7

1.1K 35 1
                                    

"Panahon"

Nandito nanaman ako,
Nandito nanaman ako sa puntod nang pinagsunugan ko.
Pinagsunugan ko ng mga ala-ala.
Mga ala-ala nating nalumbay dahil sa sakit na iniwan mo.
Iniwan mo kong ganito e.
Iniwan mo kong may luha sa mata.
Iniwan mo kong nag- iisa at wala manlang sasalo sa luhang iniwan mo.

Masaya ka na ba?
Masaya ka na ba na iniwan mo kong ganito?
Masaya ka na ba, na iba ang kasama mo?

Kasi ako.
Tandang tanda ko pa yung panahong iniwan mo sa bagyong ibinigay mo saakin noon.
Yung sakit na iniwan mo na halos ikamatay ko.

Bumalik tayo sa simula.
Simulang nag tatawanan at nagsisigawan sa saya.
Simula na sinimulan natin na akala mo'y hangganan na.
Simula't sapul akala ko'y tayo na talaga, ayon pala may iba ka na pala.

Alalahanin natin muli.
Alalahanin natin muli kung kailan tayo unang nag kita.
Sa isang lugar na tayo lang ang nakakaintindi.
Nakakaintindi, dahil tayo ang nakadiskubre.

Oo, tayo ang nakadiskubre ng ating pag mamahalan.
Pero sa bawat oras nayon

Puros tibok ng puso ko ang tumitibok tibok.
Yung parang hinabol ako ng isang daang katao dahil sa kaba na dinadala ko.
Sa tuwing tatama ang ating mga mata sa isa't isa
Akala mo'y may mga pasabog ang lumilitaw sa paligid ko
Genyan pala pag nagmahal ang isang katulad mo.

Ka'y bilis nga naman ng panahon.
Hindi ko inaakalang tayo parin pala.
Yung tayo parin pala ang mag hihiwalay sa isa't isa.
Nasan na yung tayo na akala mo wala ng hahadlang 'ni pagsubok wala ng pakielam?
Nasan na yung tayong ipinangako mo na may ngiti sa buwan ang pinamalas?
Nasan na yung panahong tayo pa at nag babakasakaling lumutang nama'y bula?
Nasan na yung araw gabing ikaw ang kausap ko at dinadaan mo sa kanta ang pag tulog ko 'ni sa umaga ay may ngiti parin ako.

Ayan tayo..
Ayan nanaman tayo.
Sa bawat araw na pumapatak isang milya ang lumalagapak.
Sa bawat buwan na dumadaan isang memorya ang nawawala.

Panahon nga naman.
Ang bilis mong makalimot mahal,
Yung panahon na nag plaplano ka ng kasal natin,
Yung panahon na wala kang bukambibig kundi ako lang
Yung ako lang dahil sa mahal mo ko.
Yung iniharap mo ko sa magulang mo at sinabi mo na ako ang babaeng papakasalanan mo.
Yung matatamis na salita na pinapamalas mo.
Pero sa huli, ang mga panahon yon ay isang bulang iniwan mo

Wala na.
Wala na lahat ng pinag hirapan ko.
Wala na lahat ng pinag hirapan mo.
Wala na lahat ang memoryang pinagkaloob mo saakin noon.
Wala ka ng tinira 'ni isa noon.

May magagawa ba ko?
May magagawa ba ko na tumalikod ka sa harapan ko?
May magagawa ba ko kung pinili mo siya kesa sakin?
May magagawa ba ko pag sinabi kong Mahal kita at bumalik ka sakin? Pero ang lingon mo ay nasa likod parin?

Tama na mahal,
Sobra na ang sakit na ibinigay mo.
Wala na yung tamis na ibinigay mo.

Hindi ko lang matanggap na pinagpalit mo ko sa taong hindi ka deserve sayo.

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon