Chapter 15

2.6K 84 1
                                    

Chapter 15

Naglilinis ako ng kwarto ngayon at si Ayesha ay umalis dahil may kailangan daw silang pagaral na isang klase ng bulaklak. Sa bayan ng Griffin pa daw nila ito makikita dahil hindi siya common dito. Tumayo ako at tinanggal ko ang kwintas ko at pinatong sa lamesa. Winalis ko ang ilalim ng kama at marami akong nawalis na papel. Naalala ko na nagsulat pala si Ayesha kahapon ng essay at yung binabasa niyang libro ay topic nila kaya pala sobrang busy siya kagabi.

Tatlong katok ang naging dahilan kung bakit ako napatayo mula sa pagkakatungo ko at lumapit sa pinto. Pagbukas ko siya agad ang bumungad saakin. Nginitian niya ako bago ko din siya sinuklian ng isang ngiti.

"Busy ka ba?" Tanong nito saakin. Pinakita ko sakaniya ang hawak kong walis at napatawa siya dahil doon.

"Sa tingin mo? Hindi ba ako busy?" Sabay kaming natawa sa sinabi ko.

"Pasok ka muna, Cassandra. Ano bang gusto mo? Tubig? Kape?" Umiling lang siya saakin.

"Gusto lang kitang makita bago ako umalis sa lugar ng Tereseyas. Lilipat kasi ang pamilya namin sa ibang lugar. Hindi ko alam kubg makakabalik pa ako o kaya makakabisita pa ako dito sa Tereseyas." Kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. Walang ano-ano'y niyakap ko siya. Malulungkot ako sa pagkawala niya dahil naging kaibigan ko na din siya at kahit hindi kani nakapagusap ng maayos parang kilalang kilala ko na siya.

"Mag-iingat ka. Mamimiss kita Cassandra." Sabi ko sakaniya at tumawa naman siya saakin. May kinuha siya sa bulsa niya at nakita kong papel ito at nakatiklop siya.

"Isang hiling lang sana Liza bago ako umalis. Pwede mo bang iabot ito kay Zander? Iabot mo sakaniya pag nakaalis na ako." Tinanggap ko naman ang papel at tinago sa bulsa ko.

"Sige, para sa'yo." Ngumiti siya saakin at muli ay niyakap ako bago siya tuluyang lumisan sa harap ko. Huminga ako nang malalom at pinagmasdan ang papel. Kailangan ko itong iabot kay Zander, para kay Cassandra.

Habang naglalakad ako sa hallway upang hanapin si Zander dahil nga iaabot ko ang sulat ay agad ko naman itong nakita na kasama ang iba sa mga kaklase namin at parang may seryoso silang pinaguusapan. Akala ko mabibigo ako sa paghahanap sakaniya. Agad naman akong lumapit sakaniya at alam kong napansin niya ako dahil nakaharap siya saakin at ngumiti. Para siyang nagpaalam sa mga kasama niya at tinapik ang balikat ng isa sa mga ito bago lumapit saakin.

"Buti nakita kita ngayon Liza. Nabalitaan mo na ba ang pagalis ni Cassandra?" Mukhang nakarating na sakaniya ang balita tungkol sa pagalis ni Cassandra.

"Oo, dumaan siya sa kwarto ko kanina bago umalis. May pinaabot nga pala siya sa'yo bago siya lumisan kanina." Kinuha ko ang sulat mula sa bulsa ko at inabot sakaniya.

"Salamat dito." Tumango lang ako sakaniya. Niyaya niya akong kumain sa cafeteria kaya sumama ako sakaniya dahil gutom na rin ako. Napadaan kami sa field kung saan kami pwedeng mag PE at maglaro pag-nakaPE kaming lahat. May ilang estudyante na nagtatakbuhan doon dahilan para mabungo din ako.

May isang bagay na nahulog sa damo na galing sa leeg ko. Kaya agad akong bumaba para kunin ang kwintas na nahulog at laking gulat ko nang makitang nakabukas ang pendant nito at may larawan dito. Isang batang babae, may kasama siyang lalaki na siguro ay mukhang tatay nito. Hindi ko napagmasdan ang mukha nito dahil sa agad na hinablot ito ni Zander mula sa kamay ko.

"Hindi mo pa dapat makita ang bagay na yan." Nagtaka ako sa inasal niya at hinablot ko ang kwintas. Hindi niya na ito nakuha saakin dahil tumalikod ako sakaniya. Pinagmasdan ko ito at laking gulat ko nunt nakilala ko kung sino ang batang babae. Wala iba kundi AKO. Sino ang lalaking kasama ko? Isa lang ang pwede kong tanungin tungkol dito. Humarap ako sakaniya 

"May alam ka ba? Bakit hindi ko kilala ang taong kasama ko sa litratong ito? Bakit hindi ko maalala na nakilala ko ang taong ito?" Sunod sunod kong tanobg sakaniya. Hindi pa man siya nagsasalita isang tinig na ang nagpatigil saakin na nanggaling sa likod ko.

"Dahil tinago namin-- niya ang lahat ng ito." Humarap ako sa taong yun at nakita ko ang aking ina kasama ang isang lalaki. Pinagmasdan ko ang taong yun at ang taong kasama ko sa litrato. Magkamukha sila at halos pareho ang hubog ng mukha. Kaya kinalibutan ako sa nakita ko.

"Ako ang tatay mo, anak." Parang ayaw tanggapin ng utak ko ang sinabi ng lalaki na kaharap ko ngayon at pilit na lumalapit saakin at parang gusto niya akong yakapin. Masasagot na ba lahat ng mga katanungan ko?

"Tatay? Paano nangyari? Ni hindi ko nga maalala na nakasama kita?" Saad ko sakaniya. Lumapit saakin si ina at niyakap ako. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Baka siguro dahil sa bagay na nalaman ko o sa mga bagay na ayaw tanggapin ng utak ko.

"Kasalanan ko ang lahat anak. Pinilit ko ang iyong ina na natanggalin ang iyong memorya tungkol saakin sa mga bagay na ginawa natin na magkasama. At tungkol sa pagkatao mo." Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa narinig ko. Tama ba na paniwalaan ko sila?

"Maniwala ka man o hindi, Elizabeth. Siya ang ama mo. Si Fernando." Inisip ko kung saan ko ba narinig ang pangalan na yun at halos nanlaki ang mata ko sa narinig ko.

"Hindi maari.." Bulong ko sa hangin at tumingin ako sakaniya. Walang nagbago sa itsura niya. Halos ang itsura ni nanay at nung Fernando na tatay ko ay halos parang hindi natanda. Hindi katulad ng mga magulang ni Nicolas na nakikita mo na ang signs sakanila na nagkakaedad na sila pero sa nanay at tatay ko ay halos parang walang nagbago at parang binata't dalaga ang itsura nila.

"Hindi ito maari.." Alam kong narinig na nila ang sinabi ko dahilan para magsalita si nanay.

"Maari anak, dahil totoo ang nakikita mo saamin at yang iniisip mo ay totoo. Isang kaming bampira ng tatay mo, pero gusto ka naming makausap ng pribado ng iyong ama para dito." Alama ko ang gusto nilang sabihin kaya niyaya ko sila sa kwarto namin ni Ayesha. Pinaupo ko sila sa kama ko at ako naman sa kama ni Ayesha.

"Una sa lahat anak, hindi talaga ako bampira. Hiniling ko sa iyong ama na gawin akong bampira, kahit na labag ito sa palatuntunin nila bilang bampira. Isa lang akong normal na elemental wizard hanggang sa dumating ang iyong ama at nagbago ang lahat. Ang edad namin ay nadadagdagan nang nadadagdagan pero ang itsura ay walang pinabago dahil ito ang nagiisang bagay na hindi maiaalis sa paggiging bampira, ang pagtanda." Saad ni nanay saakin, nakikinig lang ako pero ang gusto kong malaman ay kung bakit ako napunta sa lugar na hindi naman talaga dapat ako nandoon. Sa bayan ng Concepcion na dapat ay kasama ko ang pamilya ko.

"Nagkaroon nang problema kung bakit tayo umalis sa lugar ng Tereseyas at lumayo. Pinalano ng ama ni Fernando na kunin ang dugo mo, anak. Higit na mas malakas ang dugo mo kesa sa bunsong anak nila na si Rhea. Ang babaeng kapatid ng iyong ama. Ang dugo mo ang isang bagay na kailangan niya para lalong pang lumakas at masakop ang buong Tereseyas. Ngunit, nalaman ito nang ama ng maaga at dinala niya tayo sa isang lugar kung saan tayo malayo sa Tereseyas. Ang bayan ng Concepcion."

"Hindi aksidente ang nangyari na nakilala natin ang iyong lola na nagkupkop saatin dahil, ito ay ang nanay ko. Binilin ko kayong dalawa sakaniya upang mabantayan. Isang normal ang aking ina pero isang makapangyarihang fire and elemental wizard sa buong Academy ng Moonlight Academy. Sinabi ng aking ama na muling maglalahad ang pinagbabawal na pagibig sa susunod na limang taon yun ang pagiibigan namin ng iyong nanay." Saad saakin ni tatay. Naging malinaw saakin ang lahat. Kung bakit ganun na lang ang turing saakin ng lola ko.

"At kaya kita binalik dito sa lugar Tereseyas dahil hiniling ito ng iyong ama. Malapit na ang araw ng iyong pagtatakda at hindi mo ito mapipigilan, anak. Isa kang bampira at sa pagsapit ng unang full moon, sa susunod na buwan ay maggiging ganap na bampira ka na." Parang gusto kong maiyak sa narinig ko. Ayaw ko! Hindi pwedeng maging bampira ako.

"Kailangan mong tanggapin kung ano ka, dahil ito ang bagay na tatalo sa ama ko."

Thank you

Moonlight Academy 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon