Chapter 07

3.5K 115 2
                                    

Chapter 07

Ilang linggo na ang lumipas at masasabi kong mas nagugustuhan ko na dito. Itinuturing na nila akong pamilya. At masaya ako dahil doon. I can accept the fact that I wanted to stay here. Hindi man panghabang buhay pero kahit ngayon lang, I think I made a right decision for myself. We're on our subject and listing down notes when a sophomore knocked on the door.

"Sorry to disturb your class Mrs. Welford, pinapatawag po si Ms. Derevan ni Mrs. Fleon sa office niya." Napatigin agad ako doon sa babae. Lumingon ako kay Nicolas, tumango naman ito saakin. Tumayo ako.

"You can now go Ms. Derevan." Tumango at lumabas. Naglakad ako patungo sa opisina ni Mrs. Fleon. Mukhang may bagay itong sasabihin saakin. Kinakabahan ako at para akong may nararamdamang kakaiba.

Bumuntong hininga ako bago ako kumatok sa pinto. Binuksan ko ang pinto at isang babae ang bumungad saakin.

"Inaantay ka na ni Mrs. Fleon sa opisina niya." Tumango ako sa babaeng yun at pumasok sa isa pang pinto. Napakalaki ng isang ito. May mga nagtataasang mga bookshelf sa paligid at mamalaking couches sa bawat dulo ng lamesa. May malalaking bintana at makakapal na kurtina. Meron ding malaking chandeli na kung saan ito ang nagbibigay liwanag sa paligid. Every piece of this room has the style of vintage. Even the colors and style of the bricks.

"You're amazed how this room made." Ngumiti ako sakaniya.

"I am." Umupo siya sa harap ng lamesa.

"Please take a sit." Umupo naman ako dun sa isang couch sa may kanan.

"Gusto kasi kitang makausap tungkol sa isang bagay." Saad niya saakin.

"Siya nga po pala Mrs. Fleon, pwede po bang magtanong tungkol sa isang bagay." Tumango naman siya saakin.

"Go ahead." Tumango naman ako sakaniya.

"Kamusta mo ang bayan na nilusob ng mga bampira?"

"Tungkol ba doon? Ayos na ang bayan. Mukhang hindi na sila babalik doon, pero kailangan pading bantayan ang bayan at baka bumalik sila doon. Kaya naandoon ang ibang mga Class S wizard, kasama na pati si Wizard Rucus." Tumango ako sakaniya.

"Siya nga pala, tungkol din diyan ang gusto kong ipakiusap sa'yo. Gusto kong magaral ka muna ng iba't ibang klase ng mga sandata. Para kahit papaano pagdumating araw hindi mo na kailangang magtago. Lalaban ka na para sa sarili mo. Brave and strong." Tumango ako kay Mrs. Fleon.

"Matutulungan ka ni Nicolas, tungkol sa bagay na yan. Even Queen Patricia might help you about this."

---

"Liza, kung magaaral tayo ng bagay na yun. We need to deal on our schedule. Kailangan dapat every other day para hindi hassle. Gusto mo?"

"Pwede din naman Nicolas. You got it right. Maybe we should start tomorrow?" Suggestion ko sakaniya.

"If that's what you want to, then it's final." Tumango ako sakaniya at pinagpatuloy ang pagsusulat. Hindi rin nagtagal natapos na ang aming klase.

"Zander, sabay ka saamin." Yaya ko kay Zander.

"Sorry, may pupuntahan kasi ako. Kayo na lang muna." Tumango ako sakaniya.

"Ingat ka bro." Tumango si Zander sakaniya.

"Salamat bro. Kayo din." Nauna nang umalis si Zander kasama ang kaniyang kapatid na si Alice na kanina pa siya inaantay.

"Maybe we should go then. Kailangan nating magpahinga ng mas maaga para naman kahit papaano makapagready ka." Tumango ako sakaniya. Sabay kaming naglalakad nang maisipan kong yayain siya.

"Nicolas, pwede bang samahan mo ako sa bayan? Ipakita mo saakin ang kagandahan sa bayan." Biglang ngumiti saakin si Nicolas.

He even patted my head about that. "If that's what you want. Tara na." Hiniwakan niya ang wirst ko at sabay kaming naglakad. I felt something because of that touch. A touch that I never felt with anyone.

Mabilis kaming nakarating sa bayan dahil malapit lang ito saamin. Parang katulad lang din sa bayan ng Concepcion. Maraming tao at maraming mga boutique na pwedeng puntahan. Marami kang makikita na pwede mong bilhin sa bawat kanto.

"Gusto mo bang kumain?" Nakatingin pa din ako sa bawat boutique na nakikita ko bago ako lumingon sakaniya.

"Yup, gutom na din ako since kanina pa ako kumain." Tumango siya saakin at pumasok kami sa isang kainan. Normal lang siya at para lang siyang bahay kung sa labas mo titignan pero pagdating sa loob maganda ang ambiance niya. Hindi man gaano karami ang kumakain pero masasabi mong masarap ang pagkain dito base sa amoy nito.

"Diyan ka lang. Ako ng bahala sa pagkain natin." Ngumiti ako sakaniya at sumilip lang sa bintana na katabi ko. Maraming bata ang naglalaro sa paligid, halos parang nabubuhay labg sila ng normal at walang pinoproblema. Masaya ang pamumuhay nila at hindi mo makikita ang pait na pwede nilang danasin.

"Here." May nilapga siyang plato na ay laman na pagkain. Inamoy ko siya at napakabango para la g sa isang simple pagkain. Puro gulay siya at halos wala kang makikitang meat dito.

"Vegetarian ang kinuha ko, dahil nakita kong mahilig ka sa gulay." Ngumiti ako sakaniya.

"I guess alam mo na ang favorite ko." Tumawa kamong dalawa at kumain. Napakaganda nito. Sa tingin ko mas mageenjoy ako ngayon.

"Sa totoo lang Nicolas, namiss kita-- kayo pala." Bigla siyang ngumiti. No, it's not a smile. I think it's a smirk.

"Namiss mo pala ako ha? Oyy! Namiss ako ni Liza." Panunukso niya saakin habang sinusundot ang tagiliran ko dahilan pada makiliti ako.

"Tigil-tigilan mo nga yan Nicolas! Kumakain ako." Pero pilit niya pa ding sinusundot ang tagiliran ko.

"Isa Nicolas! Mahahampas kita nang wala sa oras eh!" Tinigilan niya na ako.

"Sige na sige na." Kumain ka na diyan. Katulad nga ng sinabi niya. Kumain na ako at nagfocus sa masarap na pagkain.

---

Pauwi na kami ni Nicolas at halos palubog na ang araw. May nadaanan kaming magadang park sa isang gilid at may mga kung anong umiilaw doon. Kaya nilapitan ko yun, at mga paru-paro ang umiilaw doon. Napakaganda nilang tignan. At halos iba iba ang kulay nila base sa kulay ng mga pakpak nila.

"Namangha ka na naman." Ngumiti lang ako. Nasa likod ko siya at dama ko ang prensensiya niya sa likod ko. Umupo ako sa isang bench at pinagnasdan silabg lumilipad. Hanggang sa isang paru-paro ang dumapo sa kamay ko. Hanggang sa dalawa na silang dumapo doon. Magkaiba ang kulay nila. Isang kulay pula at isang kulay dilaw. Ngumiti ako at hahawakan ko sana sila ng lumipad sila ulit. Umupo sa tabi ko si Nicolas.

"It look so nice. Ngayon lang ako nakakita ng ganyang klase ng paru-paro at nakakamangha silang tignan." Pahayag ko sakaniya.

"Tama ka nga. Napakaganda." Naramdaman kong saakin ito nakatingin kaya napalingon ako, at halod magkadikit ang aming mukha dahil doon. Malapit nang magdikit ang aming nga ilong. Napaatras ako ng kaunti dahil doon.

"B-bakit saakin ka nakatingin?" I even stuttered when sayong those words.

"Maganda ka naman kami talaga." Saad niya saakin at ngumiti. Piningot niya ang ilong ko, bago siya tumayo.

"Tara na. We need to go back. Baka hinahanap na nila tayo." Without any hesitation, sumunod ako sakaniya. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. He even intertwined her fingers around mine. I can't felt the guilt because of that. I even smiled because of it.

Alam kong hindi na normal ang nararamdaman ko..

---

Thank you

Moonlight Academy 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon