Chapter 24
Isang masigabong palakpakan ang sumalubong sa mga dumating. Isa-isa silang bumaba sa kanilang kotse at kumaway saamin. Ang mga kataas-taasang guro ng Moonlight Academy ay nasa harap ko ngayon. Hindi ko akalain na makikita ko silang lahat dito. Hindi ko rin inaasahan na ang isa sakanila ay lagi ko lang kasama at nayayakap ko pa, ang aking ina.
"Let's all welcome the Upper S Wizards and the upper S proctors." Isa-isa silang umakyat sa stage at nagpakilala. Naimbitahan silang lahat ngayong semester, sila ang magbabantay saamin at hindi ko alam ang gagawin ko dahil maari ko silamg makausap ng malapitan.
"Let's all welcome Mr. Fransico Hilbert and his partner Mr. Marlo Vell!" Agad nagpalakpakan ang lahat nung umakyat abg dalawang lalaki na halatang nasa 40's na ang edad nila. Hindi man ganun kalaki ang kanilang katawan pero sinasabi kong medyo maskulado sila.
'Good morning everyone! It's nice to be back. I never expected that I would be part of this. Kami ang mangagasiwa sa bawat estudyante na nandito, sa bawat proctor na papasok sainyo ay isang Class S Wizards na kailangang galangin. This thing would last only this month. We just want to monitor the skills of every studenta here. So be ready! That's all thank you." Nagbow naman ito bago siya lumipat sa gilid. Agad namang pumunta sa mic ang kasama nito nasa tingin ko ay si Mr. Vell.
"Hello everyone! I'm Mr. Vell, naging parte ako nang school na ito nung mga nakaraang taon, at hindi ko akalain na ang dati kong mga naging estudyante ay matagumpay na at ang ilan ay may pamilya na. Isa na dito ang namumuno sa buong Tereseyas, ang hari at reyna. Ang grupo nila ang pinakamagulo at makulit noon, pero makikita mo sa mga mata nila na pursigido sila sa kanilang ginagawa. Marami na akong naranasan dito at handa ko ulit maranasan ang mga bagay na yun kasama kayo. Sana ganun din kayo saakin. I hope everything will be okay. That's all thank you!" Kumaway pa ito bago siya nagbow saamin.
"Okay! I want to introduce tha past proctors of the section Infernal Dragon, Hydra Dragon and Earth Dragon!" Naglakad pauna ang tatlong proctors. Makikita mo na ang signs na tumatanda na sila pero mukhang malakas pa sila, dahil siguro isa silang mga wizards at ang alam ko ang mga wizards ay hindi basta-basta namamatay.
"Good morning! I'm Mrs. Vanessa Fernal-Marchess. I'm with my husband Mr. Luigi Marchess, we are the past proctors of the section Infernal and Hydra dragon. Naranasan namin ang maraming pagsubok sa paaralan nito, lalo na nung mamatay ang former Queen na si Lory Ketlyson, but still we tried to continue and live life to the fullest and we succeeded! Until now, this school or I should say this whole place is still alive and surrounded by many people and also by happy families. I hope this happiness will continue at the end." Ngumiti ito saamin at kumaway. Maganda pa din siya kahit na may katandaan na. Siguro dahil din sa tagal niya na sigurong nagtuturo. Mga nasa around 50's na siya or something.
Isanh matandang babae naman ang lumapit sa mic at mukha siyang strikta. Mala ursula kung baga tapos ang posture niya pa ay sobrang kagalang-galang. Nagulat kaming lahat ng marinig ang pagtawa niya sa mic.
"Oh I'm sorry, so rude of me. Hi everyone, I'm Mrs. Claudette Velle, wife of Mr. Marlo Vell. Akala niyo strikta ako noh? No I'm not my dear. I only use this kind of aura just to scared the students, no need to worry I don't bite. Marami tayong pagdadaan kung ano mang mapunta saaking section, wag kayong mag-alala dahil handa akong maging pangalawang ina niyo, katulad na lang nang ginawa ko sa former students ko. I just want to leave a nice quotes for you guys, don't be afraid if you fail, be afraid if you don't try." Tumatak sa utak ko ang sinabi niya. Tama nga sila, hindi ko kailangang sumuko sa isang bagay na alam kong ikapapanalo ko at ikakaligaya ko.
Kailangan ko lang magtiwala sa sarili kong kakayahan...
—
"Teka lang Nicolas ha? Pasok ko lang muna sa loob ng kwarto itong bag ko." Tumango siya saakin bilang pag-sangayon. Niyaya niya akong pumunta sa infinity soul at agad naman akong pumayag dahil gusto ko ding makalanghap ng saruwang hangin at gusto ko ding makasam siya doon kahit sa kaunting oras lang.
Nagpalit ako ng damit, shortd lang na cotton para komportable ako at isang malaking shirt na pangitaas. Tinali ko lang ang buhok ko sa isang magulong pagkakatali pero magandang tignan. Agad naman akong lumabas nung makasiguro ako na ayos na ako.
"Nagpalit ka pa ng damit." Saad nito saakin habang sabay kaming naglalakad pababa ng hagdan.
"Bakit hindi? Masyado na akong nalalagkit sa suot kong yun. Mas mabuti nang fresh kesa sa amoy maasim." Saad ko sakaniya at nagulat na lang nang akbayan na ako.
"Okay lang saakim na mangamoy maasim ka. Ikaw pa rin ang gusto kong amuyin kesa sa mga babae diyan na ubusin ang isang pabango para lang bumango kung mabaho naman ang ugali, para san pa? Diba?" Natawa naman ako sa sinabi at may punto naman siya sa sinabi niya. Naglakad lanh kami at hindi ko akalain na may daan pala dito sa likod nang school na mas malapit kesa lumabas ka pa nang school at aabutin ka pa ng ilang oras kakalakad.
Tama nga siya, dahil halos kalahating oras lang kaming naglakad kesa nung kasama ko si Zander, although mabilis yun dahil sa may lahi nga siyang bampira at nakuha niya ang mabilis na paggalaw kaya bumilis din kami nakarating dito noon.
"Halika doon tayo sa ilalim ng punong yun. Kita kasi doon ang ganda ng buwan." Saad niya saakin at agad naman akong sumangayon sakaniya. Nilapag niya ang suot niyang jacket doon sa lapag.
"Upo ka na." Saad niya at inalalayan akong umupo sa jacket niya. Umupo naman siya sa damuhan, kaya napangiti ako sa ginawa niya. Sinakripisyo niya ang jacket niya para saakin.
"Ayaw ko kasing masugatan yang binti mo sa mga matatalim na damo dito." Saad niya saakin at inakbayan ako. Sumandal kami sa puno at pinagmasdan ang buwan. Napakaganda ng buwan ngayon. Half-moon lang siya pero sobrang liwanag niya. Naangkop sa kulay ng ulap ngayong gabi. Napakarami ding bituin na nakapaligid at nagkalat sa ulap kaya napakagandang tignan.
"Alam mo ba, sabi saakin ni mommy noon na ang bituin na yan ay maaring isa sa mga taong nawala na sa mundo. Ginagabayn pa din nila tayo at kumikininang sila para bigyan tayo ng liwanag sa buhay." Namangha naman ako sa sinabi niya saakin.
"Napakatagal na noon pero naalala mo pa din?" Saad ko sakaniya kaya siya tumango saakin.
"Hindi ko kailanman malilimutan ang bagay na nagbigay saakin ng pag-asa. Ang mga bituin na yan ang nagbigay saakin ng pagasa matapos mawala ng aking lola sa side ni daddy, pero dahil sa sinabi ni mommy nagkaroon ako ng pagasa na magpatuloy at tuparin ang pangako ko sakaniya." Nakinig lang ako sa sinabi niya at mukhang masaya siya sa sinabi niya. Hindi naman siya nagkamali. Mukhang kaunting hakbang na lang ay maabot niya na lahat.
"Alam mo ba ang pagmamahal ko sa'yo ay parang buwan?" Nagtaka naman ako sakaniya kaya napakunot ang noo ko pero nakatingik pa din ako sa buwan.
"Maliwanag at kailanman hindi mawawala, pero may pagkakaiba kami ng buwan, dahil kailanman hindi mawawala ang pagmamahal ko sa'yo sa umaga. Bagkus, lalo pa itong madadagan kada pagdating araw na siyang nagbibigay ng liwanag sa buhay ko." Pahayag niya saakin kaya napatingin ako sakaniya. Inayos niya ang nalaglag na buhok ko sa gilif at inipit ito sa likod ng tenga ko bago niya hawakan ang pisngi ko.
"Walamg magbabago sa pagmamahal ko sa'yo, kaya handa akong gawin lahat para sa'yo. Handa akong lumaban sa mga taong gusto lang kunin mula saamin-- saakin. Handa akong sumama sa'yo sa paglaban sa iyong lolo na gusyo kang patayin. At handa din akong dalhin ka sa altar." Napangiti ako sa sinabi niya at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong saya ngayon. Isang mainiy na tubig ang naramdaman kong tumulo sa pisngi ko.
"Wag kang umiyak, dahil ayaw kong nakikita ang luhang yan." Saad niya at pinunasan yun gamit ang kaliwang kamay niya. Nakatingin lang ako sakaniya at isa lang ang naisip ko. Nilapit ko ang mukha ko sakaniya at pumikit. Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan namin.
Hindi ako nagkamali na mahalin ang isang tulad mo.
—
Thank you ♥
BINABASA MO ANG
Moonlight Academy 2 (COMPLETED)
VampirePinangarap ko lang naman magkapagaral ng maayos, pero habang dumadating ang araw, linggo at buwan. Unti-unti nang nagbabago ang lahat ng saakin. Akala ko, isa lang akong normal na tao. Naging uhaw, nagkaroon ng bagay na hindi ko naman pinangarap. Ak...