Chapter 06

3.5K 104 2
                                    

Chapter 06

Isang bagay ang hindi ko imaasahan. Ang makilala nang mas maigi si Zander. He even volunteered to tour me on this town. Habang binabasa ko pa din ang libro kung saan nakalagay ang history about sa bayan ng Felon. May isang ingay akong narinig mula sa bintana ko. Out of curiosity, nilapitan ko at laking gulat ko isang ibon ang naandoon. May kagat siyang parang sobre. Binuksan ko yun at pumasok naman ito ay nilapag sa kama ko, agad din namang siyang lumabas ng bintana at lumipad. Mail sender?

Kinuha ko naman ang sobre at tinignan. May nakasulat doong para saakin ang sulat. Kaya binuksan ko naman ito at agad na binasa.

Liza,

Oyy Liza! Sorry, medyo matatagalan pa kami dito. Kailangan naming obserbahan ang bayan. Kahapon lang lumusob na naman ang grupo ng mga itim na bapira dahil sa nabalitaan nilang nandito kami kaya gusto nilang hamunin kami. Ayos naman kami, nasugatan lang ng kaunti si Nicolas sa braso, pero tuyo na naman din ang sugat niya.

Wag mong pababayaan sarili mo diyan, magagalit kami-- lalo na si Nicolas. Ingat ka palagi.

Ayesha

Bumuntong hininga na lang ako matapos kong basahin yun. Sana okay lang sila. Nagging parte na sila ng buhay ko, kaya hindi ko makakaya kung may mangyaring masama sakanila.

---

"Ayos ka lang? Mukhang malaki ang problema mo ah." Ngumiti lang ako kay Zander. Nilapag ko sa gilid ang kutsarang hawak ko.

"Wag mong sabihing wala ka na namang gana? C'me on! Wag ka ngang ganyan. Magagalit sa'yo ang mga kaibigan mo, pati na din ako." Tumingin ako sakaniya. Bumuntong hininga ako at pumalungbaba sa lamesa.

"Ewan Zander, hindi ko lang naman maiwasang hindi magalala sa mga kaibigan kong nasa bayan at nakikipaglaban sa mga bampira na yun." Saad ko sakaniya.

"Then, you should support them. Ipagdasal mo na lang na sana magging okay sila. For now, yan lang naman ang magagawa mo para sakanila." Biglang tumayo si Zander at hinawakan ang braso ko.

"Come. May pupuntahan tayo. And I'm sure, mageenjoy ka." Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Hindi niya man ako literal na hinihila, pero mukha parin niya akong hinihila. Hindi siya gamun kalakas. Lumabas kami ng Academy, pero pinigilan kami.

"Sa Infinity soul lang po kami." Tumango naman agad ang nagbabantay sa gate at binuksan ang maliit na pinto sa gilid kung saan dito lumalabas ang pailan-ilan sa mga estudyante.

"Piggy back ride." Umupo siya sa harap ko. Nagalinlangan pa ako nung una.

"Wag ka nga. Kaya kong maglakad." Umiling siya saakin.

"Gusto mo bang makarating ng mabilis doon? O gusto mong bukas pa tayo makakarating doon kung pipilitin mong magalakad tayo." No choice. Sumakay ako sa likod niya. Nagulat ako nang tumakbo siya. Napakabilis at halos hindi mo na makita ang dinaraanan namin. Hindi rin nagtagal huminto kami sa isang lugar. Napakaganda dito. May hagdan siya papaakyat at may isang maliit na balin sa gilid. It feels like home. You felt the warmth.

Moonlight Academy 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon