Chapter 34

2K 60 0
                                    

Chapter 34

Mabilis kaming naglakad nina Ager papunta sa opisina ni lolo, para hanapin ang susi. Ngunit, pinigilan nila kami. Pumunta kami sa likod ng bahay at nagulat ako nung makita ko si Brence doon. Kailangan kong pumunta sa kweba.

"Liza, makinig ka. Kung may kailangan kang gawin sumama kana kay Brence. Ako nang bahala maghanap ng susi sa opisina ng lolo mo." Saad saakin ni Ager, umiling ako sakaniya.

"Paano Ager? Hindi kami makakapasok." Nakita kong ngumiti siya. Napangiti na lang din ako at napailing.

"Wag mong sabihing sa bintana ka dadaan?" Saad ko sakaniya at napatango na lang siya habang kumikibit balikat saakin. Tumingin ako kay Brence at ngumiti siya saakin habang umakbay at ginulo ang buhok ko.

"Napaka-kulit mo talaga, pero pinahanga mo ako sa katapangan mo Liza." Saad niya saakin at napangiti na lang ako sa sinabi niya. Tumingin ako sa langit at doon ko na nakita na unti-unti nang lumulubog araw. Kaya napatango na lang ako kay Ager, bago siya tuluyang nawala sa harapan namin.

"Brence, kailangan mong dalhin sa kweba. Kung saan nakatira ang mga ogre." Tumango siya saakin at umangkas ako sa likod niya. Mabilis siyang tumakbo. Katulad parin ng nararamdaman sa tuwing aangkas ako sa likod ng isang bampira. Masaya pala ang maging bampira kahit na mahirap. Hindi rin nagtagal nakarating din kami sa kweba. Nagulat ako nung makitang tao pa din sila sa mga oras na ito. Nakitang tumakbo papalapit saakin si tita.

"Anong ginagawa mo dito Elizabeth?! Hindi ka nasa dumaan pa dito? Baka masundan ka ng ibang bampira--- sino siya?!" Tinuro ni tita ang katabi kong bampira na walang iba kundi si Brence.

"Tita, kumalma ka lang po. Kakampu po natin siya. Siya po si Brence, gusto ko lang makita kung ayos na kayong lahat. At gusto ko din pong makausap si Verdan, may maganda akong balita para sakaniya." Saad ko kay tita at sinamahan ako sa loob. Nakahanda na ang ilan sakanila at ang ilan naman ay naghahanda palang. Nakita ko din si kuya at agad itong lumapit saakin.

"Nakaplano na ang lahat." Saad saakin ni kuya.

"Walang problema saakin yun kuya. Nasan si Verdan?" Napatigil sa paglalakad si tita at tinuro saakin ang kwarto. Tumango sila saakin at pumasok naman ako sa loob. Nakita ko si Verdan at ang isang bata na nakahiga sa kama na mukhang matamlay. Lumingon saakin si Verdan at kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Ikaw pala." Saad niya saakin. Agad akong lumapit at pinagmasdan ang batang nakahiga. Leven. Sobrang putla nito at may malaking sugat sa braso. Kita mo ang dugo kahit na may benda na ang mga ito.

"Anong nangyari sakaniya?" Pinagmasdan ko ang sugat nito at masasabi kong sobrang sariwa pa nito.

"May nakapasok na malaking mabangis na hayop dito kanina, dahil sa walang harang ang paligid napasok kami at unang nadali ang anak ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko, may lason pa naman ang bawat kagat nito." Nakita ko ang pagpatak ng luha nito. Napatingin ako sa palad ko at umilaw ito ng kulay berde.

"Pwede ka ba munang lumabas Verdan? Susubukan kong gamutin ang anak mo." Nagtaka naman siya sa sinabi ko pero ngumiti lang ako sakaniya habang nakangiti. Tumayi na siya at tuluyang nilisan ang kwarto. Umupo ako sa silya na inupuan niya. Hinawakan ko ang kamay niya at tinapat ang palad ko sa sugat niya. Pumikit ako at hinayaan na lumabas ang kapangyarihan na kailangan ko para mapagaling ang sugat niya.

Tumigil na ako nung makita kong dumilat siya. Ngumiti ito saakin bago ulit ipikit ang mata niya. Tumayo na ako at lumabas nung makita kong bumalik na ang kulay ng labi niya. Paglabas ko nakita ko si Verdan na nakaabang sa pinto.

"Siya nga pala, nakita ko na ang asawa mo. May problema lang kami, hindi pa namin nakikia ang susi sa pintuan, pero wag kang magalala. May naghahanap na nun para saakin." Bago pa man ako makaalis hinawakan niya ang braso ko.

"Maraming salamat Liza."

"Wala yun, salamat din kasi tutulungan niyo ako sa plano ko." Tumango na ako sakaniya bago pa ako lumabas ng kweba. Malinis ang labas at walang ibang tao, bukod saakin at kay Brence. Agad kong ginalaw ang mga sanga ng puno at pinahaba ito upang gawing harang sa daan at sa mga sulok. Ayaw ko na ulit mapahamak ang ilang mga tao dito dahil  sa mga hayop. Lumingon ako kay Brence pagkatapos kong gawin ang harang.

"Tara na, bago pa makabalik ang lolo mo." Saad niya saakin. Kaya umangkas na ako sa likod niya at mabilis siyang tumakbo. Hindi rin nagtagal ay nakarating kami. Pagpasok ko sa loob ay wala pa din si lola at ang ilan sa mga bantay kaya napanatag ako. Umakyat na ako sa taas at sumunod saakin si Brence.

Nakarating kami ng kwarto at pagpasok ko, nakita ko si Ager. Pinupokopok ang pader. Napalingon siya saamin at nagkibit balikat. Lumapit ako sakaniya at umiling. Agad kong hinila ang libro na kulay dilaw at bumukas naman agad ang pinto. May dalang pagkain si Ager.

"Paano mo nalaman ang bagay na yun?" Sabay na tanong saakin ni Brence at Ager.

"Pagmasdan niyo ang bookshelf, pare-pareho ang kulay. Puro dark ang kulay, maliban na lang sa dilaw na libro. Napatango sila saakin. Ako ang unang sumilip sa rehas at agad na lumapit saamin ang babae. Napatingin ako kay Ager at napangiti ako nung ilabas niya sa bulsa niya ang susi. Agad na binuksan ni Ager ang pintuan.

Inabot namin sakaniya ang pagkain at agad niya naman itong kinuha mula saamin. Tumingin ako kina Ager at tumango sila saakin bilang pagsangayon. Pumasok akong magisa sa loob at lumapit sakaniya.

"Galing ako sainying tahanan, nakausap ko na si Verdan at masaya siyang malaman na okay ka at buhay ka pa. Ayos lang din ang anak mo, kaso nakagat siya kanina ng isang mabangis na hayop." Saad ko sakaniya at napatigil siya. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Ayos lang ba siya?" Ngumiti ako sakaniya at marahan na tumango sakaniya.

"Wag kang magalala, pinagaling ko na siya para sa'yo. At wag ka na ding magalala, panigurado akong makakalabas ka na dito mamaya. Susugod ang grupo nila ngayong gabi, at pinagplanuhan namin ang lahat." Ngumiti ito saakin at tumango.

"Ako nga pala si Leviña." Pahayag niya saakin. Tumango ako sakaniya bilang pangsangayon. Tumayo na ako pero bago pa man ako makalabas ng kulungan niya ay hinawakan niya ang braso ko.

"Napakabuti mong tao, ibang iba ka sa lolo mo. Salamat sa tulong mo." Tumango ako sakaniya at ngumiti.

"Walang problema saakin ang lahat, basta alagaan mo na lang ng mabuti si Leven, napamahal na din saakin ang bata kahit na ilang araw ko lang nakasama yun." Tumango siya saakin.

"Gusto kong maging katulad mo siya, mabait at higit sa lahat matapang na haharapin ang mga problema." Napabuntong hininga ako pero ngumiti din agad sakaniya.

"Ganun naman dapat ang kailangan nating gawin, maging matapang kahit na nahihirapan na tayo. Mahirap pero isa itong paraan para lalo tayong maging matibay sa mga bagay na ginagawa natin."

Moonlight Academy 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon