Chapter 2

131 20 41
                                    


"Andrea halika na, nagaantay na si Manong sa labas."

Dali dali kong inayos ang mga gamit ko at sinuot ang black shoes ko. Tinignan ko ang sarili ko sa mirror sa walking closet bago ako bumaba ng kwarto para sure na wala akong naiwan.

"O tara na po, ma"

"Hindi ka man lang kakain kahit kaunti?"

"Eh malalate napo tayo tsaka hindi pa naman po ako gutom eh. Mamayang recess nalang po ako kakain. Hehe"

"Osige sige. Kunin mo ang gamot mo. Baka makalimutan mo nanaman"

Ngumiti nalang ako. Mama talaga oh.

Nilagay ko na sa bag ung gamot ko at dumiretso na sa kotse kasama sila Mama at Papa. Ako ihahatid ni Manong sa school tapos sina Mama at Papa sa Company namin.

Monday...

Kakayanin ko 'to. Whoo!! Fighting!!!! Mediyo malapit lang ang school sa subdivision kung saan kami nakatira kaya andito na ako agad.

"Sige po pa, ma. Ingat po"

Bumaba na ako at inantay na makalayo ang kotse namin.

Eto na, Andrea. Pasok ka na. Kaya mo yan. Whooo!!!

Pumasok na ako sa luob ng campus. Ano pa ba? Edi siyempre pinagtatawanan at pinaguusapan nanaman ako ng madla. May bago ba?

Wala.

Wala akong nagawa kundi yumuko at naglakad nalang papuntang classroom.

"Oh look girls. She's here already." Epal 1

"Hay. Omygosh! Im so nangangati na. Ihh. Kadiri" Epal 2

"Hoy panget. Lumayas ka nga sa dinadaanan namin?!" Epal 3

As if may magagawa ako? Lumayo na ako ng kaunti at pumasok nalang ng room. As usual, ung upuan ko nasa pinakalikod, walang ka-row, walang katabi. Magisa ko lang sa isang sulok. Saktong dumating narin ang adviser namin.

"Okay class. Sa Friday na ang last day niyo for first sem. Kaya ngayon, may activity tayong gagawin"

"Okay. Who wants to join sa movie na gagawin ng school para sa Language month next sem?"

Tinaas ko ang kamay ko at napangiti. Ako lang ang nagtaas.

"Okay chloe, marie, and steve. Kayo ang kasama"

Pinagtinginan nila ako at tumawa

"Masiyadong mapangarap" boy 1

Ahhh. Oonga pala. Nakalimutan ko. Pati pala teachers inaayawan din ako. Ang unfair noh? Bakit mga sikat lang yung kinukuha. May mga mas magagaling naman sa kanila. Yumuko nalang ako buong dalawang oras. Habang ung mga kaklase ko ay busy na nakikipagkwentuhan at nagmemeeting about duon sa movie na gagawin next sem.

"Okay goodbye class. See you tomorrow"

Nagsimula ng lumabas yung mga kaklase ko kaya lumabas narin ako para bumili ng recess ko.

Nung nakabili na ako ay naglakad na ako ng nakayuko habang papunta sa room.

*splash*

Nagulat nalang ako ng may nabuhos sa akin na pintura. At kung mamalasin naman ako. Nadulas pa ako.....

"HAHAHAHAHAHA"

"Bagay yan sakanya."

Wala akong magawa kundi yumuko. Nagaantay ng tutulong sa akin.

"Aww. Look who's here. Si skin disease natapunan ng paint. Gusto mo tulungan kita?"

"Here"

*splash*

binuhusan ako ng malamig na tubig.

Narinig ko nanaman ang mga tawanan ng mga tao.

"Sa susunod kasi, wag kang shunga"

*ring ring*

Nagsitakbuhan na sila sa mga rooms nila dahil tapos na ang recess. Habang ako nakayuko. Ni isa walang tumulong sakin.

Napatawa ako sa luob luob ko. Bakit nga ba ako umaasang may tutulong sa akin? Napaka assumera ko talaga.

Naramdaman kong may pumatak na luha sa pisngi ko. Sinubukan ko lahat ng makakaya ko para tumayo at tumakbo kung saan ako dalhin ng mga paa ko.

Pilit kong pinapatahan ang sarili ko pero parang ayaw makinig ng luha ko at patuloy parin sa pagtulo.

Napaupo nalang ako sa damuhan sa pagod. Halos araw araw sa school ganito ang inaabot ko. Ano pabang ginawa na nila sakin?

Nilock ako sa cr, tinatago ang mga gamit ko, nilalagyan ng basura ang locker ko, binuhusan na ako ng tubig at marami pang iba.

Pasensiya na kung sobrang nakakaawa na ako sa paningin ninyo. Ako rin naaawa na sa sarili ko.

Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili ko. Naghilamos ako sa cr at nakapagdecide ako na wag nalang umattend ng klase since late naman na at half day lang kami. Buti nalang at nadala ko na ang bag ko. At ngayon ko lang naramdaman ang gutom ko kaya kinain ko na ang binili ko kanina at ininom na ang gamot ko.

Nagpahinga lang ako ng kaunti at tinawagan na si Manong para magpasundo. Papunta na ako ng parking lot nang may nagtisod sakin kaya napaupo ako.

"Hoy babae, gusto ko lang sabihin na wag kang mapangarap dahil hinding hindi ka mapipili sa movie na yun. Okay?!"

Wala na akong lakas para kay Chloe dahil naubos na ng buong school nato ang energy ko para sa araw na'to kaya tumayo nako. Salamat nalang at kakarating lang ni Manong kaya hindi niya nakita ang nangyare. Sumakay nako sa kotse at napapikit nalang sa pagod.

"Andrea...Gising na. Andito na tayo"

Nakatulog na pala ako sa pagod. Haaay. Bumaba nalang ako sa kotse at nagulat na nandiyan sila Mama. Napatingin ako sa suot ko.

"Lagot"

"Teka Man-oh, anak"

Natakot ako nung napatingin si Mama sa damit ko na gulat.

"Teka nak. A-anong nangyari sayo?! Bakit ganyan ang damit mo ha?! Umiyak kaba??? Anak!!!"

"Haha. Ano kaba, ma. A-ano kasi. Ginagawa namin ung project namin tapos nagkatuwaan. Opo. Ayun. Na-na-nabuhusan po kami ng paint. Hehe. Saya nga po eh. Grabe. Hehe. Sige po. Akyat na po ako."

Umakyat nako at hindi sila pinansin. Alam ko nagtataka kayo kung bakit hindi ko sinabi ang totoo. Dahil kapag nalaman nila, alam kong susugod sila sa school at gagawin nila ang lahat para maturuan sila ng leksyon na hindi nila makakalimutan.

At ayokong mangyari yun dahil mas lalo lang nila akong kamumuhian.

240 hours more...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon