Chapter 33
Napamulat ako ng aking mata. Inikot ko ang paningin ko at masa isang pamilyar na kwarto na naman ako. Agad akong tumayo mula sa kama ko at pinagmasdan amg paligid. Nagulat ako nung may pumasok na isang bantay mula sa pinto. Agad itong nagbow saakin. Lumapit ako sakaniya at nagsalita ito.
"Gusto ka daw pong makausap ng pinuno sakaniyang opisina bago siya tuluyang umalis." Tumango ako sakaniya at lumabas na din sa kwarto. Mabilis na din naman akong nakarating sakaniyang opisina kaya agad akong pumasok. Agad akong umupo sa upuan na nasa tapat lang ng kaniyang lamesa.
"Kamusta ang lagay mo? Hindi ko alam na kaya mo na palang pagalingin ang sarili mo." Napatingin ako sa braso ko kung saan ko sinugatan ang sarili ko. Kinapa ko din ang bulsa kung saan nakalagay ang sandata, at lumuwag ang paghinga ko nung makapa kong nandito pa ang sandata.
"Ayos naman po ako. May gusto po pala akong sabihin sainyo." Saad ko sakaniya at tumango ito saakin.
"Siya nga pala apo, walang ni isang sumugod dito kagabi. Mukhang natunugan ata nila na pupunta ka dito. Ano nga palang nangyari sa'yo at punit-punit ang damit mo at may sugat ka?" Hindi ko pwedeng ipahalata sakaniya na magsisinungaling ako tungkol doon.
"May humabol po saaking isang mabangis na hayop sa may kakahuyan patungo ko dito. Mukha siyang isang lobo at natakot po ko sa mangyayari, sumabit ang damit ko sa ilang sanga ng puno at nahiwa din po ako dahil doon." Pagsisinungaling ko sakaniya. Nakita ko naman na tumango ito saakin.
"Ano nga palang sasabihin mo saakin? Kailangan kasi naming galugarin ang buong paligid at baka merong mga taong nakapasok sa bayan."
"Hindi ko po alam, pero may ilan akong narinig sa mga sinabi nila. Balak nilang sugurin ang bayan na ito at sunugin ang mga bagay na meron dito sa bayan na ito. Pati na ikaw, alam ko kung gaano kayo katuso lolo, pero hindi ko hahayaan na maskatan nila kayo. Kaya agad akong pumunta dito upang sabihin sa'yo ang plano nila. Lolo, alam kong mahal niyo pa din kami kaya nagawa ko ang bagay na yun." Saad ko sakaniya. Napahinga na lang ako ng malalim dahil sa sinabi kong puro kasinungalingan lang naman. Tumayo si lolo at agad na lumapit saakin. Lumuhod siya sa harap ko at hinawakan anh kamay ko.
"Wag kang magalala apo, wala namang magbabago sa pagmamahal ko sainyo, ang tangi ko lang namang kailangan ay ang kaunting dugo mo. At magiging masaya tayong lahat at mapapasaatin ang buong bayan na meron sa mundo." Tama nga si Ager, walang magbabago kahit na pakiusapan ko pa siya.
"Sige na apo, kailangan ko nang umalis at maglilibot pa kami." Tumango ako sakaniya at nauna na akong lumabas sa opisina niya at dumiretso sa kwarto ko. Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto at naghanap ng libro sa bookshelf na nasa tabi lang ng kwarto ko.
Habang naghahanap ako may narinig akong mahinang mga galabog sa pader. Imbis na matakot ako, nilapitan ko pa ang bagay na yun at dinikit ang tenga ko doon. Kinatok katok ko pa ito, pero kakaiba ang naririnig ko kesa sa orihinal na pader. Tumingin ako sa pader at sa book shelf. Halos pareho-pareho ang kulay ng libro maliban sa isa na kulay dilaw.
Agad kong nilapitan ang bagay na yun at hinila, laking gulat ko nung gumalaw ang pader at nagbukas ito. May hagdan pababa at mga tanglaw na nakasabit sa gilid ng hagdan. Tinignan ko ang loob at medyo madilim na ang parteng baba dahil hindi na ito abot ng tnaglaw na nasa pader. Kinuha ko ang tanglaw at naglakad pababa. Sementado din ang hagdan.
Mainit ang loob at hindi mo maramdaman ang lamig na dadaloy dito. Nakatapak na ako sa mismong baba at napatingin na lang ako sa pintong nasa harap ko. Nakalock ito at hindi ko masabi kung ano ang nasa loob nito, kaya umalis na ako. Hindi pa man ako nakakatapak sa isang hagdan ay may narinig akong nagsalita doon.
"Verdan, patawad. Hindi ko kayo maalagaan ng anak natin. Patawad Verdan, patawad."
Nanlaki ang mata ko nung marinig ko yun. Agad akong napatakbo at sumilip sa may rehas nito na nasa taas na parte ng pinto. At laking gulat ko nung may makita akong babae na nasa gilid. Sumitsit ako sakaniya at napalingon ito saakim at agad na lumapit.
"Tulungan mo ako please, tulong. Yung anak ko, naiwan ko sa kakahuyan kasama ang asawa ko. Gusto ko na silang makita." Naawa ako sa itsura niya dahil halatang hirap na hirap na siya sa loob.
"Pasensiya na, hindi kita matutulungan sa ngayon. Hindi ko din alam kung saan nakalagay ang susi, pero wag kang magalala. Gagawin ko ang lahat para matulungan---."
"Elizabeth?" Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig ko. Dahan dahan akong napalingon sa may hagdan at laking gulat ko nung makita ko si Ager. Agad akong tumakbo palapit sakaniya at niyakap siya.
"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka pa bumalik? Hindi mo alam ang ginagawa mo." Saad niya saakin.
"Hindi maari Ager, may plano kami at maari nang mangyari ang pagsugod mamayang gabi. Tuso man si lolo, mas maggiging tuso pa ako sakaniya. Pinangako ko sa pinuno ng ogre na si Verdan, na hahanapin ko ang kaniyang asawa at ngayon ay nakatago lang pala dito. Kailangan ko ng tulong mo para dito Ager." Saad ko sakaniyang habang hawak ko ang braso niya. Lumingon ako sa may rehas at nilapitan siya.
"Gaano kana katagal dito?" Tanong ko sakaniya.
"Halos isang buwan na din. Anong pangalan mo?" Saad niya naman saakin.
"Ako ang apo ng pinuno, pero wag kang magalala, ililigtas kita. Wag ka lang magingay sakanila. Kailangan ko din ang tulong mo para dito. Hangga't maari, wag kang magsasalita sakanila tungkol sa bagay na ito. Gagawin namin ang lahat para mahanap ang susi at mailabas ka dito. Pangako ko yan sa'yo. Makikita ko ulit ang anak mo na si Leven." Nakita ko ang paglaki ng mata niya.
"Paano mo nakilala ang anak ko? At ang pamilya ko?" Tanong nito saakin.
"Pansamantala akong tumira sa kweba niyo para sa panandaliang pagtago ko sa lolo ko. Kaya wag kang magalala, maliligtas ka namin." Nagulat kami nung may marinig kaming usapan. At napalingon ako sa likod ko at ay isa pang pinto doon. Hinila na ako ni Ager paakyat at usa na lang nagsara ang lagusan matapos naming makatapak muli sa kwarto.
"Seryoso ba kayo sa plano niyo?" Tumingin ako kay Ager at marahan na tumango.
"Kailangan ko ang tulong mo, lalo na ang tulong ni Brence. Kayo niyo ba akong tulungan?" Napatingin siya saakin at marahan na tumango.
"Tutulungan ko kayo."
—
BINABASA MO ANG
Moonlight Academy 2 (COMPLETED)
VampirePinangarap ko lang naman magkapagaral ng maayos, pero habang dumadating ang araw, linggo at buwan. Unti-unti nang nagbabago ang lahat ng saakin. Akala ko, isa lang akong normal na tao. Naging uhaw, nagkaroon ng bagay na hindi ko naman pinangarap. Ak...