Chapter 32
Nakikitang kong nililinis nila ang mga sandata na kanilang gagamitin. Lumapit ako sa lamesa at pinagmasdan ang mga sandata na nasa lamesa. May pumukaw sa tingin ko, isang espada. Kinuha ko yun at tinignan. Maganda ang bakal na ginamit sa espada na ito, dahil na rin sa sobrang kintab nito.
"Gusto mong gamitin?" Napalingon ako at isang lalaki ang nakatayo sa tabi ko. Halos kaedaran ko lang ang lalaking ito.
"Sana, ngunit hindi naman ako ang mayari ng bagay na yan kaya ayaw kong gamitin ng walang pahintulot." Saad ko sakaniya at muling ibinalik sa lamesa ang espada. Ngumiti ito saakin at kinuha muli ang espada at inabot saakin.
"Wag kang magalala, ako ang mayari ng espada na yan. Ako nga pala si Fraven." Pagpapakilala niya sa sarili niya. Kinuha ko muli ang espada mula sakaniya. Kumuha din siya ng isang espada at halos kapareho lang ito ng hawak ko pero mas magandang klase ang nasa kamay ko.
"Balita ko, marunong ka daw humawak ng espada at gamitin ito sa pakikipaglaban." Napangiti ako sa sinabi niya. Mukhang alam ko na agad kung sino ang nagsabi ng bagay na yun sakaniya.
"Si kuya ba ang nagsabi sa'yo ng bagay na iyan?" Marahan naman itong tumango saakin bilang sagot.
"Kung totoo nga ang sinabi ng kuya mo, bakit hindi mo ipakita saakin ang kaya mo?" Napangiti ako sa sinabi niya.
"Hinahamon mo ba ako?" Tanong ko sakaniya at naglakad papalapit at umikot sakaniya. Pinagmasdan ko kung paano siya susugod saakin kung sisimulan ko ang pagtira mula sa likod.
"Kung gusto mo." Napatango ako mula sa likod niya at agad na pinatama sakaniya ang espada. Naiwasan niya ito katulad ng inaasahan ko. Nagsimula na kaming magbigayan ng pwersa papunta sa espada. Nakangiti lang ako habang nakikipaglaban sakaniya. Magaling siyang humawak ng espada at mukhang bihasa na siya sa paggamit.
Nabigla ako nung diinan niya ang pwersa sa espada dahilan para maurong ang katawan ko, nakadiin lang ang pwersa niya at pilit na pinapabagsak ang katawan ko. Hindi ako pwedeng sumuko, kaya agad kong binigay ang buong pwersa ko sa espada at lumipad ang espada niya sa ere. Tumalon ako at agad na kinuha ang espada gamit ang kaliwang kamay ko. Pagbagsak ko sa lupa agad kong tinutok sakaniya ang espada na nasa kanang kamay ko doon sa leeg niya at ang isa naman ay nasa dibdib niya.
Nagulat ako nung may marinig akong palapak galing sa isang tao. Agad akong napalingon kung saan ito nanggaling at laking gulat ko nung makita ko si Mrs. Welford. Agad akong umayos at nagbow sakaniya.
"Hindi mo na kailangan pang gawin ang bagay na yan Elizabeth, drop that formality. By the way, masyado ka nang magaling sa paghawak ng espada. Pagbutihin mo pa." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Kinuha saakin ni Fraven ang espada at tumango saakin.
Umupo kami ni Mrs. Welford kung saan nakalagay ang mahabang lamesa. Nandoon pa din ang mapa ng buong bayan at ang blueprint ng bayang ng Gayer. Inabutan siya ng maiinom ni Manang Feliyas, ang babaeng pumasok sa kwarto ko kaninang umaga.
"Nasabi saakin ng kuya mo na kailangan mo daw ako sa plano mo? Ano bang maitutulong ko?" Saad ni Mes. Welford saakin matapos niyang uminom.
"Mrs. Welford--" Umiling siya saakin at hinarang ang kamay sa bibig ko.
"Tawagin mo na lang akong tita, mas magandang pakinggan." Napangiti na lang ako sa sinabi niya.
"Tita, kailangan namin ang tulong mo sa isang bagay. Alam kong magaling ka sa mga mahika kaya hinihiling namin na sana matulungan mo kami." Saad ko sakaniya.
"Ano bang gagawin ko?" Huminga ako ng malalim bago magsalita.
"Bukas ng gabi ang paglusob na gagawin namin, ngunit mas maaga lamang akong aalis sakanila at mamayang gabi na yun. Tuwing sasapit ang gabi, ang mga taong ito ay naggiging ogre. Isang sumpa na walang kahit anong mahika ang maaring makapagtanggal. Matutulungan niyo naman po kami diba?" Tumango naman saakin si tita.
"Wag kang magalala sa bagay na yan Elizabeth. Isang potion ang gagamitin natin para sa bagay na yun. May limitasyon nga lang ang gamot na yun. Sa mga susunod na sampung oras ay maari nang mawala ang epekto nito." Paliwanag niya saamin. Pinagmasdan ko ang nga kasama ko at marahan silang tumangi bilang pagsangayon.
"Sisimulan ko na ang paggawa ng gamot." Saad ni tita saakin at hinalikan lang ako sa pisngi at sumama sa isang matandang babae at dumiretso sila sa kusina. Lumapit saakin si Verdan at kuya.
"Sigurado ka ba sa plano mong pagalis mamaya?" Tanong saakin ni kuya.
"Wala na akong magagawa pa kuya. Ito na lang ang paraan na naiisip ko para matapos na ang kasamaan ni lolo. At isa pa kuya, hindi lahat ng nakatira sa bayan na iyon ay gusto sa panig niya." Paliwanag ko sakanilang dalawa.
"Siya nga pala Verdan, bakit gusto niying sumugod sa bayan nila ng mabilisan?" Tanong ko sa pinuno nila. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"Ang asawa ko ay nasa bayan na iyon. Hindi siya naging ogre, pero nakuha naman siya ng mga bampira at ang alam ko ay buhay pa siya at nakakulong lang sa bayan na yun. Hindi ko alam kung saan, kaya gusti naming sugurin ang bayan nila at patayin ang pinuno para mahanao ang asawa ko." Nabigla ako sa narinig ko mula sa bibug niya. Hindi ko naisip na may problema din pala talaga siya kay lolo bukod sa kasamaan nito.
"Wag kang magalala, ibabalik natin ang asawa mo. Sa ngayon, isipin mo na lang muna ang anak mo." Saad ko sakaniya at ngumiti. Nagulat ako nung nay humila sa laylayan ng damit ko.
"Ate! Sama ka po saamin, lalaro kami." Agad akong sumama sakaniya at nakilala ang batang hawak ang kamay ko. Leven. Kahit pala nasumpa ang mga taong ito, masaya pa din sila. Siguro nga tama ang sinabi saakin ni Manang Feliyas, kailangan kong tanggapin kung ang bagay na meron ako.
—
"Magiingat ka Elizabeth." Saad saakin ni tita. Napapikit na lang ako dahil naiiyak ako sa muling pagalis ko at pagbalik ko sa bayan ng Gayer. Pinagmasdan ko ang mga ogre na ito at ngumiti ang ilan sakanila saakin. Tumingin ako kay Verdan at lumapit.
"Wag kang magalala Verdan, hahanapin ko ang asawa mo habang nandoon ako sa bayan nila. Ibabalik natin ang asawa mo, pangako yan." Tumango ito saakin at may inabot na maliit na sandata saakin.
"Itago mo lang yan sa bulsa mo, maaring may makasalubong kayong mababangis na hayop sa kakahuyan." Tumango ako sakaniya at nilagay ito sa bulsa ko. Sumakay na ako sa likod ni kuya. Tumingin ako ulit sakanila, huling beses ngayong araw. Agad na tumakbo si kuya.
"Ikaw na ang bahala kina nanay at tatay kung hindi man ako makakabalik." Saad ko kay kuya habang natakbo siya.
"Wag kang magsalita ng ganyan, makakabalik ka." Napapikit na lang ako at sumandal sa balikat ni kuya. Hindi rin nagtagal huminto na ito sa pagtakbo at marahan akong bumaba sa lupa. Niyakap ko siya bago ako tumakbo sa kakahuyan. Mabilis ang takbo ko, pero bago pa man ako makarating sa bayan mismo ay huminto ako. Tinignan ako ang damit ko, pinunit ko ang ilan sa mga parte nito at kinuha ko ang maliit na sandata na nasa bulsa ko.
Nilabas ko ito sa lagayan at tinapat sa braso ko. Hiniwa ko ang braso ko at napapikit na lang ako sa hapdi at sakit na nararamdaman ko. Agad kong pinunas ang dugo na nasa kutsilyo at pinunas sa damit ko. Tumakbo akong muli matapos kong ilagay sa bulsa ko ang sandata. Mabilis akong nakarating sa bayan pero hindi pa din ako tumigil sa pagtakbo.
Napahinto ako nung napansin ko na nasa tapat na ako bahay ni lolo. Agad akong pumasok sa loob at tumakbo ng tumakbo papunta sa opisina niya. Kahit pa marami ng humahabol saaking bantay ay hindi ko ininda ito. Agad kong binuksan ang pinto at bumagsak ako sa sahig dahil sa pagod.
"Ako ng bahal sakaniya. Maari na kayong lumabas." Rinug ko saad ni lolo. Isang mahinang pagsara ng pinto ang narinig ko. Tinulungan akong tumayo ni lolo at inupo sa isang upuan.
"Susugod sila ngayong gabi.. susugod sila." Pahayag ko kay lolo habang hinahabol ang hininga ko.
"Sino?! Sining susugod?! Sabihin mo saakin apo?!" Saad ni lolo saakin.
"Ang mga tao, ang mga tao sa ibang bayan. Susugod sila sa'yo lolo." Saad ko sakaniya at nakita kong napatayo siya dahil doon, pero naging malabo na sa paningin ko ang ekspresyon ng mukha niya at tuluyan nang naging itim ang mga bagay na nakikita ko.
—
BINABASA MO ANG
Moonlight Academy 2 (COMPLETED)
VampirePinangarap ko lang naman magkapagaral ng maayos, pero habang dumadating ang araw, linggo at buwan. Unti-unti nang nagbabago ang lahat ng saakin. Akala ko, isa lang akong normal na tao. Naging uhaw, nagkaroon ng bagay na hindi ko naman pinangarap. Ak...