ako sa sanga ng puno, at ang ganda nang pagkakatubo niya.

"Maganda kasi sila kuya, and they can reduce the stress I have." Saad ko sakaniya at sumandal sa balikat niya. Agad niya namang nilagay ang braso niya sa balikat ko.

"I really missed being with you Elizabeth, sobra akong nalungkot nung nawala ka." Saad niya saakin.

"Gusto kong humingi nang tawad nung hindi kita makilala nung una." Natawa naman siya bigla dahil sa sinabi ko.

"I know everything about it. Sinusubaybayan kita hanggang sa makarating ka sa bayan na ito. Ang una nating pagkikita ay hindi aksidente, sinundan kita matapos kitang makita sa isang store sa bayan na yun." Saad niya saakin. Hindi na ako mabibigla sa sinabi niya. Ilang sandali lanh kaming natahimik nang bigla kaming makarinig ng pagkabasag ng mga gamit sa loob. Kaya dali dali akong pumasok at laking gulat ko nung makita ko ang magulong sala.

"Elizabeth! Magtago ka sa loob!" Rinig kong sigaw ni nanay mula sa pinto kaya napalingon ako at laking gulat ko nung nakita si nanay na sinasakal nang isang bampira kaya agad akong napatakbo at sinipa ang isang yun. Tumalsik naman siya at doon ko nakita na halos sampo mahigit ang mga bampira na nandito sa tapat nang bahay.

"Elizabeth, hindi ka na dapat lumabas!" Sigaw ni nanay saakin pero umiling ako.

"Hindi pwedeng habang buhay na lang akong magtatago. I need to do this!" Hindi ko namalayan ang pasugod na isang bampira at agad niya akong tinulak nang malakas dahilan para tumama ang likod ko sa isang puno.

"Argh!" Daing ko dahil sa sobrang lakas nang impact ko sa lupa.

"Liza!" Sigaw ni Nicolas at agad na lumapit saakin. Napatingin ako sa likod niya at may papalapit na bampira kaya agad kong wimasiwas ang kamay ko sa isang malaking bato at agad na pinatama sakaniya. Bumagsak siya sa lupa pero nakatayo din namam agad siya. Agad akong tumayo kahit na masakit pa din ang likod ko.

Napatingin ako nang masama sa bampira at agad siyang nilapitan. Tumalon ako sa likod niya at binunot sa may sapatos ko ang nakaipit na maliit na kutsilyo na silver doon at agad kong sinasaksak ang bampira mula sa likod nito. Tuluyan na siyang naglaho at hinangin ang abo nito.

Marami pang nakapalibot na bampira sa paligid namin at nakikita ko ang mga kapitbahay namin na lumalaban din. Kasalanan ko ang lahat ng ito.

"Elizabeth!" Napalingon ako sa pinto ay nakita ko si tatay na bitbit ang samurai ay agad itong binato saakin. Agad akong tumakbo at tumalon para abutin yun. Agad kong tinanggal ito sa lagayan at agad kong sinasaksak ang isang bampira na malapit kay Nicolas.

"Sa kaliwa mo Liza!" Sigaw mi Nicolas kaya napalingon ako. Agad kong control ang sanga ng isang puno at pinaikot ito sa bampira bago ko siya saksakin sa kaniyang dibdib. Tumakbo ako bago ko saksakin ang isa pang bampira na pasugod kay lola.

"Lola! Pumasok na po kayo sa loob." Umiling siya saakin.

"Hindi ko kayang nakikita ko kayong lumalaban habang ako ay nasa loob lang." Huminga ako nang malalim bago ako tumango. Tumalon ako mula sa maliit na bakod at agad na sinaksak ang isang bampira na sinasakal ang si Aling Ising.

"Pumasok na po kayo sa loob aling Ising at baka po madamy ang inyong anak." Kita ko ang takot sakaniyang mata pero agad naman siyang sumunod saakin. Tumango ako sakaniya at nakita ko ang pagtakbo niya at pagpunta sa bahay nila.

"Apo!!" Napalingon ako at laking gulat ko nung makita ang isang bampira na papalapit saakin pero huli na nung malaman ko na nakalmot na nang isang bampira si lola at bumaon ito sakaniyang likod. Nanlumo ako sa nakita ko pero agad kong sinasaksak ang bampira na yun bago ako lumapit kay lola.

"Hindi maari! Lola! Wag kang pipikit, tatawag ako nang gagamot sainyo. Wag lola!" Sigaw ko sakaniya habang umiiyak. Ngumiti siya saakin at hinawakan ang pisngi ko.

"I should go now, my days are over and my death is near. Apo, ipangako mo saakin na papatayin mo siya at ipapalaganap ang kabutihan sa bayan ng Felon. I-ipangako mo s-saakin." Marahan akong tumango at nakita ko ang mga ngiti niyang unti-unting naglalaho.

"Lola! Lalaban tayo, hindi ko kayang magisa! Kailangan ko kayo lola! Please!" Nakita ko ang pagpikit nang kaniyang mga mata at tuluyan nang nawala ang kaniyang paghinga at tibok nang puso. Sa huling pagkakataon, nahawakan ko at nakasama ang isang taong mahalaga saakin bago siya mawala.

Tutuparin ko ang hiling mo lola, papatayin ko siya para sa kalayaan at bilang hustiya na din para sa'yo...

Thank you

Moonlight Academy 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon