Siguro kung babasahin niyo to, literal na patula. Creative Output namin to sa KomPan kaso ayaw gamitin ng mga kagrupo ko. Pumayag naman silang i-edit ko gawa nila tapos biglang magsasabi na naiilang sila HAHAH lmao. Pero ayos lang, post ko lang dito.
---
"Kami Ngayon"
I.
Aking ipapahayag, kung ano ang online class
Pagtuturo sa mga kani-kaniyang tahanan at hindi sa paaralan,
Sapagkat kaligtasan ang pangunahing kailangan, upang makaiwas sa sakit na iniiwasan
Ito ang aming sitwasyon
Na dama ang matinding hamonII.
Unang araw ng pasukan ako'y tuwang tuwa
Aking iniisip, kung ano ang aming magagawa
Inaasahan ko na ako'y madadalian
Sapagkat tahanan ang mismong aming magiging paaralan
Ngunit ako'y nagulat na kabaligtaran ang nadatnan
At doon ko naisip ang aking magiging kapalaran.III.
Sa panahon ng pandemiya,
Pag-aaral gamit teknolohiya.
Kapansin-pansin ang paghihirap
Nang may kaya, maralita at angat sa madla
Sa katunuyan mga mag-aaral ngayon ay nakatatakot sa dami,
Sa modyul, ipapasa at gradong nakakadalamhati.IV.
Lungkot, kaba at pagkataranta,
Hindi mabilang mga sinabing, "Ako'y susuko na."
Sistemang para sa may kakayahan,
Kakayahang umintindi nang hindi nahihirapan!
At ganitong sitwasyon tayo'y magtulungan,
Sapagkat hindi lahat, ay may angking katalinuhan
Kahit ito kami ngayon, sa gitna ng pandemiya
Hindi mapipigilan ang aming kagustuhanV.
Sa aming sitwasyon, oras ang pinakamahalaga,
Maging responsable at mapagpahalaga.
Guro'y hindi basta lamang nagsasalita,
Kaya't magkaroon ng pang-unawa at isapuso ang kanilang bawat salita.VI.
Payong kaibigan, kapag ikaw ay napagod Huwag sumuko at sumunod sa agos.
Mag bigay oras sa iyong sarili upang hindi malimot ang iyong minimithi.
Panahon ng pangangailangan,
Ugaliing magtanong, sa iyong isipan ikaw ay makakaahon
Tayo’y mag sumikap upang matuto
Sapagkat sa pag-aaral, tayo'y lalago.VII.
Tama ngang ng dahil sa pag-aaral tayo'y aangat
Mga pinag-aralan ay palaging palatandaan,
Kakayahan, intelektuwal at mga kasanayan
Sapagkat ito ang mga susi upang makamit ang pangarap ng ating kinabukasan.---
Online class? Kaya niyo yan students! Kakayanin natin 💖 goodluck and godbless!