12

767 28 0
                                    

"First Love"

'kay bilis nga naman ng panahon
At alam kong wala ka na sa buhay ko
Bawat patak ng luha ko
Ramdam ko ang sakit at kirot simula ng mawalay tayo..

Hindi ko malaman kung bakit ba tumungtong sa estadong ito
At hanggang ngayon nasasaktan parin ako sa katangahang ginawa ko.

Oo, kasalanan ko.
Oo, ako yung problema.
Oo, nasaktan kita.
Oo, kasi dahil saakin nawala ka sa mundong ito.

Mahirap ngumiti, kaharap ang lapida mo.
Ang hirap kalimutan ng mga ala-alang iniwan mo.
Ang hirap mag bago lalo na't ikaw ang nasa isip ko.
Hirap na hirap na ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Pero sabi nga nila,
Bumangon ako para sa sarili ko
Bumangon ako para sa pamilya ko
Bumangon ako para sa bagong yugto ng buhay ko
Bumangon ako para makita ko kung ano ang mangyayari dahil wala ka na sa buhay ko.

Ang hirap mag panggap,
Alam mo bayon?
Napaka hirap!

Nasasakal na ko sa bawat salita nila.
Nasasakal na ko sa bawat pag babato nilam
Nasasakal na ko dahil hindi man lang nila ako masisi na ako ang may dahilan ng pagkawala mo.

Parang tinutusok ng bilyong bilyong kutsilyo ang puso ko.
Para akong pinagbagsakan ng maiitim na sandata sa ilalim ng maskara ko.
Para akong nabubuhay sa mga peke ng nasa paligid ko.

Wala akong hinangad kundi ang kapatawaran mo
Wala akong hinangad kundi ang kapayapaan mo.
Wala akong hinangad kundi ang pakawalan mo ko.

Ikaw ang first love ko.
Ikaw lang ang unang unang nag patibok sa puso ko.
Ikaw ang mananatili sa puso ko hanggang sa mamatay ako.
Humihingi ako ng tawad.
At nag papasalamat narin ako.

Mahal, pwede bang mapalitan ang posisyon mo sa kaibigan?
Maraming salamat sa lahat.
At nag papaalam narin ako.
Dahil mula sa araw na to,
Ito na ang huling araw na papatak ang luha ko sa lapida mo.
Mahal na mahal kita first love ko..

"Mommy hindi ka pa po ba tapos diyan?" Pinunasan ko ang luhang tumulo saaking mata. "Sino po siya Mommy?" Ngumiti ako sa aking anak saka siya pinantayan.. "Mommy nag hihintay na si Daddy oh!"

"Anak, siya ang Tito mo.. siya ang dahilan kung bakit ka nabubuhay sa mundong ito" tumulo muli ang aking luha at saka siya niyakap ng mahigpit.

Maraming salamat first love ko.

---
Don't steal anything from my works.
Plagiarism is a Crime

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon