Chapter 01

10.3K 187 11
                                    

Chapter 01

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Inayos ko ng kaunti ang aking damit bago ko tuluyang kunin ang aking bag na nakalagay sa kama ko. Muli akong tumingin sa kabuuan ng kwarto ko. Ang lugar kung saan naging sandalan ko. Bumuntong hininga ako bago ko tuluyang isarado ang pinto nito. Ito na siguro ang huling beses na masisilayan ko ang aking kwarto ng buo. Bumaba na ako at nakita ko ang aking ina na nagaantay sa baba. Ngumiti siya saakin.

"Naayos mo na ba lahat ng gamit mo?" Tanong nito saakin. Marahan akong tumango sakaniya. Yumakap muna ako ng mahigpit saaking lola at nagpaalam sakaniya bago sumakay sa kotse. Ang aking ina ang maghahatid saakin sa nasabi niyang lugar. Ang lugar ng Tereseyas. Tinignan ko ang bahay namin, pagpapaalam ko ay nagsisimula na ngayon. Hindi ko makakalimutan ang bayan ng Concepcion.

"Handa ka na ba para umalis?" Tanong saakin ng aking ina. Wala rin naman akong magagawa kaya tumango na lang ako sakaniya bago niya tuluyang paandarin ang kotse. Hindi ko malilimutan kung paano napundar ng aking ina ang kotse dahil sa paggiging isang magaling niya manggagamot, naging sikat siya sa bayan ng Concepcion at nakakita ng pera.

Hindi niya nais makakuha ng pera, ngunit ang mga taong nakatanggap ng himala mula saaking ina ang nagmagandang loob sakaniya. Isa na ang aking lola. Hindi ko siya tunay na lola, ngunut tinuring ko siyang parang aking tunay na lola, dahil siya ang nagampon saamin ng aking ina at tinuring na parang pamilya. Limang taon palang ako nun. Ang lola ko ang nakatanggap ng himala saaking ina.

Muli akong sumipat sa bintana, at tuluyan ng nagiba ang lugar na aking nakikita. Isa na siyang mapunong lugar at hindi mo aakalain na dinadaanan siya ng tao, dahil sa tahimik na lugar at dahil sa mga kakahuyan sa bawat sulok nito.

"Anak, wag kang mangamba. Maggiging masaya ka din dun." Pahayag niya saakin.

"Siguro nga nay, pero hindi ko pa din maiwasan na hindi malungkot." Bumuntong hininga siya. Hindi ko kasi kayang hindi sila isipin. Natatakot ako na baka mapahamak sina ina.

"Anak, kung iniisip mo ang kalagayan namin. Ayos lang kami ng lola mo doon. Wag ka ng matakot, ha?" Tumango na lang ako sakaniya. Hindi rin nagtagal isang magandang bayan ang sumalubong saamin. Maayos ang kapaligiran. Mukhang pinapanatili ng pinuno nila ang kaayusan sa bayang ito.

"Ito ang bayan ng Ketlyson. Nahahati ang lugar ng Tereseyas sa limang bayan. Ngunit, naandito sa unang bayan. Ito ang bayan kung saan nakatira ang namumuno sa buong Tereseyas." Medyo namangha ako sa sinabi ng aking ina. Malaki pala amg sakop ng Tereseyas. Huminto kami sa isang malaking pinto na napapaligiran ng matataas na pader.

"Andito na tayo anak." Bumukas ang pintuan at pinasok ni ina ang kotse. Medyo mahaba pa pala. Ngunit, sa pwestong ito tanaw na na tanaw ang tatlong nagtataasang mga building. Ito na nga. Napatingin ako sa mga estudyanteng naglalakad. Ang kanilang mga uniporme ay simple ngunit napakaganda. Isa siyang manipis na blousa na pinaresan ng maikling palda na checkered. At ang blousa ay pinatungan ng isang kulay dark blue na cardigan.

Huminto na kami. Tumingin ako sa paligid, hindi ko aasahan na ganito kaganda ang sasalubong saaking lugar.

"Ang dami na rin palang nagbago dito." Saad ni ina, at bumaba ng kotse. Kinuha ko ang bag ko at binuksan ang pinto at lumabas na din. Isang babae ang.sumalubong saamin. Napakaganda niya, ngunit parang may edad na rin ito.

"Good morning. I'm Mrs. Fleon, and welcome to Moonlight Academy." Pahayag nito saamin. Ngumiti ako sakaniya at siya rin saakin. Natmasid masid ako sa paligid at meron akong nakitang lugar kung saan ako nasilaw. Isang hardin na may kakaibang bulaklak.

"Sige anak, kung gusto mong maglibot hahayaan kita." Tumango ako kay ina at tuluyan ng.naglakad at lumapit sa mga bulaklak kung saan ako nasilaw. May iba't-ibang kulay at iba't-ibang ganda ang bawat bulaklak dito. Hinawakan ko ang isa at napangiti ako. Ito na ata ang pinakamabangong bulaklak na naamoy ko.

Habang naglalakad ako, hindi ko napansin na may nabunggo ako. Naglaglagan ang mga librong hawak nito, kaya tinulungan ko siya sa pagkuha nun. Nung nakuha na namin lahat sabay kaming tumayo. Hindi ko akalain na lalaki pala ang aking nabunggo.

"Pasensiya ka na. Hindi kita napansin. Masyado lang napukaw ng bulaklak na yun ang mga interes ko at hindi na ako nakatingin." Ngumiti lang ito saakin.

"Wala yun. Bago ka lang dito?" Tumango ako sakaniya.

"Maligayang pagdating. Anong klase ng wizard ka?" Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"Wala kang kakayahan? O kahit maglabas ng mahika o magsabi ng ilan sa mga alam mong mahika." Umiling ako sa bawat tanong.

"Gusto mong matuto?" Tanong niya saakin.

"Siguro." Nagtaka naman siya sa sagot ko.

"Hindi ko naman kasi gusto dito, pero alam ko namang ito ang makakabuti saakin dahil dito daw nakapagtapos ang aking ina." Tumingin ako saaking ina at ngumiti ito saakin at bumalik sa pakikipagusap dun sa babae.

"Siya? Ang kagalang galang na Irazanel. Siya ang pinakamagaling na elemental wizard dito sa buong Tereseyas." Namangha naman ako sa sinabi niya saakin. Hindi ko naman akalain na totoo nga ang sinasabi saakin ng aking ina.

"Nga pala, Xian Leyer." Nilahad niya ang kamay niya.

"Elizabeth Derevan." Pagpapakilala ko.

"Magandang pangalan." Puri niya sa pangalan ko kaya ngumiti lang ako sakaniya bilang pasasalamat.

"Sige una na ako." Pagpapaalam ko sakaniya at lumapit na kina ina.

"O sige na. Kayo nang bahala sakaniya. Mauna na rin ako." Yumakap lang ako at humalik sa pisngi ni ina bago siya tuluyang umalis.

"Tara na ija. Mas mabuting mas maaga mong malaman kung saan ang kwarto mo para makapagpahinga ka na." Tumango ako sakaniya at sumunod kung saan siya pumunta. Ang isang mataas na building na naandito ay isang dorm para sa mga babae, at ang kabila ay para sa mga lalaki. At ang sa gitna ay ang paaralan. Huminto kami isang pintuan.

"Ito ang iyong kwarto at susi. May kasama ka sa loob ng kwarto na yan. Mas mabuting maging mapanuri ka sa lahat ng bagay. Kung may problema ka man, mas mabuting kausapin mo ako at puntahan sa opisina ko." Tumango naman ako sakaniya.

"Maraming salamat po."

"Siya nga pala, nakalagay na ang iyong uniporme na gagamitin sa pagpasok mo bukas. Hindi pwedeng ngayon ka pumasok, may dapat pang pagusapan ang buong Academy. Mas mabuting magpahinga ka na muna diyan. At isa pa pala. Kung pupunta ka man sa bayan wag mong kakalimutan na hindi magsama ng kaibigan na alam ang buong Tereseyas, mahirap na at baka maligaw ka sa Drevan. Yun lang, magiingat ka." Medyo naguluhan ako pero hindi ko na inintindi at binuksan ko na ang pinto. Tama lang ang laki ng silid na ito. 

Merong dalawang single bed sa makabilaan, parehong nakadikit sa pader ang dalawa. At sa pagitan ng dalawang kama ay may isang bintana na tama lang ang laki para pumasok ang sinag ng araw at hangin. May isang malaking ceiling fan. May dalawang study table sa bawat paanan ng kama at sa gilid ng isang study table ay may isang pinto. Agad akong lumapit dun at binuksan. Ang banyo. At sa kabilang parte ay meron rin pinto, pero kakaiba ito. Yun siguro ang cabinet.

Umupo ako sa kama kung saan nakalagay ang uniporme, ito ay nasa kaliwang bahagi. Napatingin ako sa paligid. Hindi ako sanay na may kasama sa kwarto pero kailangan kong masanay para na rin sa ikakabuti ko. Sumilip ako sa bintana at nakita ko mula dito sa taas ang hardin na kung saan ako pumunta, hindi ko talaga maiwasang mamangha sa mga bulaklak. Bumuntong hininga ako.

Iba pa din ang lugar na ito. Hindi ko alam kung paano ako makikipagsalamuha sa mga taong hindi ko alam kung ano ang meron sakanila. Kakayanin ko kaya?

————————————————————————

Author's Note:

How's the first chapter? Ano sa tingin niyo? Ayus ba? Medyo magulo? Leave some feedbacks about this chapter. Promise, I'm going to read all of that feedbacks that might help me to improve this story.

Hope you'll enjoy every chapter of this story. Sana mahalin niyo din si Elizabeth katulad ng pagmamahal niyo kay Bloom dati.

So here it goes #MAB2. Thank you my beloved readers.

~shemustbeeninlove

Moonlight Academy 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon