5

1.4K 44 5
                                    

"Kaibigan nga ba?"

Naranasan nyo na bang magkaroon ng isang matalik na kaibigan?
Yung kaibigan na laging nandyan para sayo
Kaibigan na laging sumusuporta sayo
Kaibigan na gagawin ang lahat para sayo
Kaibigan na minamahal ka nang totoo, higit pa sa pagmamahal ng jowa mo
Kaibigan na sasabak sa gera para sayo
Kaibigan na sasamahan ka sa maliwanag man o madilim na parte ng mundo
Kaibigan na sasabihing "tanga, andito lang ako para sayo"
Kaibigan na iniintindi ka 'pag red days mo
Kaibigan na kakain kasama mo
Kaibigan na mas malala pa magalit kaysa sa mama mo
Kaibigan na hindi ka papabayaan kahit pa man anong mangyari sa inyo
At higit sa lahat, nagkaroon ka na ba ng kaibigang ituturing ka bilang kapatid, kadugo, at kahati na nya ng puso?

Ganyan...
Ganyang kaibigan ang kaylangan ko...
Sa totoo lang, nagkaroon na ako ng ganyang kaibigan
Pero kaibigan nga ba?

Kung oo...
Bakit sinaktan nya ako?
Bakit iniwan nya ako?
Bakit pinagpalit nya ako?
Bakit pinabayaan nya lang ako?
Bakit kinalimutan nya agad ako?
Bakit kung kelan kaylangan ko sya, saka pa sya nawala sa piling ko?
Bakit kung kelan inaasahan ko ang presensya nya, saka sya naging bula
Bula na basta-basta nalang naglaho
Naglaho nang wala man lang pasabi
Naglaho nang wala man lang paalam
Naglaho nang hindi man lang inalala na may isang taong nagaantay para sa kanya
Nang hindi man lang naalala na may isang ako na nagmamahal sa kanya
Na may isang ako na umaasang andito parin sana sya
Na umaasang sana'y bumalik sya

Napapaisip na lang rin ako
Kung naaalala nya pa kaya ako?
Naaalala nya pa kayang balikan ako?
Naaalala nya pa kayang iniwan nya lang ako?
Naaalala nya pa kaya ang mga memorya namin?
Memorya mula pagkabata hanggang sa ngayong iniwan na nya ako
Memorya tulad ng minsan na kaming nagtampisaw sa putikan habang nasa ilalim ng ulan at hindi inaalala kahit pa man madaming nakakakita at kahit pa alam naming pareho kaming papagalitan...
Mga memoryang hanggang kahapon nalang pala
Mga memoryang kaylangan ko na palang kalimutan
Mga memoryang kaylangan ko na palang ibaon at itapon sa nakaraan katulad ng pagtapon nya sakin na para lamang akong basurang mistulang nakaharang.
Nakaharang sa kanyang daan patungo sa mga bago nyang kaibigan.

Masakit!
Masakit maiwan
Masakit na ika'y kinalimutan
Masakit dahil alam mong sa mundong ito,
kahit pitong bilyong tao pa ang narito,
Alam at randam mong mag-isa ka nalang sa buhay mo.

Kaibigan? Kaibigan nga ba?

This poetry is not mine ♥

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon