Chapter 4

118 18 27
                                    


"Mukhang okay naman na siya. Mediyo lumala nga lang ang sakit niya dahil sa mga sugat na natamo niya."

"Ganon po ba, Doc? Pero ayos na po ba siya?"

"Yes. Pwede niyo na siyang iuwi. Basta wag niyong kalimutang ipainom ang gamot niya"

Nagising ako nang may marinig akong naguusap. Asan ba ako? Parang ang naaalala ko lang naman kanina asa school pa ako ah.

"Anak"

"Ma, asan tayo?"

"Asa hospital. Magayos ka na at mamaya ay darating na si Manong. Nagpasundo na ako"

Hospital?! Hindi kaya.....

"M-ma"

Hindi niya ako pinansin. Haaay. Lagot ako nito. Inayos ko nalang ang sarili ko at hindi nagtagal nakarating na si Manong para sunduin kami.

Nung makarating kami sa bahay ay mga quarter to 7 na kaya umakyat lang ako ng kwarto para magbihis at bumaba narin para kumain.

Nakakapanibago. Ang awkward. Sobrang tahimik namin ngayon na halos ang maririnig mo lang na ingay ay ang tunog ng kutsara at tinidor. Hindi tulad ng dati na nagkwekwentuhan kami at minsan nagtatawanan. Hindi naman ako makapagsalita dahil mukhang galit sila sa akin.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta na ako ng kitchen para inumin ang gamot ko at pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto. Nagshower ako at nagpalit ng pantulog pagkatapos ay humiga ako sa kama.

*knock knock*

Bumukas ang pinto at pumasok si mama ng kwarto at umupo sa kama ko.

"Nak, diba sabi namin sayo maghomeschool ka nalang..."

"M-ma"

Haaay. Oo. Gusto nila mama at papa na maghomeschool ako. Pero pinilit ko sila na sa normal na school parin ako. Kasi gusto ko mag-aral ng normal. At mas maganda ang future ko duon kaya kahit ganun ang ginagawa sa akin ng mga schoolmates ko ay hinahayaan ko lang.

"Tapos wala ka pang balak sabihin sa amin yang pinaggagawa sayo sa school ha?! Kung hindi pa nakita ni Manong, hindi mo pa sasabihin?"

Napaupo narin ako sa kama at nakitang umiiyak si Mama kaya napayuko ako.

"M-ma, ayaw kong sabihin kasi a-alam ko po na pag n-nalaman niyo hindi niyo na po ako papapasukin duon. At a-alam ko naman po na may gagawin kayo sa kanila at ayaw ko naman p-pong mangyare yun."

"Mygosh, Andrea!!! Mas iisipin mo pa ang kapakanan ng iba kesa sa sarili mo ha??? Nakalimutan mo nabang may sakit ka?!"

Napatigil ako sa sinabi ni Mama.

Oo. May sakit ako sa skin. Nagsimula yun nung ten years old ako. Rare na sakit ito kaya onti lang ang nagkakaruon. At ang masakit, nakakamatay. Kaya nga kung napapansin niyo na lagi akong umiinom ng gamot. Kasi kailangan ko yun dahil walang treatment ang makakapagpagaling sa sakit ko. Wag niyo na lang alamin kung anong skin disease to. Dahil ayoko na pati kayo, pandirian niyo ako.

Naramdaman kong pumatak narin ang luha ko. Hindi naman gaanong malala ang sakit ko. Sadiyang gusto akong paghome school ni mama kasi natatakot sila ni papa dahil sa sakit ko. At sadiyang ayaw lang ng mga schoolmates ko sa akin.

Kaya ganon nalang ang ginagawa nila sa akin. Kasi nandidiri sila dahil panget ako. Walang may gustong lumapit kasi natatakot sila. Pinagtatawanan nila ako kasi naiiba ako sa kanila. At pinandidirian nila ako dahil sa sakit ko.

Minsan iniisip ko, bakit sa dinami dami ng tao ako pa ang nagkaruon ng sakit na to? Ang malas malas ko eh.

"S-sorry ma. Ayoko lang naman na problemahin niyo pa ako eh. Malaki na nga problema niyo dahil sa sakit ko. Ayoko na dagdagan pa yun ma."

Niyakap ako ni Mama habang ako umiiyak na parang batang takot na takot sa multo. "Shhh. Anak sorry rin. Naiintindihan ka namin. Pero masakit lang kasi anak ka namin at ganun ang nangyare" Pinunasan ni mama ang luha sa mata ko at pinahiga na ako.

"Sabi ng doctor lumalala na yung sakit mo. Kaya napagdesisyonan namin ng papa mo na magbakasyon tayo"

"Po? Paano naman po ang company dito?"

"Dont worry. We can handle it. Total sembreak niyo naman na sa sabado. At 10 days lang naman tayo magvavacation."

"Wag ka na pumasok bukas. Nagpaexcuse na ako. Magpahinga ka nalang at mag-impake ka bukas. Makakatulong sa sakit mo kung magvavacation tayo."

"Saan po ba ma?"

"Sa batangas nak. O sige na. Matulog kana. Goodnight, nak."

Pinatay na ni Mama ang ilaw at sinarado ang pinto. Napahiga ako sa kama at nagmunimuni. Batangas? Napangiti ako. Nakakaexcite naman. Sana maging masaya naman duon kahit papano.

Pinikit ko nalang ang mga mata ko at natulog.

240 hours more...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon