Chapter 28
"Ako nga Elizabeth." Nagbow siya saakin kaya napangiwi ako. Umiling ako sakaniya at hinawakan siya sa balikat. Tumingin ako doon sa Brence at tahimik lang siya sa tabi habang nakacross arms at nakatingin saamin. Ngayon ko lang naalala kung sino siya.
"Brence, Brence Capple Ren." Saad ko sakaniya at nakita ko ang ngiti sakaniyang labi, agad siyang lumapit saakin at niyakap ko naman siya. Siya ang nagiisang bestfriend ko amd si Ager Zane, ay ang aking first love back when I was a child.
"Anong ginagawa mo dito sa kakahuyan?" Tanong saakin ni Ager. Tumingin ako sakanilang dalawa.
"Gusto kong dalhin niyo ako kung saan kayong nagtataho ngayon, gusto kong makausap si lolo." Sagot ko sa tanong niya. Nakita ko ang sabay nilang pagiling.
"Hindi pwede Elizabeth, masasaktan ka lang. Alam mo namam ang isip nang lolo mo, makuha ka lang namin at mapatay ayos lang sakaniya yun dahil dugo mo lang naman ang importante sakaniya." Saad ni Brence saakin, kaya umiling ako ulit.
"I will take the risk, 'wag lang madamay ang mga taong importante saakin. Okay nang masaktan ako, wag lang sila." Rinig ko ang buntong hininga nang dalawa at sabay na tumango. Pinasakay ako ni Ager sa likod niya at mabilis na tumakbo ang dalawa.
"Matagal na rin simula nung makita kita. Bata pa ata tayo noon." Saad ni Ager. Napangisi ako sa sinabi niya.
"Tanda mo pa pala yun, akala ko ako na lang ang nakakatanda. Kamusta ka na pala? Ang buhay mo? May girlfriend ka na ba?" Saad ko sakaniya at narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
"Ayus lang naman ang buhay ko, pero girlfriend? Wala akong ganun, dahil hanggang ngayon inaantay ko pa din ang babaeng nagpaibig saakin noong mga bata pa kami." Hindi ako nakapagsalita sa mga narinig ko, natulala ako sa hangin at hindi ko namalayan na nandito na pala kami. Marahan niya akong binaba at ngumiti siya saakin.
"S-salamat." Saad ko sakaniya at inayos ang damit ko. Huminga ako nang malalim bago ako maglakad at sumunod sakanila. Pinagmasdan ko ang lugar na pinagtataguan nila, liblin at walang ibang tao kundi ang mga uri namin. Bampira. Kita ko ang magulong lugar na ito dahil sa pagsalakay namin noon, pero nakikita mo naman na maayos na ang ilan. Nakabalik ako ulit dito. Bayan ng Felon.
"Siya na nga ang matagal nating hinahanap..."
"Tama, siya nga ang apo ni pinuno."
Tumingin ako sa mga taong naguusap sa gilid ko at nakita ko ang pagkabigla nila at agad silang nagbow saakin. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa huminto ako sa isang bahay na may malaking bakal na gate. Mataas ito at napapalibutan nang nagtataasang pader. Lumingon ako sa mga kasama ko at ngumiti sakanila.
"Hayaan niyo na lang muna akong magisa. Salamat sa paghatid saakin dito." Ngumiti sila saakin at tumango. Bago ako tuluyang pumasok, niyakap ko silang dalawa at kumaway sakanila. Huminga ako nang malalim, may nakakita saaking isang tagabanatay at pinapasok ako. Tumango lang ako sakaniya at bumukas ang napakalaking pinto. Pumikit ako at pinagmasdan ang hallway. The floor covered with a red carpet and every wall has a painting. Or I should say portrait of our family, the legion and the legacy of a Gayer.
"This place like a heaven, but the owner is a demon." Bulong ko sa sarili ko at nagpatuloy sa paglalakad. Tumigil ako sa isang pinto kung saan may dalawang tao ang nakatayo. Agad silang nagbow saakin.
"He's waiting for you inside. Alam niyang darating ka kaya pinaayos niya ang kwarto mo. Halika na." Isang matandang babae ang nagsalita sa tabi ko. Bumukas ang pinto at sumalubong saakin ang isang malaking kwarto. Napapaligiran nang malalaki at nagtataasang bookshelf at sa may gitna nito ay isang.mahabang lamesa at nakatalikod ang swivel chair at nakaharap ito sa malaking salamin. Umalis na ang matandang babae at lumabas na.
"Inaasahan kong darating ka, kamusta ka na apo?" Napangiwi ako ng marinig ko ang salitang apo mula sakaniya. Unti-unting humarap ang swivel chair na inuupan niya saakin. Sa pangalawang pagkakataon, nakia ko ulit siya. Marahan siyang tumayo mula doon at kinuha ang isang tungkod sa tabi nito. Kita mong nanghihina ang kanuyang katawan dahil sa tungkod na lang siya umaalalay.
"Ayus lang naman po, nagpunta ako dito para sa isang kasunduan." Saad ko sakaniya. Tumango ito at umupo sa isang couch malapit sa lamesa niya. Tinuro niya ang katapat na couch kaya umupo ako.
"Hindi ba't parang ang aga mo para doon? Mas mabuting magpahinga ka muna." Sumangayon din ako sa sinabi niya, kaya tumayo ako at nagbow sakaniya. Paglabas ko, nakita ko si Ager na nakasandal sa katapat na pader na animoy inaantay ang paglabas ko mula sa silid. Agad niyang inayos ang kaniyang tindig at lumapit saakin.
"Binilin ka saakin ni Manang Celia at ako na daw ang maghatid sa'yo sa kwarto mo." Tumango ako sakaniya at sumunod. Nasa pinakadulo na kami nang hallway na dinaanan ko kanina at may hagdan dito. The floor also covered with a red carpet, the light is coming from the torch on the wall.
"Ilang palapag ba ang bahay na ito?" Tanong ko sakaniya habang naglalakad kami paakyat.
"Dalawang palapag lang. Sa dulo nito ay nandoon ang malaking library na paborito mong pasukan noo. Tapos sa baba, yung nakita mong pinto na malapit sa hagdan na ito ay ang dining area, at living room sa may kasulukan nang kwarto na yun, at merong isang malaking pinto na malapit sa pintuan kanina, hindi mo lang ata napansin dahil walang bantay doon. Yun ang grand hall kung saan pinagdiriwang ang maliit na okasyon o di kaya malakaihang okasyon." Saad saakin ni Ager at tumigil kami sa isang pinto. Sa tingin ko ay ito siguro ang kwarto kung saan ako magpapahinga. Marahan na pinihit ni Ager ang knob ng pinto at binuksan yun. Bumungad saakin ang malinis at tahimik na kwarto.
Nakabukas ang lamp shade na nakalagay sa side table kaya tanaw ko kahit papaano ang silid. Maganda naman siya at may malaking kama. Tumingin ako kay Ager at hinawakan siya sa braso.
"Can you please stay here for tonight? Natatakot kasi ako eh." Saad ko sakaniya. Naramdaman ko ang paghawak niya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko.
"Yes, I can. Tara na." Sabay kaming pumasok sa loob at naupo siya sa couch na nasa gilid nang kama ko at may katabing mataas na bookshelf. Humiga ako sa kama at binalot ang sarili ko ng kumot dahil sa lamig na nararamdaman ko.
"Matulog ka na, kailangan mo pa ng lakas ng loob para kausapin ang lolo mo bukas." Saad niya saakin kaya mahina akong napatawa.
"Sana nga Ager, sana makinig man lang siya sa sasabihin ko. Ayaw kong pumatay lalo na kung kadugo ko pa." Mahina kong saad sakaniya. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya, tapos nakita kong may kinuha siyang libro sa bookshelf at binuksan yun.
"Malapit na ang araw ng pagtatakda mo, bakit ka pa umalis sainyo? Ligtas ka na lahat-lahat, umalis ka pa." Tumingin ako sa kisame at inisip muli ang dahilan ko.
"Takot ako Ager, takot ako na masaktan pa ang mga taong importante saakin. Takot akong mawala sila dahil saakin, nawalan na ako ng dalawang taong importante saakin, hindi na ako papayag na may mawala pang iba ng dahil saakin." Saad ko sakaniya at marahan na pumikit. Naramdaman ko na naman ang pagtulo ng mainit na likido sa pisngi ko. Umiiyak na naman ako.
"Sobrang tapang mo Elizabeth, sana ganyan din ako katapang para ipaglaban siya." Saad niya saakin af narinig ko ang pagsara niya ng libro at pagpatong nito sa lamesa na nasa tapat niya lang. Agad akong napaisip sa sinabi niya.
Matapang nga ba ako?
—
Thank you ♥
BINABASA MO ANG
Moonlight Academy 2 (COMPLETED)
VampirgeschichtenPinangarap ko lang naman magkapagaral ng maayos, pero habang dumadating ang araw, linggo at buwan. Unti-unti nang nagbabago ang lahat ng saakin. Akala ko, isa lang akong normal na tao. Naging uhaw, nagkaroon ng bagay na hindi ko naman pinangarap. Ak...