Chapter 36
Ayesha Labarden
Nakita ko ang unti-unting pagsara ng mata ni Liza. Tatakbo na sana ako papalapit sakaniya ng bigla na lang akong natumba sa lupa. Napadaing ako ng makita kong may gasgas ang braso ko.
"Pasensiya na Ayesha, may papalapit na isang bampira sa'yo." Napatingin ako sa nagsalita at laking gulat ko nung makita ko si Cassandra. Tinulungan niya akong tumayo at pinagpagan ko ang damit ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakaniya at ngumiti siya saakin sabay ng pagkibit balikat niya. Nagulat ako nung mabilis niyang nasaksak ang isang bampira na nasa tabi ko ngayon.
"Kailangan kong tumulong, hindi pwedeng kayo lang ang lalaban." Napatingin ako sakaniya dahil ang layo ng tingin nito at nung lumingon ako nakita ko na lang si Liza na nasa lupa at malapit ng saksakin ng kaniyang lolo.
"Ako ng bahala sa mga bampira, kailangan mong ilayo si Liza sakaniyang lolo. Malapit na ang oras ng pagtatakda." Napatingin ako sa langit at kaunting minuto na lang ay tuluyan ng lalabas ang malaking buwan. Napatakbo agad ako at marahas na tinulak ang kaniyang lolo. Nakita ko ang paglapit ni Xian sakaniyang lolo at nagawa pa itong harangin. Tinapik ko ang mukha ni Liza pero hindi bumubukas ang mga mata nito. Kinabahan na ako sa pwedeng mangyari pero tinatagan ko ang loob ko.
Npatingin ako sa ulap at nakikita ko na ang malaking buwan. Bilog na ang buwan, at ito na dapat ang oras para sa pagtatakda sakaniya, ngunit walang nangyayari sakaniya. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at tinapat ko kung saan ko mararamdaman ang pulso niya pero wala akong naramdaman. Tuluyan nang pumatak ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
"Hindi pwede! Anong nangyari kay Liza?!" Napatingin ako kay tita na tumatakbo papalapit saamin at agad na lumuhod ng makarating sa tapat ng anak niya. Ginawa niya din ang ginawa ko kanina pero napatingin siya saakin at umiling. Pareho kami ng nalaman. Wala na ang pulso niya.
Pero unti-unti kaming nagulat nung makita naming napapaligiran ng liwanag ang katawan niya. Tumaas ang kaniyang katawan at tumalsik kami sa lakas ng pwersa nito, kahit pa hindi naman namin siya hinahawakan. Nagulat kami sa nakita namin, ang kaniyang katawan ay hindi na namin matanaw dahil napapaligiran na ang kaniyang katawan ng liwanag, hindi lang basta liwanag dahil para itong isang buhawi.
"Hindi ako pwedeng magkamali, nangyayari na." Napalingon ako kay tita at mukhang tama nga siya sa sinabi niya. Unti-unti naming nalikita ang pagkawala ng liwanag at nung tuluyan nang nawala ang liwanag, ang katawan niya ay nakatayo na pero parang wala pa din itong malay. Lalapitan ko ko na sana ang kaniyang katawan ng biglang hawakan ni tita ang braso ko.
"Hindi mo magugustuhan ang gagawin niya sa'yo kung lalapit ka pa." Nagtaka man ako sa sinabi ni tita ay hindi ko na lang ginawa ang dapat kong gagawin. Kaba. Yun ang naramdaman ko nung unti-unting tinaas ni Liza ang kaniyang ulo. Pulang pula ang mata niya, at kita ko na ang pangil niya.
"Galit, yan lang ang nararamdaman niya ngayon. Ang unang makikita niyang tao ang siyang sasaktan niya." Tumingin ako sa paligid at nakita ko sina Nicolas at Xian na nasa gilid din, ngunit nakadapa sioa sa lupa. Nagdurugo ang kanilang mga tenga.
"Walang sinuman ang pwedeng manakit sa mga taong importante saakin." Narinig kong sabi ni Liza. Magkatapat na silang dalawa ng kaniyang lolo.
"Tulungan mo ako Ayesha. Hindi pwedeng makalapit ang ibang tao sakanila, maaring mapahamak sila. Hindi natin alam ang kaya niyang gawin." Tumango ako kay tita at sabay kaming tumakbo. Nakita ko ang ibang mga tao na tinulungan ang mga kasamahan nilang sugatan at inaalis sa lugar. Agad kong nilapita sina Xian at Nicolas.
"Xian, Nicolas. Gumising kayo." Saad ko habang tinatapik ko sakanilang dalawa. Nakita ko ang unti-unting pagmulat ng mata nilang dalawa at lumuwag ang paghinga ko nung makita kong okay naman sila. Agad silang tumayo at lalapitan sana ni Nicolas si Liza, pero agad ko siyang pinigilan.
"Hindi pwede Nicolas, mapapahamak ka lang." Wala nang nagawa si Nicolas at agad naman itong sumunod saakin. Nakalayo na kami sa kanila pero laking gulat ko nung magliyab ang katawan ni Liza.
"Hindi maari ito.." Bulong ni tita kaya napatingin ako sakaniya.
"Queen of all Wizards." Kinabahan ako sa sinabi ni tita. Hindi pwedeng si Liza yun, pero nakikita na naman ang kayang gawin. Nagulat kami nung tumalsik ang kanilang lolo at tumusok ang katawan nito sa isang sanga. Nagawa pa nitong ngumiti kahit na nasa alanganin na siya.
"Hindi mo ako matatalo, ikaw man ang Queen of all Wizards, hindi mo magagawang talunin ang katilad ko. Nakakuha na ako ng sapat na dugo sa'yo kanina." Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Bago pa man mangyari ang bagay na ito ay natikman na nito ang dugo niya. Nagulat kami dahil sa isang iglap ay nakahawak na si Liza sa leeg ng kaniyang lolo.
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo tanda? Wag mong kakalimutan, hindi sapat ang nakuha mo. Sa pagkakaalam ko, kailangan mo ang buong buhay ko para lang malipat ang buong kapangyarihan na meron ako. Tama ba?" Nanlaki ang mata ng kaniyang lolo sa narinig nito mula sa kaniyang apo. Walang ibang lumabas na salita mula sa kaniyang lolo dahil sa higpit ng pagkakahawak ng kaniyang apo sa leeg nito.
Unti-unting nagliliyab ang palad ng kaniyang apo at unti-unting nasusunog ang kaniyang leeg, pero agad naman siyang binitiwan nito at bumagsak ito sa lupa.
"Hindi ka pa pwedeng mamatay ng lang ng basta basta tanda. Akala ko may kasunduan tayo, ibibigay ko ang buong buhay ko wag mo lang sasaktan ang mga taong importante saakin. Nagkamali ako na magtiwala sa'yo, kaya doon ko nalaman na tuso ka nga." Lumuhod si Liza at hinawakan ang kaniyang lolo sa panga nito. Sobrang higpit, at kaunti na lang ay mababasag na ang panga nito.
"Pasensiya na lolo, nasira ang bayan mo dahil saakin. Tuso ka kasi, pero tandaan mo. Kung ano ang sanhi, yun din ang bunga. Tuso ka man, mas tuso ako sa inaakala mo. Hindi mo man lang nalaman na wala na ang binihag mong pamilya ng isang ogre." Natatawang saad ni Liza. At pinagmasdan ang kaniyang lolo na unti-unting nababasag ang panga dahil sa pagkakahawak nito. Tumayo si Liza. Nakatalikod lang ito at pinagmasdan ang bahay na nasusunog. Nagulat kami nung tumayo ang kaniyang lolo at nakalabas ang mga matatalas nitong kuko.
Agad itong tumakbo at natamaan ang kaniyang apo sa leeg nito. Ngunit, wala kaming nakitang malaking sugat doon. Lalong lumakas ang kaniyang kapangyarihan para magpagaling. Umiling iling ito at bigla na lang nagiba ang kulay ng katawan niya. Magkakahalo ang kulay nito at sobrang liwanag. Napatakip kaming lahat ng tenga dahil sa sobrang lakas ng hangin at kaya nitong basagin ang tenga namin. Nawala ang hangin at napatingin kami sakanila. Bumagsak ang katawan ni Liza at ang kaniyang lolo naman ay wala ng lakas dahil sa nakatarak na kutsilyo sakaniyang tenga. Nagtataka man kami kung saan ito nanggaling pero hinayaan na lang namin, mas importante si Liza.
Nilapitan namin ito at wala kaming nakitang galos sa kaniyang katawan ngunit, wala itong malay. Pinagmasdan ko ang katawan ng kaniyang lolo at tuluyan na itong naging abo. Nawala kasabay sa hangin. Tumingin ako sa buwan at unti-unti itong lumiliit at naggiging normal na buwan na lang. Natapos na, natapos na ang kasamaan ng pamilya Gayer. Hindi na muling magbabalik ang kasamaan.
At nakita na namin ang sinasabing 'Queen of all Wizards.'
—
BINABASA MO ANG
Moonlight Academy 2 (COMPLETED)
VampirePinangarap ko lang naman magkapagaral ng maayos, pero habang dumadating ang araw, linggo at buwan. Unti-unti nang nagbabago ang lahat ng saakin. Akala ko, isa lang akong normal na tao. Naging uhaw, nagkaroon ng bagay na hindi ko naman pinangarap. Ak...