14

847 24 2
                                    

"Paalam"

Masasayang alaala na ginawa nating dalawa
Sanhi kaya ako ay umaasa pa.
Na kahit alam kong walang mangyayari sa buhay kong ito,
Kung puro asa at sana lang ako sayo

Kapit

Ang salitang lagi kong ginagawa.
Kapag nakikita ko sa aking mga mata na may mahal ka ng iba,
May na pupusuan ka na.

Kung tatanungin mo ako kung masakit na?
Oo masakit na, sobra
Kaya kahit kailan nasa akin ang desisyon
Kung kakapit pa ako o mag papaalam na

Paalam na sa mga sakit na ibinigay mo sa aking puso
Na sanhi ng pag agos ng aking luha kapag matutulog na ako
Kahit minsan napapaisipa ko kung kaya ko pa
O talaga bang maghahanap na ako ng iba
Pero lumalabas parin sa bibig ko
Ang salita "hindi ko pa kaya"
Dahil ikaw,
ikaw parin ang laman ng puso't utak ko

Paalam na sa mga kasiyan nating dalawa
Sa mga masasayang alaala..
Sa mga tawa natin
Sa mga sakit na naidudulot sakin.
Paalam sa mga luha,
Sa mga luhang laging tumutulo kapag may kasama kang iba,
Kapag nakikita kitang masaya sakaniya,
Kapag nakikita ko na ayos kalang at walang problema

Paalam sa pag-asang kinakapitan ko pa
Sa pag-asang mamahalin mo ulit ako
Sa pag-asang ako parin ang laman ng iyong puso
Sa pag-asang ako parin ang nagpapasaya sayo
Paalam sa pag-asang magiging tayo hanggang dulo

At ngayon..
Paalam na sa pag asang kinakapitan ko pa,
Dahil durog na talaga.
Durog na ang pusong iniwan mo na.

---
This poetry is not mine. samanthakylesflores
I do some edits. Pasensiya na

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon