9

983 32 1
                                    

Hi ma at daddy, para po sainyo to. Salamat po dahil ngayon nandito pa ako, nabubuhay sa masayang pamilyang binuo niyo :).

Hi sa mga anak na may tampuhan sa magulang! Hehe :< don't hate me. Love kita~

Mag wa-1K views na si SWP! Thanks allot!~

"Sila"

Sila.
Sila ang nag aaruga sa akin.
Sila ang nakakita ng lahat sa akin.
Sila ang bumubuhay sa akin.

Sino nga ba sila?
Sino nga ba yung lagi kong kasama?
Sino nga ba yung masaya laging kasama?
Sino nga ba yung karamay ko sa lahat kahit ano man ang maging desisyon ko?

Kahit ano man ang gawin ko.
Kahit ano man ang salihan ko.
Kahit ano man ang gustuhin ko.

Lahat sila,
Sila'y nakasuporta sakin.
Sila'y nag tuturo sakin
Sila'y nag bibigay payo sakin.
Sila'y ang mag bibigay ng magandang buhay saakin.

Sa pag pasok ng minelyanong panahon. Iba ang nasa utak ng mga kabataang katulad ko.

Puro sila salita.
Puro sila dada.
Puro sila pagalit.
Puro sila kwento.
Puro sila sakit sa ulo.

Bakit nakita mo ba?
Nakita mo ba yung pag hihirap nila?
Nakita mo ba yung sandaling umiiyak sila?
Nakita mo ba yung panahong wala silang magawa dahil yang utak mo!

Yang utak mong puro kabalagstugan lang ang alam.
Yang utak mong salisi sa mga desisyong akala mo'y kamalian.
Yang utak mong nilamon na ng sarili mong galit.

Naalala mo pa ba?
Naalala mo pa ba yung mga sandaling umiiyak ka tapos sila ang agap sa mga luhang bumabagsak sa mga mata mo?
Naalala mo pa ba yung mga sandaling masaya ka pa kasi hindi mo pa nakikita ang totoong mundo?
Naalala mo pa yung mga sandaling sila ang gabay mo sa bawat pag tapak mo,

Sa bawat desisyon mo!
Sa bawat pag hihirap mo!
Sa bawat kamalian mo na sila ang tumatama?

Nakakatuwa nga naman na kalimutan na mo sila
Dahil sa paglimot mo, nahuhulog na sila.
Dahil sa pagsalungat mo, nawawala narin sila.
Dahil sa mga pang gagagong ginagawa mo, naisip mo rin ba na ilang beses na silang nagago dahil sayo?

Nagagago sila kung paano ka papalakihin.
Nagagago sila kung paano ka makakasama kahit may mga tarbaho sila.
Nagagago sila kung paano makakapagbigay ng oras para lang makasama ka.

Isipin mo nga, tama bayang pinag gagawa mo?
Naalala mo pa ba kung sino sila?
Yung silang kinalimutan mo na.
Yung silang pag sunod lang hirap na hirap ka na.
Yung silang parang tropa mo lang kung sumagot ka
Yung silang akala mo puro dakdak lang kaya hindi mo mabigyan ng pansin.

Oo! Mahirap sila intindihin!
Mahirap sila unawain!
Mahirap silang pakisamahan
Mahirap silang pagsabihan.
Pero naintindihan mo ba sila nung inuunawa ka nila?
Nung iniintindi ka nila?
Nung pinakikisamahan ka nila?
Nung pinagsasabihan karin nila?

Hindi diba?
Pero salamat narin at naranasan mo yan.
Naranasan mong mapag isa
Naranasan mong lumayo ka sakanila.
Naranasan mong walang tulong 'ni katiting mula sakanila.
Tandaan mo.
Kahit layuan mo sila
Kahit ayawan mo sila
Kahit lumayas ka pa sa poder nila.
Lumalatay parin yang dugo nila sa katawan mo.

Sila..
Sila lang naman ang magulang na nag mahal sayo, saakin ng ganito.

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon