Chapter 04

4K 109 1
                                    

Chapter 04

Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. Isang hindi pamilyar na kwarto ang bumungad saakin. May ilaw pero walang ibang tao dito kundi ako lang. Napalingon ako at may bintana sa gilid ko kaya sumilip ako. Maaga pa naman dahil may araw pa sa labas at mukhang malapit na ang paglubog nito. Bumukas ang pinto at isang tao ang niluwa nito.

"Hey, Liza. Kamusta ka? Ayus ka na ba?" Tanong nito saakin. Marahan akong umupo mula sa pagkakahiga.

"Ewan ko Nicolas, hindi ko alam kung anong isasagot ko sa'yo. I don't even remembered what really happens." Saad ko sakaniya. Nakatayo lang siya at nakasandal sa likod ng pinto. Hindi mo maipagkakaila na sobrang lakas ng dating nito.

"You don't?" Umiling lang ako sakaniya. Sa totoo lang, wala talaga akong maalala sa nangyari, basta ang alam ko hinihiwalay na kami sa kaniya kaniya naming ward at hanggang doon lang ang naaalala ko.

"Nahimatay ka sa klase kanina matapos kayong magkatitigan ni Zander." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Zander? I don't even remembered who's he." Saad ko sakaniya. Parang binalewala niya na lang ang sinabi ko. Nanahimik kami ilang sandali at may mga imaheng pumasok sa utak ko. Ako at ang isang lalaki. Nakatingin lang ako sakaniya. Bigla akong napatingin kay Nicolas.

"Natatandaan ko na. Hindi ko rin alam kung bakit ako nahimatay. Basta nung natitigan ko ang mata niya doon na biglang sumakit ang ulo ko at may mga imahe akong nakikita na hindi dapat." Pagkwekwento ko sakaniya. Tumango tango siya saakin.

"Hindi kami nakapaglesson dahil nangamba ang bawat proctor dito. Natatakot sila sa pwedeng mangyari sa'yo. Binilin ka kasi ng iyong ina kay Mrs. Fleon na ingatan tapos biglaang nangyari sa'yo yung kanina." Mukhang madami akong naistorbo dahil dun.

"Nicolas, pwede bang humingi ng pabor?" Tumingin ito saakin at panandaliang nag-isip pero agad naman siyang tumango.

"Siguraduhin mo lang na madali lang at kaya ko. Baka mamaya hilingin mong maging boyfriend ako-- Aray!" Pintik ko siya sa noo niya. Iba kasi ang iniisip eh.

"Hindi naman kasi yun! Seryoso na kasi." Tumawa siya ng mahina pero nagseryoso din naman siya. Alam ko namang pinapatawa niya lang dahil sa sitwasyon.

"Pwede bang pag may nangyaring ganito ulit, ikaw na ang bahala saakin at ibilin mo na sakanila na wag ipaabot kay Mrs. Fleon?" Biglang kumunot ang noo niya dahil doon.

"Ayaw ko kasing umabot ito kay nanay. Ayaw kong magalala sila ni lola. May edad na din kasi ang lola ko baka-- baka mamaya may mangyari sakaniya pagnalaman niya ito." Agad naman siyang tumango saakin bilang sagot.

"Sige kami na nina Ayesha ang bahala dito, basta mangako ka." Bigla akong napanguso dahil dun, may kapalit pala. Sana hindi na ako humingi ng tulong sakaniya.

"Ano naman yun? Baka mamaya ang hirap nan." Ngumiti lang siya saakin. Hinawakan niya ang mga kamay ko.

"Alagaan mo ang sarili mo, para saakin."

---

"Ayos ka na ba talaga Liza? Baka mamaya may kung ano pang masakit sa'yo. Yung katawan mo, yung ulo mo? Ayos lang ba talaga?" Sa totoo lang imbes na marindi ako sa paulit-ulit na tanong Ayesha, natutuwa pa ako. Nakikita ko kasi na mahalaga rin ako sakanila.

"Ang kulit kulit mo Ayesha, tumigil ka na nga! Nakakarindi ka kasi eh." Panunuya ni Xian sakaniya, dahilan para habulin siya ni Ayesha.

"Walanghiya ka Xian! Buti nga ako, nagaalala kay Liza, tapos ikaw wala ka lang pakialam!" Naghahabulan lang silang dalawa hanggang sa tumakbo si Xian sa likod ko tapos nagsalita nung makalapit na si Ayesha sa harap ko.

"Liza oh! Si Ayesha.." Parang batang nagsusumbong si Xian saakin. Pareho na lang kaming natawa kay Nicolas dahil sa ginagawa ng dalawa.

"Ah! Aray!-- Tama na Ayesha. Masakit-- Ah! Ano ba?!" Binabatukan na kasi ni Ayesha si Xian tapos may halo pang kaltok sa ulo nito. Sabay na lang kaming napatawa ni Nicolas.

"Ganyan talaga yang dalawa na yan. Minsan nga naiisip ko na may gusto yang si Xian, dinadaan niya lang pangaasar para hindi mahalata ni Ayesha na gusto siya ni Xian." Saad ni Nicolas.

"Sa totoo nga, bagay silang dalawa. Pareho kasi silang parang isip bata tapos parehong makulit." Tinitignan ko parin silang dalawa at pilit na umaakyat si Ayesha sa likod ni Xian, pero itong si Xian umaangal. Hanggang sa nakaakyat na si Ayesha sa likod niya. Naglakad si Xian palapit saamin.

"Hello Liza! Meet my horsey!" Biglang kumunot ang noo ni Xian.

"Anong horsey?! Batukan kaya kita!" Pero dahil nakasampa nga si Ayesha sa likod niya agad namang binigyan ng batok ni Ayesha si Xian.

"Aray naman Ayesha! Napaka sadista mo eh." Tumatawa lang si Ayesha, kaya habang naglalakad kami, si Xian hirap na hirap parang nabibigatan kay Ayesha pero parang umaarte lang siya.

"Ang bigat mo naman Ayesha! Magdiet ka nga." Natawa kami ni Nicolas dahil dun.

"Hoy! Para sabibin ko sa'yo. Sexy ako! SEXY! At ako yun, manahimik ka na lang at maglakad. Aangal ka pa eh." Habang naglalakad kami may isang taong tumawag saakin.

"Elizabeth!" Sigaw nito at buo ang boses nito at parang lalaki ang mayari. Kaya napalingon ako. Si Zander. Hahakbang na sana ako palapit ng hawakan ni Nicolas ang braso ko. Napatigil din sa kakulitan ang dalawa at halos bumagsak na si Ayesha sa likod ni Xian dahil sa nakita niya si Zander.

"Don't Liza." Pero marahan kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko.

"I can handle this, Nicolas. Just let me." Tumango lang ito at agad naman akong humakbang palapit kay Zander. Tumingin ako sa mata niya, nandoon pa din ang tensyon katulad ng kanina pero parang nalalabanan ko na ang tensyon na yun. Parang may kung ano saakin na nalalabanan ko siya at nagagawa kong tumingin ng direkta sa mga mata niya.

"Zander, ikaw pala." May kinuha siya sa bag niya at inabot saakin. Isang kwintas. Napahawak agad ako sa leeg ko, at wala nga doon ang kwintas. Hindi ko na matandaan kung sino ang nagbigay saakin nun pero sabi saakin ni nanay wag na wag ko daw tatanggalin yun. Isa siyang kwintas na ang pendant niya ay nabubuksan, ngunit hindi ko siya mabuksan. Siguro dahil sa katagalan na din ng panahon at dahil sa sinabi saakin ni nanay na wag ko siyang bubuksan. Kaya hindi na siya mabuksan ngayon.

"Nalaglag yan kanina sa leeg mo. Nasira pala siya, binuhat ka kasi ni Nicolas kanina sa pagbuhat niya sa'yo nalaglag na lang yan sa sahig." Pinagmasdan ko siya at dahil nga sa sinabi niyang nasira kinabahan ako at hinanap ko ang sira pero hindi ko makita kung saan ang sira.

"Inayos ko na yan kanina. Hindi na pala nabubuksan yang pendant kaya pinabayaan ko na lang." Napatingin ako sakaniya. Ngumiti ako dahil sa ginawa niya.

"Salamat pala dito Zander, buti inayos mo dahil papagalitan ako ni nanay panigurado. Sinabi niyang ingatan ko daw ito." Tumango siya saakin. Aalis na sana siya pero bigla siyang humarap ulit.

"Siya nga pala, sorry sa kanina. Hindi ko na kasi maiaalis ang tensyon sa mga mata ko. Kaya ako pumasok dito dahil gusto kong makontrol ito. Sa katunayan nga, nagulat ako ng makitang nalabanan mo na ang tensyon ngayon. Ikaw palang ang nakakagawa nun. Sige, una na din ako. Ingat ka." Tuluyan na siyang umalis sa harapan ko.

Pinagmasdan ko ulit ang kwintas. It seems like it's really made of true gold. Lumapit na ako sa mga kasama ko.

"Ano yan?" Tinuro agad ni Ayesha ang kwintas na hawak ko.

"Ah ito? Kwintas ito. Hindi ko na nga matandaan kung kanino galing ito, pero sinabi saakin ni nanay na ingatan ko ito." Paliwanag ko sakanila. Hinawakan ni Ayesha at sinubukan niyang buksan ang chain pero hindi niya mabuksan.

"Hindi na talaga nabubuksan yan. At sinabi din saakin ni nanay na wag ko daw gagalawin. Kaya hindi ko ginalaw at binuksan." Saad ko sakanila. Tumango ng marahan saakin silang tatlo.

"Akin na. Isusuot ko." Inabot ko naman kay ito kay Nicolas at nilagay niya na sa leeg ko at kinabit.

"Salamat." Tumango lang sjya saakin. Hinawakan ko ang kwintas at pinagmasdan yun habang nakasuot saakin. May kung ano saakin na sinasabing, ingatan ko ito dahil balang araw kakailanganin ko ang kwintas na ito.

---

Thank you

Moonlight Academy 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon