fanfic 23 part 5 (Kris fanfic)

78 2 0
                                    

*Kris fanfic* Part 5

@SCHOOL…

“Jessy !!!” May kung sinong tumawag sakin at bigla na lang hinila ang kamay ko. Hindi ko makilala kung sino ito. Babae siya pero maikli ang buhok. Wala akong kilala na maikli ang buhok. Sino itong babaeng ito ?

Dinala niya ko sa may isang abandoned room ng school namin. Ano ? Kidnapping na ba ito ?

“T-Teka nga…” Nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya.

“Jessy…Im sorry…”

“Sino ka ba ha ? at nagawa mo pa kong hilain papunta dito ! Kilala ba kita haaa ?”

Yumuko yung babae at hinawakan ulit yung kamay ko. “Jessy, si Jen to. Yung naging bestfriend mo. Yung lagi mong kakampi. Yung iniwan ka sa harap ng maraming tao. Yung pinahiya ka sa harap ni Kris. Ako ito..” Nakikita kong unti-unti ng pumapatak ang mga luha niya.

“So, anong kailangan mo sakin ?” Mataray kong tanong.

“Im just here…c-cause, I’m saving our friendship…”

Aminado ako, na miss ko rin kasi ang babaeng ito na ubod ng ingay at mahal ang social life. Opposite kami nito pero nagkakasundo kami sa ibang bagay. Nakakalungkot lang kasi isipin na dahil sa isang lalake ay nagkaganito na kami. Masakit kaya na maiwan k ang matagal mo ng bestfriend at doon pa sa pinaka embarrassing moment ko di ba ?

“Jen…” Hindi ko na siya natiis. Niyakap ko na siya at paulit-ulit na bumubulong ng “Im sorry…”

Oh di ba ? Ang drama lang ng buhay noh ? Hays, ganyan talaga kapag mahal mo ang bestfriend mo…

***

Nandito kami ngayon sa cafeteria. Parang wala naming nangyari samin. Basta ang alam ko, masaya ako at nakasama ko siya ulit ^__^

“Jessy, may sasabihin kasi ako sayo…”

“Naku haaa ? Marami kang kwento sakin at ganun rin ako. Sige na ikuweto mo na…”

“Si Luhan…He’s dating me ^__^”

Pareho kaming napatili ng di oras sa sinabi nito. Akalain mo nga naming magseseryoso si Luhan oh ? Never pa daw yun nakaikipagdate sa kahit sino. Ang meaning ng date niya ay iba sa meaning na alam ko.

Syempre, shinare ko rin sa kanya na sobrang close na namin ni Lay kaso…si Kris…

“Ah…Jen, may sasabihin kasi ako. Sana wag ka magalit.”

“Sure best ! Ano ba yon ?”

“Si…K-Kris…”Napayuko na ko. “M-May gusto siya sakin…”

“May maitutulong ba ko ?!”

“H-HA ? O__O” Napaangat ako sa sinabi nito. “Hindi ka galit sa kin ?”

“Hindi noh…Ah kasi ang alam mo na patay na patay ako kay Kris ? Well, not anymore. Hindi ko akalain na nagpatanga ako sa kanya. Kaya nga nagbago na ko ng social life pati haircut ko. Hahahah XD”

Natawa rin ako sa sinabi nito. Hays, I miss her talaga…So much !!!

“Eh kasi Jessy, may kailangan kang malaman eh…”

“Sige, sabihin mo lang. Hindi ako magagalit.”

“I saw Lay…” Naging seryoso ang mukha nito at ganun rin ako. Anong kwento nito tungkol kay Lay ?

“I don’t know the exact story but I saw him…staring at a standee model nerby our school. Sa mall malapit sa school natin. Nakita ko siya na hinahaplos yung muka ng isang standee. I know it sounds weird pero parang kilala niya yung standee model na yun.” Uminom muna siya saglit ng juice saka nagpatuloy. “Si Lay…may nagkwento sakin, girlfriend niya daw yung standee na model na yun---well I not the standee on itself. I mean, yung babae na yun…Girlfriend niya at kasalukuyan yon na nasa London. Mas pinili kasi ng babae yung work niya kaysa kay Lay.”

EXO fanfictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon