"My Ideal Love Story"
Ano?
Ano na naman itong ginagawa ko?
Ginagawa kong pag silay sayo.
Ginagawa kong pasimpleng lapit sayo.
Ginagawa kong pag -asa sayo.Ah.. mali nga pala ito.
Mali nga pala itong pinapangarap ko.
Mali nga pala itong hinahanap- hanap ko sa'yo.
Mali nga pala itong kagustuhan kong mapalapit sayo..Dahil sa una palang
Alam ko ng hanggang kathang isip lamang ito.Pasensiya ka na,
Pasensiya ka na dahil minahal kita.
Pasensiya ka na dahil namahal kita ng hindi mo nalalaman.
Pasensiya ka na sa pagiging weirdo ko sayo.
Pasensiya ka na dahil sa pag lapit ko sayo.
Pasensiya ka na sa munting effort na naiibigay ko sayo
Pasensiya ka na dahil umibig ako sa isang kwentong walang pag- asang mabuo, para lang sayo.Sa bawat umagang umaapak ang palagi kong tanong
"Kailan kaya ako aamin sayo?"
Kaso.. ang sakit pala no?
Ang sakit palang makita na may kasama ka na.
Ang sakit palang makita na may kasabay ka na.
Ang sakit palang makita na may nangungulit sayo.
Ang sakit palang makita na may umaalalay sayo.
Sobrang sakit sa puso dahil alam kong naunahan na 'ko sayo.Gusto ko ng makalimot.
Gusto ko ng humiling na mawala nalang ang lahat.
Gusto ko ng mag pakamatay pero natatakot ako,
Natatakot ako katulad ng takot kong umamin sayo.
Gusto ko ng makalimot.
O mas gusto ko na lang na hindi kita nakilala pa.Minahal nga pala kita.
Pero paano ko ba ipapaliwanag ang pagmamahal ko sayo?
Paano ba ko sasaya sayo?
Paano ba ko mag kakaroon ng isang katulad mo?
Yung katulad mo na mamamahalin din ako.---
"A-aray!" Bumagsak lahat ng libro niya at maraming studiyante na pinagtatawanan siya. Stupid? Maybe. Nabangga siya ng mga babaeng sikat sa paaralan namin at sa malamang wala na siyamg magagawa doon. 'Ni wala ring tumutulong sa kaniya para kunin ang limang libro. Tsk. 'Yan ang hirap kapag mahirap ka lang. Papahirapan ka lang.
"Nakakainis naman! Akala mo naman sila lang humihinga sa mundo! Mga letche" napangiti ako ng wala sa oras nang mag- salita siyang mag-isa. Naglalakad narin siya papuntang library para isauli ang librong inutos sa kaniya "Bakit ba ang malas ng araw mo ngayon Mira? Na. Pa. Ka. Mong bata------ay putcha!" Nagtama ang mga mata namin kaya malamig akong napatingin sa kaniya. Kelan ba 'to malalayo sa kamalasan? "U-umh"
Gusto ko siya
Gusto ko siyang tulungan pero baka mahawa lang ako sa kamalasang dala niya. "Nakakahiya ka Mira" rinig ko ang pag aayos niya ng libro bago ako makapasok ng library. Kumuha ako ng libro sa historical shelf saka naupo at inilagay ang libro sa mukha ko.
Mamaya nandito na 'tong babaeng to para mailagay ang libro "Nakakahiya ka Mira. Sobrang nakakahiya ka talaga! Pati ba naman kay Scott pinakita mo yung kamalasan mo? Ikaw na talaga Mira. Ang reyna ng kamalasan----ay palaka!" Ano na naman kayang nangyari sa babaeng 'to?
"Bakit dito natutulog 'to? Tsk. Tsk. Baka magkasakit lang to dito eh" huwag kang ngumiti tangina. Kinikilig ka lang! "Talaga naman Mira. Pati ba naman si Scott pinag nanasaan mo pa" putcha nag iinit yung pisngi ko! Naramdaman ko ang lamig sa mukha ko shit. Tinanggal niya yung libro. "Nakakahinga ka pa pala. Hiramin ko muna 'to ah? May research ako eh sleep well Scott" napaawang ang labi ko.
Sleep well Scott
Sleep well Scott
Sleep well Scott
"MR. PIERRE SCOTT! GET OUT!" Napabalikwas ako sa pag kakahiga sabay napatingin sa librarian namin. "Go to discipline office!" Tumayo na ako saka ngumiti kay Ms. Giah
"Pasensiya na Ma'am ah! Hahaha!" Napakamot nalang ako sa batok dahil marami narin nag titinginan sa akin.. kasama narin siya. Medyo nakakahiya ka don Pierre. Lumabas ako ng librarian at magulo pa ang buhok ko
"Uy si Scott oh!"
"DIBA CRUSH MO YON LARA!"
"Lara! Lara!"
"Kuya kuya! Hi daw sabi ni Lara!"
Tinaas ko lang ang kanang kamay ko at hindi na nag abalang lumingon pa. Sikat naman talaga ako dito. Mayaman, matalino at mabait na Pierre Scott. Ideal daw huh? Ang kaso may gusto ako pero hindi ko makuha.
Sabihin na nating torpe ako at ilag sa mga babae. Saka naniniwala ako sa love story kahit lalaki ako. Wala namang mawawala kung maniniwala 'diba?
Ito nga pala ang ideal love story ko.