Chapter 21

68 5 3
                                    

I dedicate this chapter to: @Alyssa_in_Wattland :) thank you sa pagbasa ng story at pagsupport. Nainspire kasi ako sayo eh.

Hi guys! I hope you will enjoy this chapter ❤️

-----------

"Manang si Mama po?"

"Nak andito ako. Bakit? Anong nararamdaman mo ha? May masakit?"

Ngumiti naman ako at umiling para sabihing okay lang ako. Mama talaga.

Naalala ko tuloy ang nangyare sa akin kagabi. Sila Mama hindi pa nakatulog masiyado sa pagalala sa akin. Nakakaguilty tuloy.

Pero alam niyo ba? Kahit nanghihina na ang katawan ko? Pinipilit ko pa rin maging okay para kina Mama at Papa. Para hindi sila mahirapan. Susubukan ko.

Sinusubukan ko naman tuparin ang pangako ko sa kanila eh. Para naman lahat ng paghihirap nila sa akin eh mapawi.

Tanggap ko naman na malapit na akong mawala dito. Kailangan kong tanggapin.

"Ma"

"Ano yun nak?"

Kilala talaga ako ni Mama. Napangiti naman ako. Kapag kasi ganitong niyayakap ko siya may kailangan ako sakaniya.

Tinulungan nila ako ni Manang na makaupo dahil hindi ko na talaga kaya.

"Ma, may one last wish ako."

"Ano naman 'yon nak?"

"Kapag ba humiling ako, pagbibigyan niyo ako?"

"Depende 'yon anak. Ano ba 'yon?" Kumuha na rin si Papa ng upuan at tumabi kay Mama malapit sa hospital bed ko.

Lord sana pumayag

"Pwe-pwede po bang pumunta ulit tayo ng batangas? Please ma?"

"Bakit naman?"

"Kasi ma. Duon lang ako nagiging okay. Gumagaan ang pakiramdam ko kapag nanduon tayo. Ibang iba dito. Ma gusto ko rin makita 'yong mga naging mabuti at naging kaibigan ko sa kaunting panahon. Duon na lang tayo ma, please? Hanggang. H-hanggang sa huli?"

"Pero anak maraming mas magagaling na doctor dito compared duon. M-mas mababantayan ka dito sa hospital"

"Pero ma, may hospital din naman duon a. Or pwede na kayo na lang magalaga sa akin"

"Anak iba parin ang mga doctor"

"Ma, w-wala na rin naman use ang mga doctor eh. K-kasi mamamatay na rin lang naman ako." iniwas ko ang tingin kanila mama at papa kasi nakakaguilty. Ang sakit.

Ang sakit kasi pag nakikita mong nasasaktan ang magulang mo sa sinabi mo. Pero ganon naman talaga diba? Tatanggapin na lang.

"'Yan ba talaga ang gusto mo anak?" napalingon ako kay papa na akbay akbay si Mama na teary eyed

"Opo. Pwede po ba? Ma? Pa?"

"Sige. Kakausapin ko ang doctor mo at once na okay na pupunta na tayo agad duon."

"Tatawagan ko na rin ang mama ni cloude"

Halos mangiyak ngiyak ako habang nakangiti na nakatingin kina Mama at Papa. Sa sobrang tuwa ko eh niyakap ko sila. Napakaswerte ko talaga sa parents ko.

Lord, wag niyo pong pababayaan ang mga magulang ko ah? Mahal na mahal ko po sila.

"Thank you po talaga ma, pa."

.......

Andrea's Mama POV

Kahit labag sa luob ko, kahit masakit pipilitin kong maging masaya para sa anak ko.

Hanggang ngayon hindi ko parin matanggap na ang kaisa isa kong anak ganito pa ang mangyayare. Napakabata pa niya. Marami pa siyang dapat magawa pero ganito ang nangyare.

"Hon, magpahinga ka muna. Ako na muna magbabantay kay andrea"

"Hindi ako na"

Nakikita ko kung gaano siya kasaya nung mga panahon na nasa Batangas kami. Kasama si Cloude at ang pamilya niya. Ramdam ko 'yon.

Pero hindi niyo naman ako masisisi kung mayroong part sa akin na takot. Takot kasi baka hindi siya safe duon. Alam niyo naman kapag isang ina diba? Kapakanan lang niya ang iniisip ko.

Sa tingin niyo ba madali lang tanggapin na mamamatayan ka ng anak? Hindi. Mas gugustuhin ko na lang na ako ung mamatay. Na sana malipat sa akin ang sakit niya.

Pero wala. Ganon na lang. Susundin ko na lang ang gusto ng anak ko para sumaya siya. Kaya ko naman ibigay yun eh. Lahat gagawin ko para lang hindi kami magkulang.

"Ma? Bakit ka umiiyak?"

"Ha?" pinunasan ko agad ang luha ko.

"Ma, salamat ah?"

"Saan naman nak?"

"Sa lahat lahat ma."

"Ano ka ba nak. Pinapaiyak mo nanaman ako eh!"

"Hehe. Sorry ma. Pero seryoso ma"

"Siyempre anak ka namin. Normal lang yun anak."

"Ma, sana pag nawala na ako magkasama pa rin kayo ni Papa okay? Continue your life. Be happy. Don't worry lagi ko naman kayong babantayan"

Ouch.

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan!"

"Hehe i love you both!"

Nagyakapan kaming tatlo ng mahigpit.

Lumabas muna ako ng room at naglakad lakad sa baba. Sa may garden dito sa ospital. Bumili muna ako ng coffee sa canteen kasi gabi na rin.

"Ma, sana pag nawala na ako magkasama pa rin kayo ni Papa okay? Continue your life. Be happy. Don't worry lagi ko naman kayong babantayan"

"Ma, sana pag nawala na ako magkasama pa rin kayo ni Papa okay? Continue your life. Be happy. Don't worry lagi ko naman kayong babantayan"

Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Andrea kanina. Umiyak nanaman ako. Ano ba 'tong klaseng nanay na 'to.

Napakakakaiba talaga ng anak ko. Ganon agad ang iniisip niya. Mas iniisip niya kami kesa sakaniya, nakakaiyak at nakakalungkot lang dahil kailangan pa 'tong mangyari. Pero alam niyo?

Proud ako sakaniya

Masakit na marinig 'yon galing sa anak ko mismo. Tinatanong ko ang sarili ko

Kaya ko ba?

Kaya ko bang gawin lahat ng gusto niyang mangyare kapag nawala na siya?

Kaya ko bang maging masaya ng wala siya?

Lord, kayo na po ang bahala. Help me. Help us.

1 new message recieved from: Carlito

Hon. Okay na. Tuloy tayo sa Batangas bukas. Sinabi ko na kina Cloude. Asan ka? Kanina ka pa hinahanap ni Andrea.

Huminga ako ng malalim at ngumiti.

Kakayanin ko to. Kakayanin kong maging matatag para kay Andrea. Para sa aming lahat..........

240 hours more...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon