17

623 21 3
                                    

This is the first that I wrote a guy's pov. Enjoy!

"Kathang Isip"

Ito...
Ito ang ating kwento,
Kung saan parehas tayong nasaktan.
Kung saan parehas tayong nag kulang.
Kung saan parehas tayong nawala.
At kung saan nakuha natin ang maling tadhana.

Pero sapat na ba 'to
para sa atin?
Sapat na ba na parehas tayong nahihirapan?
Sapat na ba na okay ka at ako?
Nasasaktan parin?

Hindi.
Hindi purket lalaki ako ay okay na ko.
Hindi purket lalaki ako ay nakakamove-on na kaagad ako.
Hindi purket lalaki ako ay mapapalitan kana agad sa puso ko.

Ang hirap.
Kasi nandito yung sakit, nung hindi mo ko pinapansin.
Nandito yung ala-ala, kung saan nag sigawan tayong dalawa.
Nandito yung hapdi, kung saan naghiwalay na tayo sa isa't isa.
Nandito yung iyak na lumalabas sa mga mata ko, nung wala na talaga.

Ano bang tingin mo sa akin?
Ano ba ako sayo nung naging tayo?
Bayaran lang?
Ginusto lang?
Sa itsura lang?
Gaguhan lang?
O baka naman,
Laruan lang?

Nakakatawa naman.
Nakikita ko ang sarili ko,
Umiiyak at
patuloy na nakatingin sa imahe mo.

Ah.. pasensiya na nga pala.
Pasensiya na dahil ako ang nauna.
Pasensiya na dahil nagustuhan kita.
Pasensiya na dahil minahal kita.
Pasensiya na dahil kahit anong gawin ko ay ikaw parin.

Oo nga, pasensiya na dahil ikaw parin talaga.
Pasensiya na dahil chinat kita.
Pasensiya na dahil naging masaya ako ng mag m.u. tayong dalawa.
Pasensiya na dahil
niyayaya pa kitang gumala.
Pasensiya na dahil kahit nung mga oras
na ikaw ang may kasalanan
ay sinusuyo parin kita.

Patapos na...
Ah, tapos na pala
talaga.
Tapos na yung
meron tayong dalawa.
Masaya ka na ba?
Kasi mag papaalam na ako,
Nandito parin sa puso't utak ko ang saya na nadarama ko nung mag kasama pa tayo.
Pero mali nga lahat ng ito kasi pinagtagpo lamang tayo.
Tanggap ko naman.
Tanggap ko naman na pinag tagpo lang talaga tayo
Dahil alam kong may nakatadhana na talaga para sa'yo.

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon