11

1K 35 2
                                    

"Papalayain Na Kita"

Ilang buwan tayong nagkasama
'Ni minsan inalala mo pa ba?
Dahil umpisa palang may iba ka na pala
Hindi ako kundi ang taong mahal mo..

Lumalabas sa bibig ko na hindi ko pa kaya
Hindi ko pa kaya, kasi mahal pa kita
Mahal pa kita
Kahit sinasaktan moko ng ganito
Kahit pinapalalaya mo ko ng ganito
Bakit?

Pinalaya mo ko na parang wala lang sayo
Yang mga titig mo ang tumuturok sa dibdib ko
Masasakit na salita
Ang binitawan para lang palayain na kita sa pag kakasakal ko

Pero mahirap diba?
Mahirap kasi minahal na Kita
Pero ang mas masakit
Alam ko ng mas minamahal mo na siya kahit magpapakatanga na ko saiyo

Sa tingin ko tama na..
Tama na ang kakahiga sa kama at sabay tutulo ang mga luha.
Tama na ang pag ngiti kahit alam kong masakit na talaga
Tama na!
Tama na, na pinakamukha mo na hindi ako ang minamahal mo kundi ang babaeng kasama mo ngayon

Halos lahat nanlang ng unan mo sa kama
Ay basa na dahil sa mga luha nanggaling saaking mga mata
Halos araw araw ang mga mata ko'y lumuluha
Dahil lang sakanya

Sakanya na sinakstan ako
Sakanya na nabubulag ako
Sakanya na nagagko ako
Sakanya na hindi ako.

Siguro oras na para palayain ka
Para hindi na ko luluha pa.
Luluha habang nakayakap saaking mga paa
Naghihintay na siya'y lumapit at patahanin pa.

Siguro pagod kana
Pagod sa pagmamahal ko ng sobra
Siguro nalunod ka na
Nalulunod ka na dahil ilbis iba ang kasama mo nasa tabi parin kita.

Siguro nga tama na
Wag kang mag alala
Mamahalin  parin kita
Pero sa malayo na
Na alam ko na ako nalang ang nakatanaw sayo
Habang ikaw masaya sa iba
Kasi ngayon papalayain na kita

Sorry I already revise your swp. I know na offend ka sa mga sinabi ko. To tell you the truth maganda talaga ang ginawa mo pero parang ginawa mong 3rd persons pov eh kaya pinarerevise ko sayo. I hope ma gustuhan mo kahit maraming nag bago. Alam ko hindi worth it you sorry ko para sayo pero feel free sa pag comment kung gusto mong tangalin ko itong nirevise ko.

samanthakylesflores

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon