Chapter 1

177 24 32
                                    


"Andreaaaaaaa!!!!!!!"

Natigil ako sa pagiisip at napatayo sa kama nang tinawag ako ni Mama.

"po?"

"Bumaba kana, kakain na."

"opo. Susunod napo ako."

Nang naramdaman kong nakababa na ng hagdan si Mama ay agad akong pumunta sa cr ko para maghilamos. Napatingin ako sa salamin. Nakikita ko nanaman ang sarili ko. Ang itsura kong ayaw ng lahat. Napangiti ako.

"Ano bang meron sa itsura ko at ayaw niyo sa akin?"

Eto nanaman ako, kinakausap ang sarili. Baliw na yata ako... Huminga ako ng malalim at lumabas nalang ng cr. Bumaba narin ako agad sa kwarto ko at baka magalit si Mama.

"Good morning, pa. Morning, ma" sabay kiss sa pisngi nila.

"Aalis kami ng papa mo ngayon para mag grocery. Sasama ka ba?"

"Ah. H-hindi na po. Dito nalang po ako sa bahay."

"Okay anak. Paluto ka nalang kina Manang mamaya kung gusto mong kumain."

Ngumiti nalang ako at tinapos ubusin ang breakfast ko. Inantay kong matapos sila Mama na kumain. Ayun kasi ang rule dito sa bahay. Kailangan matapos ang lahat kumain bago umalis sa dining table. Kailangan ding sabay sabay kumain well excemption nalang kung may inaasikaso sila Mama sa business namin.

"Okay aalis nakami ng papa mo anak. Ingat kayo dito."

"Opo ma!!! Ingat din po kayo. Wag niyo kalimutan fries ko!" sabay ngiti

Nakaalis na sila ng bahay. Paakyat nako sa kwarto ko nang tawagin ako ni Manang

"Hindi kaba aalis?"

"Hindi po. M-may gagawin po kasi ako"

Humiga na ako sa kama ko at sinubukang matulog pero hindi ko magawa. Nagdecide nalang akong maligo at pagkatapos nun ay nagbasa ng libro.

Mahilig akong magbasa ng mga novels. Sa sobrang addict ko nga natatapos ko siya ng isang araw. Kung tatanungin niyo naman kung bakit hindi ako nagfacebook, twitter, tumblr, instagram at kung ano pa man diyan na makikita niyo sa internet. Hindi ako mahilig sa mga ganyan. Ano namang mapapala ko duon?

"*knock knock*"

Natigil ako sa pagbabasa nang may kumatok.

"Ay manang!"

"Oh iha ano ba itong binabasa mong libro?" Napatawa na lang kaming dalawa nang nahulog ang binabasa kong libro.

"Bakit po pala kayo nandito? May problema po ba?"

"Andiyan na ang mama at papa mo. Bumaba ka na" Tumango nalang ako at bumaba na sa sala. Si papa lang ang anduon.

"Pa, asan si mama?"

"Nagluluto yata ng dinner kasama si manang"

Ha? Anong oras naba?

Tumingin ako sa wall clock dito sa sala. 5:38pm?????

Grabe at hindi ko nanaman napansin ang oras. Haaay. Umupo nalang ako sa tabi ni papa at nakinuod ng balita. After 30 mins ay tinawag na kami para kumain ng dinner. After namin kumain ay paakyat na sana ako nang tawagin ako ni mama.

"po?"

"Nakalimutan mo nanaman uminom ng gamot mo?"

"Po? Hehe. Hindi po. Naglalakad lang po. Hehe. Papunta nanga ako sa kitchen"

Hoo. Nakakatakot naman si Mama. Dali dali akong pumunta ng kitchen at kumuha ng isang baso ng tubig at kinuha sa cabinet at ininom na ang gamot.

"Hehe goodnight world!!"

Tumakbo na ako sa taas. Naririnig ko pa nga silang nagtatawanan eh.

Naghilamos na ako at nagpalit ng pantulog. Humiga ako sa kama. Nagmunimuni.

Monday nanaman bukas. Ano nanaman kayang surpresa ang ibibigay ng mga schoolmates ko bukas para sakin? Napatawa nalang ako ng mapait.

Sa totoo lang?

Gustong gusto kong sumama kila Mama at Papa pag lumalabas sila.

Gusto kong mag grocery kasama sila, magmall kasama sila, kumain sa labas kasama sila.

Gusto ko din lumabas ng bahay tulad ng mga normal na teenagers na lumalabas kasama ng mga kaibigan nila.

Gusto ko din lumabas para makipagkwentuhan sa mga kaibigan ko.


Pero hindi ko magawa


Dahil ako


Si Andrea Caleb Rivera

Ang taong pinandidirian ng lahat. Pinagtatawanan. Walang may gustong tumanggap sa akin. Walang may gustong makipagkaibigan o magmahal sakin bukod sa pamilya ko.

Kasi panget ako. Kasi iba ako sa kanila.

240 hours more...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon