Chapter 13: Day 8

68 4 0
                                    

"Manang ano na pong susunod na ilalagay rito?"

"Ito iha oh."

Andito kami ngayon ni Manang sa kitchen. Nagpapaturo kasi akong gumawa ng cookies. Wala lang. Gusto ko lang bigyan si Patrick.

"Oh nak ano yang ginagawa mo?"

"Ah, cookies po."

"Nako mukhang masarap! Patikim nga ako!"

Dali dali kong hinarang ang kamay ko kay Mama

"Ma!! Wag, para kay Patrick yan. Kung gusto niyo po gagawan ko na lang po kayo."

"Nako anak ha. Nakakatampo ka na. Puro ka na lang patrick."

Napatigil ako sa paglalagay sa tupperware ng cookies nang sabihin yun ni Mama. Ganoon na ba talaga ako ngayon? Puro si patrick na lang ba iniisip ko? Bigla akong nalungkot. Nawawalan na yata ako ng oras sa pamilya ko.

"M-ma, s-"

"Hahahaha. Nako joke lang yun nak. Dinadramahan lang kita. Kung ano man yang iniisip mo joke lang!"

"Ma naman eh! Sorry po."

Niyakap ko siya saglit tapos pumunta na siya sa dining table kasama si Papa habang ako naman nilalagay ung mga niluto at ginawa namin ni Manang sa isang basket. Nagpatulong kasi ako. Balak kong sorpresahin si Patrick eh.

Chineck ko yung nasa luob ng basket para siguradong wala na akong nakalimutan. Siyempre anduon sa basket ung cookies, water, spoon, fork, plates, cups, tapos rice tapos siyempre ulam na rin para perfect lunch na. Nagpatulong akong magluto kay manang ng sinigang na baboy. Favorite kasi ni Patrick yun tapos siyempre dessert na chocolate and strawberry cake. Madami ba? Sorry.

Natatawa nga ako kasi napagkasiya ko lahat yun sa basket. Nagpatulong ako kay Manong na i-set up ung place. Ung place kung saan kami nagkikita. Nilagyan namin ng blanket na malaki tapos nilapag ko duon ung basket. Nung maayos na, nagpasalamat ako kay Manong tapos inantay ko na lang si Patrick. Pinicturan ko ung gawa namin ni manong. Remembrance. 11am palang naman.

"Andrea anong meron?"

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Sam at Patrick sa gilid.

"Ha?" Patrick

Pinanlakihan ko ng mata si Sam at binigyan ng (wag mong sasabihin sakaniya surprise ko 'to) look. Buti naman at naintindihan niya kaya ngumiti na lang ako.

"Sam andito na ba si Andrea?"

"Ah, oo andito na ako"

Ngumiti naman siya tapos naglakad na kami.

"Kanina ka pa ba?"

"Hmm, mediyo"

Hinila ko siya tapos pinaupo sa blanket. Pansin niyo ba? Wala lang gusto ko lang ng picnic type dito sa beach para maiba naman sa foodtrip namin.

"Teka, bakit parang may tela dito sa naupuan natin? Mali yata eh"

Nagpipigil ako ng tawa habang pinipicturan siya. Mediyo malayo pa kasi ako sa inupuan niya. Sinenyasan ko si Sam na picturan kami. Umupo muna ako sa tabi niya tapos ngumiti at tumitingin at nagpopose sa camera habang itong katabi ko walang ka alam alam.

"Hoy! Cal! Mali yata tayo ng inupuan."

"Hahaha. Ano ka ba. Tama kaya"

"Eh bakit may tela?"

240 hours more...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon