6

1.3K 46 0
                                    

Minsan, may nakakasalubong akong mga mag kasintahan. Inggit ang panimula sa puso kong umiibig.

Simulan natin sa 'hi crush'.

Hi crush!
Syempre hanggang isip ko lang yan.
Alam mo yung?
Napapaisip ako kung pwedeng bang maging tayo?
Yung napapaisip ako pag naging tayo masaya kaya ang bunga nito?
Syempre..
Hanggang isip nga lang yan.
Alam mo yung hanggang tingin nalang ako sayo?
Yung hanggang sulyap nalang ako sayo?
Yung hanggang likod mo lang ako sayo?
At sinusundan ka kahit saan ka mag punta?

Mula sa umaga ikaw ang iisipin ko.
Naliligo agad kahit ang lamig ng tubig sa madaling araw!
Yung susubo akong ng kanin pero nakalimutan kong mainit pala kasi bagong saing!
Alam mo yung napupuyat ako dahil sayo.
Oo, dahil sayo!
Para lang ma stalk kita dahil sa girlfriend mong bago.

Genyan pala ang feeling pag nag kaka- crush ano?

Pag pasok sa room bungad ang katyawan.
Makita lang kitang dumaan utak ko'y nawalan,

Yung tatawagin ka ng mga tropa ko sa pangalan ko?
Ang bilis ng kabog ng puso ko.

Natutulala nalang ako sa kawalan pag naiisip kita

Hayy crush..
Bakit ang hirap mong abutin?
Bakit ang hirap mong kausapin?
Bakit ang hirap makipag kaibigan sayo kahit ang hiling ko ay maging tayo.

Na tayo ay mag tatawanan.
Na tayo ay mag haharutan.
Na tayo yung tayo.

Pero... Wala ngang tayo.
Dahil may mahal ka ng iba.
May babae na diyan sa puso mo at pinapasaya ka
May mahal ka nang mag mamahal sayo hanggang sa dulo ng buhay mo.
Yung alam mong siya na talaga at wala ng iba.

Naiisip ko nalang
Wala yung tawanan!
Wala yung harutan!
Wala yung tayong pinapangarap ko.

Sino ba ko para makilala?
Sino ba ko para makita mo ko?
Sino ba ko para mapansin ng isang katulad mo?
Katulad mong sikat at malayo ang tingin
Iba ang pananaw sa taong nakatingin.

Sana mapansin mo ang isang katulad ko,
Nag kagusto dahil sa pagkatao mo.
Nag ka gusto dahil sa kabutihan mo.
Nakilala ka dahil sa kasikatan mo.

Naalala mo pa ba nung nag kabanggaan tayo?
Parang tumigil ang mundo ko ng makita ko ang mukha mo.
Yung akala kong dadaanan mo lang ako pero nag abala kapang ayusin ang librong dala dala ko.
Isang hingi ng tawad ay kinilig na ako.

Lahat ng ito ay bago saakin.
Na akala ko dati hindi ako lalandi.
Pero ngayon, matatawag ko ng malandi ang sarili kong akin.
Dahil sayo crush, naging ganito ako.
Dahil sayo nag bago ang ugali ko.
Dahil sayo sumikat ako.
Dahil sayo naglakad na ko sa sarili kong mga paa.
Dahil sayo nag iba ang takbo ng buhay ko.
Dahil sayo nag iba ang pananaw ko.

Kasi ang tanging hiling ko lamang ay mapansin ako ng isang tulad mo.
Makita mo kung sino ako.
Makita mo kung sino yung dating binangga mo na nagkagusto sayo.

Hindi ko alam kung minahal na kita crush.. Kasi dahil sayo kumulay ang mundo ko

Crush tandaan mo to,
Balang araw makikilala mo rin ang isang katulad ko.

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon