2

2.4K 71 4
                                    

"Mahal, Paalam, Bumalik Ka Na Sa Kanya"

Mahal?
Naaalala mo pa ba?
Naalala mo pa ba yung mga panahong minamahal pa kita?
Yung mga panahong ikaw at ako ay iisa?
Yung mga panahong hindi natin kayang tiisin ang isa't isa?
Yung mga panahong Hindi Ko kayang palayain ka?
Yung mga panahong mahal mo ako at hindi mo kayang humanap ng iba?

Eh yung mga panahong binuhos ko ang lahat ng pagmamahal ko, lahat ng pagtitiyaga ko, ginawa ko lahat ng makakaya ko, binigay ko lahat ng meron ako basta't alam kong akin ka? naaalala mo pa ba?
Eh yung mga panahong sabay tayong nagaaliw sa ilalim ng ulan at saksi ang langit sa ating kasiyahan, mahal, naaalala mo pa ba?
Kasi ako, tandang tanda ko pa
Tandang tanda ko pa yung mga sandaling minamahal kita, habang ikaw, ayon!
Nagmamahal, nag-aaliw at nagpapakasaya sa piling ng iba.
M

ahal naman, anong problema mo?
Bakit iniwan mo ako?
Dahil ba sa panget ako? mataba ako? maliit ako? dahil ba sa pisikal na anyo ko?
Mahal naman! Anong pagkukulang ko?
Bakit iniwan mo ako?
Bakit pinagpalit mo ako sa taong Hindi naman karapat-dapat sayo?
Sa taong hindi naman deserve ang isang tulad mo?
Bakit hindi ka tumupad sa mga pangako mo?
Pangakong ako lang ang iibigin mo,
Pangakong ako lang ang mamahalin mo,
Pangakong ako lang ang laman ng puso mo,
Pangakong ako lang ang buhay mo,
at pangakong ako lang ang dadalhin mo sa altar at ihaharap sa Diyos at sa pamilya mo.
Mga pangakong Hindi naman pala totoo
Mga pangakong pinaasa Lang pala ako
Mga pangakong napako't punong-puno ng panggagago.
Panggagagong tiniis Ko
Panggagagong inintindi Ko
Panggagagong naunawaan ko
Panggagagong tinanggap Ko
Panggagagong nagmula sa isang tulad mo
Tulad mo na walang nirerespeto
Tulad mo na walang sineseryoso
Tulad mo na puro panggagago
Tulad mo na isa palang manloloko
Tulad mo na pinagmukhang tanga Lang pala ako
Mahal, Hindi ko maintindihan kung bakit ako
Kung bakit ako pa ang sinaktan mo
Bakit ako pa ang niloko mo
Bakit ako pang minahal ka ng totoo
Bakit ako pang tinulungan ka sa mga problema mo
Bakit ako pang inibig ka hanggang sa dulo ng mundo
Bakit ako pang inintindi ka noong mga oras na lagi kang problemado
Bakit ako pang sinamahan ka noong nasa madilim na parte ka na ng mundo
Mahal, bakit ako?
Siguro nga ang laki ng pagkukulang ko
Siguro nga ang dami kong hindi naibigay sayo
Siguro nga kulang ang pagmamahal na naipadama ko sayo
Kaya nga siguro...
kaylangan ko nang kalimutan Ang mga alaala ko kasama ka, mahal ko
kaylangan ko ng tahakin ang daan patungo sa landas na siguradong magiging masaya ako
sa daan patungo sa buhay na wala ang isang tulad mo
Kaya eto ako ngayon, masayang nabubuhay nang mag-isa
nabubuhay nang hindi inaalala ang nakaraan
nang Hindi inaalala kung saan ba ako nagkulang
nang hindi inaalala kung pati ba ikaw ay nasasaktan
Salamat...
Salamat dahil sa wakas, ay nakalimutan Ko na ang aking pinagdaanan
salamat dahil nakalimutan Ko na Ang bangungot ng aking sariling nakaraan
Pero ibang klase ka talaga tadhana...
Isa kang alamat!
Dahil kung kelan nakalimutan ko na sya, saka pa sya nagparamdam
Kung kelan wala na akong nararamdaman, saka ulit sya nagpakita
Pero sadyang huli na Ang lahat
hindi mo na mababawi Ang puso kong dati nang minahal ka nang tapat
Kung sana Lang ay ginawa mo na Ang lahat
Simula't sapul palang tayong dalawa na Ang nararapat
At ngayo'y babalik ka?
babalik ka't sasabihin mo saking "mahal bumalik ka na"
Ano ba! Hindi ako tanga
Bakit Kita babalikan pa?
Para masaktan ulit Ng bongga?
Thanks but no thanks
Natuto na ako Buhat Ng aking pagkagaga
Di mo naman na kaylangan sabihin pa
Dahil mahal, Alam Ko na kung bakit napili mong iwanan ako
Hindi dahil sa nagkulang ako
Hindi dahil sa nagpabaya ako
Hindi dahil sa pisikal na anyo Ko
Kundi dahil nakahanap ka Ng bago
Nakahanap ka Ng bagong magpapasaya sayo
Sya na pinaliligaya ka
Sya na pinapasaya ka
Sya na hanggang sa umpisa Lang pala
Ngayong iniwan ka na nya,
Babalik ka sakin at magmamakaawa?
Mahal, kahit mahal kita, Hindi Ko na kaya
Kahit bigyan mo ako Ng sandamukal na pera
kahit bigyan moko Ng napakaraming bagay na sadyang nakakapagpaligaya
Mahal, Hindi mo ako madadaan sa ganyan
Kaya kahit nakakaawa ka
At kahit mahal pa kita, please Lang, ayoko na
ayoko na kaya isa Lang Ang masasabi Ko sayo
Pinal at huling salitang siguradong tatatak sayo,
Mahal paalam, bumalik ka na sa kanya.

This poetry is not mine ♥

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon