Chapter 12: Day 7

65 5 0
                                    

"Hoy akin na kasi yan!!"

"Abutin mo muna"

"Ehhh, patrick naman eh! Akin na kasi yan. Baka mahulog mo oh."

Andito kasi kami sa beach tapos kanina habang nagkwekwentuhan kami bigla ko siyang inasar ng panget yan tuloy nakuha niya ung phone ko.

"Abutin mo na kasi"

Tumatalon talon na ako para maabot ko kasi mediyo matangkad siya kaysa sa akin. Nung makuha ko na ang phone ko napatawa siya. Ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa tapos hawak pa rin niya ung phone ko pero hawak ko rin. Parang hawak naming dalawa ung phone.

Dugdug. Dugdug

Tapos... May bigla akong naalala

- Flashback -

"Gusto kita, Cal"

I froze. Hindi ako makagalaw sa inuupuan ko. Parang anytime hihimatayin ako. Tama ba ung narinig ko???

It took me seconds bago magsync in sa utak ko ung sinabi niya.

"A-ano? A-anong sabi m-mo?"

Dugdug. Dugdug

Diyos ko naman ano ba 'to...

"Gusto kita. Bilang kaibigan. Kasi ang gaan ng luob ko sayo, napapasaya mo ako. " napangiti siya tapos nagsalita ulit.

"Gusto kita kasi ikaw lang ung babaeng naging kaibigan ko. Hindi ka KJ, natatawa ako sa lahat ng sinasabi mo, nageenjoy ako pag kasama kita."

"Gusto kita kasi iba ka sa mga babaeng nakilala ko. Ung iba kasi lalapit lang dahil may gusto sila sa akin. Pero ikaw, ikaw ung para makipagkaibigan sa akin."

Hindi ko maexplain ung nararamdaman ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot.

"Ah g-ganon ba? Hehehe. Oo naman. Friends"

Ayan kasi Andrea..... Nag assume ka.

- End of Flashback -

Ewan ko pero kinuha ko ung phone ko sa kamay niya tapos umupo sa buhanginan. Ayoko kasi pag naaalala ko yun. Friends lang andrea, relax.

"Cal, natahimik ka? May problema ba?"

"Wala lang. Napagod. Ikaw kasi!! Trip mo ako pati phone ko!!"

"Hahahaha. Sorry naman"

"Pero alam mo mamimiss ko 'to. Sa manila kasi wala ka naman duon. Tapos walang ganito kagandang beach"

"Hahahaha sus. Mamimiss mo ako? Baka nga kalimutan mo na ako eh! Kasi marami ka namang kaibigan duon"

"Ako? Paano mo naman nasabi na marami akong kaibigan?"

"Ang bait mo kaya. Friendly pa"

Napangiti ako.... Kung alam mo lang Patrick....

"Hehehehe"

"Ilang araw na lang pala kayo rito ano?"

"Oo. Hahaha. Nako wag ka ngang magdrama diyan!!!"

"Hahaha. Ewan ko sayo! Tara na nga."

Tumayo na kami at nagpagpag ng buhangin. Ewan ko kung saan nanaman ako dadalhin neto...

"Okay lang ba sayo kung pupunta tayo sa bahay?"

"Ano naman gagawin natin sa inyo? Pero sige"

240 hours more...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon