Chapter 9: Day 4

86 5 3
                                    

"Hahaha. Nako, Carlito dalaga na ang anak natin!" Kanina pa kami nandito sa living room. Kakatapos lang kasi naming kumain. At kinwento ko sa kanila ang nangyare kahapon kasi nga diba nagpapakwento si Mama kagabi.

At pinagsisisihan kong kinwento ko. Kasi kanina pa natatawa sila mama at papa. Pati si manong at manang nakikitawa rin, inaasar nila akong lahat! Nakakahiya tulooooy.

"Nako, nak. Gusto ko yan mameet."

"Ma!!! Wag na. Ano kaba"

"Pinagdadamot mo pa crush mo. Dinner lang naman nak, sama natin siya mamaya."

"Ma naman eh! Wag na. Tsaka bonding time po nating family 'yon!!"

"Andrea, basta sabihin mo sakaniya magdidinner tayo mamayang gabi. K end of conversation."

"Asar naman kayo Ma eh!! Sige po. Susubukan ko po mamaya" inis na sabi ko.

.....

"Pero alam mo ma, ang saya ko. Kasi ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Ung may kaibigan ka, may karamay, may katawanan."

"Anak. Masaya kami ng papa mo na tama ang naging desisyon naming magpunta tayo dito. Masaya kami para sayo."

"Ako din po. Thank you po ma, pa. Mahal ko talaga kayo. Yiie. At dahil diyaaan. Poweeeer huuug!!!!!" Nagyakapan kaming tatlo gaya ng ginagawa namin dati kapag naglalambingan kami. Tapos sabay nagtinginan kami at nagtawanan.

"Oh basta nak ha. Mamayang gabi. Pilitin mo yang crush mo ha. Este ano na ulit pangalan?"

"Ma naman hiyang hiya na nga po ako dito. Hindi ko po 'yon crush!! Patrick po."

"Hahaha. Kinikilig na si Andrea ohhh. Carlito!! Haha. Kwentohan mo nga ako. Dali halika sa taas"

Mukhang mas kinikilig pa si Mama kaysa sa akin. Natawa na lang sa amin si Papa habang paakyat kami ng kwarto.

"Nak, kwento ka."

Kinwento ko na nga. Mula nung unang pagkikita namin, mga pinuntahan namin, mga nalaman ko about sakaniya, mga nakain namin, pati ung kahapon.

"At alam mo, ma. Sobrang saya ko kasi, tanggap ako ng pamilya niya kahit ganitong may sakit ako. Tinatrato pa rin nila ako na parang normal. Kaya nakakatuwa po kasi iba sila sa mga taong ayaw sakin."

"Ganyan talaga nak. Siyempre alam nila ang feeling na masakit yung walang lumalapit sayo kasi anak nila mismo mayroon ding kapansanan. Mabuti naman at masaya ka"

Masayang masaya. Nag girl talk kami ni Mama. Pilit siya ng pilit na crush ko siya. Nakaka-awkward tuloy.

"Nak, okay lang naman kung crush mo siya. Normal lang yan sa teenagers."

Crush ko nga ba yung patrick na 'yon?

Ewan.

Sinabi ko kay Mama na hindi alam ni Patrick na may sakit ako. Natatakot nga kasi ako diba. Alam ko naman na time will come malalaman din niya yun. Pero sa ngayon ayoko muna. Nagpaalam na ako kay Mama na lumabas para pumunta sana kina Patrick. Ipapagpaalam ko kasi siya para sa dinner. Alam ko naman na yung daan papunta sa kanila.

Nung pinayagan ako ni Mama, nag-ayos na ako para diretso na kami agad sa restaurant mamaya. Naglakad na ako habang tinatandaan ung daan. Nagdoorbell na ako sa bahay nila nung makarating ako.

"Sandali." Pagkabukas ng pinto, katulong yata ung nagbukas.

"Ah, good afternoon po. Andiyan po ba si Patrick?"

240 hours more...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon