16

658 23 0
                                    

Ugh. Sabaw na sabaw to pramis HAHAHAHA

"Walang Katotohanan"

Alam mo ba yung salitang umasa?
Kung sakaling alam mo sana:
Sa unang pag kakataon, sana ako nalang ang Ulan mo
Para sa bawat patak ng luha mo
Ay siya ring pagpatak ko mula sa'yo.
Dahil handa akong damayan ka
At handa rin akong masaktan dahil mahal kita.

Sa pangalawa salitang letra sana ako nalang ang M mo,
Yung Mamahalin ka hanggang dulo,
Na ikaw lang at wala ng iba,
Handang tanggapin kahit ano ka pa,
Ano man 'yang ugali mo, pananaw mo, kinagawian mo...
Handa akong buksan ang puso ko para mahalin ka ng buong-buo.

Sa pangatlong yugto ng ating pag sasama sana umabot naman tayo sa Agham.
Yung agham na pinag aaralan ng lahat,
Yung masasabi ng iba "uy may chemistry silang dalawa!"
At kahit man malabo yung salitang atin, nandon parin ang salitang "Sayo parin"
Dahil kung ako tatanungin mo,
Sayong- sayo parin ang puso ko dahil loyal toh!

Sana sa pang apat na 'to ay mabanggit na natin ang salitang Salamat
Salamat na minahal kita,
Salamat dahil nandito ka,
Salamat dahil kahit ganito ako nandiyan ka parin para suportahan ako.

Ngunit..
Ganito ba talagang kasaklap ang buhay ko?
Simpleng kahilingan ko,
Simpleng kagustuhan ko,
Walang wala na ako?

Ako nga pala yung sinayang mo
Ako lang pala yung nag tiyaga ng ganito sayo.
Ako lang pala ang nag mahal sa atin ng ganito.
Ako nga pala yung kaibigan mong umaasa na pwedeng maging tayo.
Ako yung nangangarap na maging bukas ka sa akin.
Ako na nangangarap na maging tayo narin.
Ako na walang bukambibig kundi pangalan mo.
'Ni kilos mo ay nasolo ko na dahil sa pag mamahal ko sayo.

Dahil habang buhay akong Aasa sayo.

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon