1

2.7K 97 4
                                    

"Pasensya Na, Pero Salamat"

Mahal pasensya na,
Hindi dahil sa iniwan kita.
Hindi dahil sa sinaktan kita.
Hindi dahil sa kinalimutan na kita.
Hindi din dahil sa pinalaya na kita.
Pasensya na kundi dahil minahal kita nang sobra.
Pasensya dahil minahal kita higit sa'yong mga pantasya.
Pasensya na dahil naging tapat ako sayo nang higit pa sa sobra.
Ngunit sa kabila ng pagpapasensyang ito, may katapat ding pasasalamat para sa iyo.
Mahal, salamat.
Salamat dahil sinaktan mo ako.
Salamat dahil niloko mo ako.
Salamat dahil pinagpalit mo ako.
Salamat dahil hindi mo ako sineryoso.
Salamat dahil hindi ka nagpakatotoo.
Salamat dahil pinagmukhang tanga mo lang ako.
Nagpapasalamat ako dahil kung hindi dahil sayo, patuloy lang akong magpapakaloko.
Patuloy lang akong magpapakatanga sayo.
Patuloy lang akong mabubulag sa katotohanang sa relasyong ito,
ay ako lang ang nagmamahal ng totoo.
Kaya mahal, salamat.
dahil kundi dahil sayo, mabubulok lang ako sa nakaraan kasama ang mga memorya kong nakakagago.

This poetry is not mine ♥

Yannah_Lorraine

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon