4

1.4K 48 7
                                    

"Tagapag sulat"

Hi.
Kamusta?
Kilala niyo pa ba kung sino ako?
Ang author na akala mo talaga kung sinong magaling
Oo, ako yon.
Pero.. bakit ba ko nasa mundong ito?
Bakit ba ko nag susulat para sa maraming tao?
Bakit ba ko nanlalako kung ang sarili ko naman ang niloloko ko?
Sino ba ko?
Sino ba ako na gumagawa ng mga kwento.
Kwentong kinatutuwaan niyo.
Kwentong tinangkilik ng maraming tao.
Kwentong na iimbento dahil sa daloy ng istoryang isinulat ko.
Tanong ko lang sainyo.
Ano ba meron sa utak ko at ganito naging daloy ng buhay ko.
Oo! Nalilito ako.
Nalilito ako sa bawat ngiti niyo!
Nalilito ako sa bawat komento niyo!
Nalilito ako sa bawat boto na ibinibigay niyo.
Hindi ko alam, pero.. ang lahat ng ginagawa niyo ay isang istoryang bumubuo sa utak ko.
Lahat ng katulad ko ay iisa ang iniisip.
Nangarap din ako na maging sikat at maging mabuting ehemplo sa lahat.
Pero..
Anong nagawa ko?
Bakit gento ang ginawa ko?!
Bakit nasira lahat ng ginawa ko?!
Bakit nawala lahat pinaghirapan kong binuo?!
Dahil ba pangit ako?
Dahil ba sa pisikal na anyo ko?
Dahil ba sa utak kong kabobohan lang ang alam!?
Putangina lang mga pare!
Tao lang ako at nag kakamali!
Oo nakakagago na!
Naisip ko na tumigil na!
Titigil na ko.
Ititigil ko na ang kahibangang pinangarap ko!
Dahil dito sa kahibangan na to nasira lahat ng pangarap ko.
Sa huli..
Ngingiti parin pala ako.
Kukurba ang ngiti sa aking mga labi.
Hindi ko pagsisihan ang lahat.
Hindi ko isisisi sa iba.
Hindi ko iiwan ang lahat.
Hindi ko ipagpapalit  ang lahat na nabuo ko.
Dahil sainyo nag bago ako.
Dahil sainyo nag Iba ang daloy ng utak ko.
Dahil sainyo
Nabuo ang isang katulad ko.

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon