Chapter 20
Ilang araw na rin matapos ang pagkamatay ni Zander at hanggang ngayon hindi ko pa din matanggap na namatau siya dahil saakin. Napakasakit isipin na binuwis niya ang buhay niya sa isang katulad ko na walang kwenta at hindi man lang ipinaglaban ang sarili. Tatlong katok mula sa pinto pero hindi ko nilingon. Narinig ko ang pagbukas nito at ni hindi ko din nilingon kung sino ito.
"Liza, kumain ka naman oh. Kanina ka pa hindi kumakain at baka may mangyari na sa'yo. Tao ka parin Liza, magkakasakit ka pa din." Base sa boses na yun ay kilala ko na kung sino ito. Umayos ako ng upo at isinandal ang katawan ko sa pader at tumingin lang sakaniya.
"Tignan mo nga yang sarili mo? Ang gulo-gulo ng buhok mo, tapos ang namumugto pa yang mata mo. Hindi matutuwa si Zander sa ginagawa mo. Kumain ka naman kahit kaunti. Pinagluto ka ni tita ng lugaw at baka sakaling kumain ka daw." Napatingin ako sa tray na nilapag niy sa side table na nasa kwarto ko. Alam ni nanay na paborito ko ang lugaw pero parang wala pa din ang gana ko kahit na paborito ko na ang nakahain. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Ayesha at agad na lumapiy saakin. Niyakap niya ako pero sa isang sulok pa din ng aking kwarto ako nakatingin.
"Alam ko ang sakit na nararanasan mo Liza, pero wah mo namang pabayaan ang sarili mo. Lahat kami nagaalala sa'yo. Sana bumalik na ang dati mong sigla." Sinara niya na ang pinto at naiwan ma naman akong magisa sa kwarto. Matapos ang gabi nung mamatay siya kinabukasan din ay inilibing siya. Madami ang nasaktan sa pagkawala niya at isa na ako doon.
Malaki ang parte ni Zander sa buhay ko at ilang beses niya ang ipinaramdam saakin na may kaibigan ako at ilang beses niya na din akong iniligtas sa kapahamakan. Bumuntong hininga ako at kinuha ang mangkok kung saan nakalagay ang lugaw at sinimulan kong kumain. Kahit pa masarap ang lasa nito hindi ko manlanh nagawang enjoyin ang sarap nito. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang kumakain.
Zander, mamimiss kita. Please lang kahit sandali lang magparamdaman ka saakin, ipaalam mo saakin na dapat pa akong magpatuloy dahil parang hindi ko na kaya dahil wala ka na. Wala na ang kaibigang nagmahal saakin.
Naubos ko ang lugaw habang naiyak ako. Humiga ako sa kama at sinimulan na namang umiyak at hi di ko namalayang nakatulog na naman ako.
--
"Elizabeth." Isang tao mula sa liwanag ang nagsalita. Hindi ko man makita kung sino ito pero kilala ko na aagad kung sino ang taong ito dahil sa boses niya. Unti-unting nawala ang liwanag at napakagandang paligid ang nakita ko. Ang infinity soul.
"Elizabeth." Napalingon ako at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
"Z-zander?" Ngumiti ito saakin at lumapit. Bigla ko naman siyang niyakap, sobrang higpit. Naramdaman ko din ang kaniyang bisig na nakayakap sa katawan ko.
BINABASA MO ANG
Moonlight Academy 2 (COMPLETED)
VampirePinangarap ko lang naman magkapagaral ng maayos, pero habang dumadating ang araw, linggo at buwan. Unti-unti nang nagbabago ang lahat ng saakin. Akala ko, isa lang akong normal na tao. Naging uhaw, nagkaroon ng bagay na hindi ko naman pinangarap. Ak...