Dahil bday ni bias-wrecker at meron po nagpa request sa kanya...Ito na po ^__^ YEHET ! OHORAT <3
Play multimedia para mapakinggan yung new song ng EXO - OVERDOSE <3
-------------------------------------------------------------------------------------------------
*Sehun fanfic* Part 1
“Walangyang buhay to oh ? Ako na nga nagtatarabaho tapos paguwi ko pa ng bahay, ganito madadatnan ko ? Eh kung maglayas na lang kaya ako para happy happy na kayo diyan di ba ?” Sigaw ako ng sigaw sa harap ng mga magulang ko na kakatapos lang yata magaway. Ewan, daily routine na talaga nila yung magaway tapos maya-maya okay na. Hay buhay !!!
“Ciara…A-Anak…P-Pasensya ka na sa’min. Ito naman kasing papa mo eh, umuwi nanaman ng lasing eh…” napakamot pa ng ulo si mama habang nagsasalita.
Napabuntong hininga na lang ako saka lumingon sa pwesto ni papa. Ayun, nakahilata na agad sa sofa namin. Nagsalubong nanaman ang mga kilay ko kaya’t umakyat na lang ako sa kwarto ko dahil sawa na ko sa bulyawan nilang dalawa.
Nagbabad ako sa paggawa ng assignments ko. Iyan lang ang paraan para makalimutan ko yung gulo kanina na paulit-ulit na lang nag si-sink in sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit ganyan kakitid ang mga utak nila. Simpleng bagay tapos pinalalaki. Tsss…
“A-Ate Ciara…” nagulat ako nang biglang pumasok sa kwarto ko si Mica na may dalang teady bear. Siya si Mica, ang 10-year old ko na little sister sa side ng papa ko.
“Oh…M-Mica ? Bakit di ka pa natutulog ha ?”
“A-Ate…” Naghikab muna ito bao magpatuloy. “Dito na lang ako matulog pwede ?”
Ngumiti naman ako sa sinabi nito. Ganito kasi siya kapag alam niyang magkaaway si Mama at si Papa. Dito ang takbuhan niya palagi. Hays…kawawa naman siya.
“Oo naman. Tabi tayo ha ? Sige na, matulog ka na oh…May pasok ka pa bukas eh di ba ?”
“Thank You ate. Goodnight na…” humiga na siya agad sa kama ko na medyo may kalakihan naman kaya kakasya kami.
Sinarado ko na yung libro na binabasa ko at humiga na sa tabi ng kapatid ko. Ito nalang ang kaisa-isang importanteng tao sa buhay ko.Inayos ko ang kumot nito at saka hinalikan siya sa noo. Sorry pero galit ako sa mama at papa ko. Ayoko na ganun ang mangyayari sakin kapag nasa tamang edad na ko ng pagaasawa.
Well, 19 pa lang ako at isang college student. Masaklap ang family nahirap namin. Ewan ko kung pangilang asawa nay an ni papa. Wala akong magagawa eh. Pero mabait naman ito samin ako nga lang ang hindi. At dahil sa pagiging babaero ng tatay ko, ayan at naghirap kami. Ako na lang ang nagtatarabaho sa min na sapat lang para sa kinakain namin. Wala eh, panganay eh.
***
“Oh, Mica…dito na tayo sa school niyo.” Pinapasok ko na siya sa loob ng school at sinilip kung nakapasok nga ba talaga siya. Kumaway pa siya sakin at ako naman, dumeretcho na rin sa school ko na walking distance lang rin sa school niya at bahay namin.
Tahimik akong naglalakad papunta sa school namin nang may bigla akong narinig na ingay mula sa isang iskinita. Narinig ko yung mga kalampag ng kung anong maingay na bagay pati yung mga babasaging bote. Grabe. Umagang umaga pero may nagababsag ulo yata ang napatambay dito pa malapit sa school.
Hindi ko na lang yun pinansin dahil sanay na ko makakaita ng ganyan pero hindi malapit samin. Nagpatuloy na ko ng paglalakad nang may biglang sumigaw.
“TULOOOOOONG !!!” Kinabahan ako pero sinubukan kong silipin kung sino yung sumigaw na yun. Wala kasing ibang taong dumadaan dahil 6am pa lang ng umaga at medyo tago yung lugar na yun.
BINABASA MO ANG
EXO fanfictions
FanficThis is all about the love stories of your love ones in EXO remember .. they are only FANFICS arasseo ?? ..you can suggest to me if you want one .. :) COMMENT.VOTE.. thanks :) :)