10

1K 34 6
                                    

Mahal?
Mahal, minahal mo ba talaga ako?
Naalala mo pa ba ako?
Naalala mo pa ba yung dating tayo?
Naalala mo pa ba yung panahong okay pa tayo?

Hindi. Alam kong hindi mo na naaalala yoon!
Yoong parang bula nalang ako sayo kung daan daanan mo!
Yoong nakikipag tawanan ka sa mga katropa mo!
Yoong nakita kita..
Yoong parang hindi naging tayo?

Ang sakit mahal!
Ang sakit sakit!
Alam mo ba kung paano maging tanga?
Kung paano ako mag isip para lumapit ka?
Kung paano ako umiyak, noong panahon nawawala kana?
Kung paano ako matulala dahil nasa isip kita?

Wala eh
Kasi wala na ko sa buhay mo..
Kasi wala na yung dating tayo
Kasi wala na lahat na paghihirap ko
Kasi naging mataas ako kaya naging ganito

Kasalanan ko ba talaga lahat?
Kasalanan ko ba talaga kung bakit lumayo ka sakin
Kasalanan ko ba talaga kung bakit hindi mo kaya sabihin sakin yung sagot sa bakit?'

Bakit mo ba ko ginanito?
Bakit mo ba ko pinapaiyak ng ganito?
Bakit mo ba ko pinapaisip ng ganito?
Bakit mo ba ko sinaktan ng ganito?!

Puta naman oh!

Ang sakit talaga!
Ang sakit sakit na talaga.
Yung mapapaluha nalang ako
Yung masasaktan nalang ako ng ganito
Yung maiiwan nalang ako ng ganito

Oo simple lang tong sulat ko pero nakikita mo ba yung pag hihirap ko?

Napapaisip na nga lang ako kung bakit pa kita nakilala?
Napapaisip nalang ako kung bakit bumigay ako sa isang sagot na 'oo'

Napapaisip nalang ako kung bakit nag iiyak ako ng ganito pero limang buwan palang naman tayo

Masyado nabang matagal?
Masyado ba tayong mabilis?
Masyado ba tayong bata para rito?
Masyado ba akong naging atat kaya ganito ang naging resulta ng luhang lumalatak?

Tigil na.

Nakakairita lang sabihin
Na mahal kita.
Na dahil sa pag mamahal ko sayo, may ganito ako.
Kasi kahit ganito.
Alam kong may tayo

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon