3

1.8K 63 11
                                    

"Kaibigan"

Kaibigan?
Kamusta ka na?
Kamusta naman yung mga araw na ikaw at ako ay iisa?
Kamusta naman yung mga araw na lagi tayong mag kasama?
Kamusta naman yung mga araw na puro sigawan at katyawan ang saya ng ipinadarama tuwing tayo'y mag kasama?
Masaya diba?
Masaya na maiwan ngayon at nag iisa.
Masaya na iniwan mo ko at sumama ka sa iba.
Masaya na hindi ako ang kasama mo kundi ibang kaibigan na ngayon ay mahal mo na.
Nakakaiyak lang,
Nakakaiyak na minahal kita na parang tunay na kapatid.
Nakakaiyak na mas pinili mo sila kesa sa akin.
Nakakaiyak na masaya ka na iba samantalang ako! Ako ay nag iisa sa ilalim nang punong pinag-ukitan ng ating mga ala-ala.
Mga Ala-alang tayo lang ang nakakaalam at walang ibang makakahantong sa ating relasyon! Kaibigan!
Mga ala-alang tayo'y kumakanta sa harap nang maraming tao.
Ala-alang tayo'y nag tatakbuhan sa ilalim ng ulan at saksi ang langit sa ating kasiyahan.
Ala-alang tayo'y masayang nag tatawanan sa kwartong puno ng imbento..
Mga imbentong tayo lang ang nakakaalam at wala ng iba pang hahadlang
Ala-alang ako'y umiiyak at ikaw ang agap sa aking mga luha
Pero.. Kaibigan? Anong ginawa mo?
Bakit mo ko iniwan ng ganito?
Bakit mo ko binalewala na parang basura na tinapon mo lamang?
Bakit mo ko pinasaya noon kung ganito mo lamang ako iiwan?
Bakit mo ginawa saakin ang pinaka masakit na bagay na ngayon ko lang naramdaman?
Pero, dahil sa nagawa mo ikaw parin ang kaibigan ko.
Okay lang dahil masaya narin ako.
Okay lang dahil iniwasan mo ko ng ganoon.
Okay lang kahit pinag uusapan mo ko kasama ng mga bagong kaibigan mo.
Okay lang dahil kaibigan kita at kahit kelan ayokong magalit at magtanim ng hinanakit dahil sa ginawa mong pasakit saakin.
Ngayon naisip ko na.
Hindi lahat ng oras nandiyan ka.
Hindi lahat ng oras lagi akong masaya dahil kasama ka.
Hindi lahat ng oras ay iiyak ako dahil sa walang kwentang katulad nito.
At Hindi lahat ng oras lagi kang nasa tabi ko.
Dahil ngayon, masaya na ko sa meron ako..
Dahil sa mga munting luha ko
Malaya na ko.
Malaya na ko sa kahibangan kong to
At sa ating muling pag kikita
Ipapakilala ko sayo ang kaibigang iniwan mo noon, kaibigan..

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon