8

1K 31 0
                                    

"Kasinungalingan"

Traydor?
Ano bang meron sa salitang traydor?
Manloloko?
Mang gagamit?
Mapag laro?
Mapang asar?

Genyan ang buhay.
Ang buhay na akala mo sayo lang.
Ang buhay na akala mo ikaw lang ang may kailangan.
Ang buhay na akala mo nasa iyo na lahat ng pagbabago.
Kinanya mo na lahat
Kinanya mo na lahat ng meron sa buhay ng tao.
Kinanya mo na lahat ng pasakit na akala mo ay binuo lang para sayo.

Alam mo ba sa simpleng away bata ay isang problema?
Yung mag iisip ka pa kung paano kayo mag kakabati?
Yung mag iisip ka pa para makuha ang loob ng kahati?
Yung gagawin mo lahat para mabalik yung dating nahati?

Oo, mahirap.
Pero once na natutunan mo na magiging madali na ang lahat
Once na natutunan mo na ang timpla wala ng hahalo pa
Once na natutunan mo na ang dapat gawin wala ng hahadlang pa.

Maraming problema sa mundo.
At sa dami ng problema nasa puso mo rin ang sagot
Sa palad mo,
Sa palad mo iikot ang mundo
Sa palad mo malalaman kung anong buhay ang lalahad sayo.
Sa palad mo nakasalalay ang buhay mo

Ikaw!
Oo ikaw!
Ikaw na laging nandiyan saakin.
Ikaw na laging karamay saakin
Ikaw na laging sagot sa saakin.
Ikaw na pinagkatiwalaan ko pero sa isang maling ginawa ko, tinalikuran mo narin ako

Pasensiya na dahil sa niloko kita
Pasensiya na dahil sa tinalikuran kita
Pasensiya na dahil pinaasa kita
Pasensiya na dahil saakin nawala kita.

Ako naman lagi may kasalanan!
Ako nalang lagi!
Ako yung nang aaway sayo.
Ako yung maarteng ganito.
Ako yung laging may reklamo
Pero ako yung babaeng minahal mo.

Salamat ha.
Salamat sa pag iwan sakin ng ganito.
Salamat dahil sa bagong buhay na ginawa mo.
Salamat hindi dahil minahal mo ko.
Salamat dahil sayo nawala ako.

Nawala yung dating ugali ko.
Nawala yung larangang binuo ko.
Nawala yung tiwala sakin ng pamilya ko.
Higit sa lahat nawala lahat ang saya na nararamdaman ko.

Masakit masaktan
Oo alam ko yon.
Mahirap mag patawad
Oo alam ko yon!
Pero mas mahirap tanggapin yung sa maling akala mo!
Sa maling pag iisip mo!
Nabulag ka sa akala mong sa maling ginawa ko...

Trinaydor mo ko.
Masakit. Mahirap. Nakakawasak ng puso..

Na makita ka at ang kaibigan ko sa iisang kwarto.
Sa kwartong kayo lang dalawa.
Sa kwartong masaya kayo at alam mong nasasaktan ako.

Genyan pala ang buhay mo ano?
Kapag pala nasaktan iba naman ang papasukin mo..

Yung mapapasinghap nalang ako sa inis,
Sa galit,
Sa lungkot,
Sa sakit..
Kase kahit anong pilit kong lumuha!
Wala 'ni isa ang bumabagsak.

Kaya ito ako..
Nakaratay sa pasakit na binigay mo
Naratay yung hapdi at hinagpis na ipangkalulo mo.
Nakaratay sa mukha ko ang pag tratraydor mo.

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon