Chapter 5

123 16 30
                                    


"Ate andweyaaaa!!! Ate andweyaaa!!! *knock knock*"

Minulat ko ang mata ko dahil sa kumatok. Sino ba yun? Ang aga aga pa eh. Tinignan ko ang wallclock ko. 11?!?!?!

Agad akong napaupo sa kama. Whooo. Napasarap yata ung tulog ko. Hindi ko nanaman namalayang tanghali na. Agad akong pumunta ng cr para maghilamos at ayusin ang sarili ko.

*knock knock*

Ayy oo nga pala may kumakatok pa pala. Sino ba kasi yan. Binuksan ko ang pinto at nakita ang isang bata.

"Ruth?!"

"Hihi"

Binuhat ko siya sa sobrang tuwa. Grabe namiss ko itong batang 'to!!!!!! Ito kasi ung anak ng kapatid ni Papa. Si tita Claire. Minsan lang sila dumadalaw dito kasi busy parents nito. Minsan nga pag weekends iniiwan 'to dito sa bahay kaya ayun napalapit na rin siya sakin at gustong gusto ako nitong batang 'to.

Bumaba na kami at nakita ang note ni mama sa sala.

Andrea,

Hindi ka na namin ginising dahil alam naming pagod ka. Dadating ang Tita Claire mo diyan kasama si Ruth para may kasama ka. Dont forget to eat at inumin ang gamot. Mag-impake ka na rin.

Mama

Haaay. Mama talaga oh.

"Baby, kumain kana?"

"Hindi pa po eh. Si mommy kashi sabi niya wait daw namin ikaw"

Kung mapapansin niyo mediyo bulol at mediyo iba pa ang salita. 2 years old palang eh.

"Oh andrea. Gising ka na pala. Gutom ka na ba? Nako sorry tinutulungan ko kasi si Manang sa garden niyo"

"Nako tita okay lang po. Ako nalang po magluluto."

"Ate andweya namish po kita. Hihi"

"Asuuus. Kunwari ka pa. Namiss mo lang naman yung luto ko eh"

"Hihi. Opo. Charap charap po kasi am am"

"Sige baby upo ka muna ha? Gagawin lang ni ate ang super sarap na am am!!"

Binuhat ko na siya at pinaupo sa sala. Binuksan ko ang tv para di siya mabored. Pumunta na ako ng kusina. Alam ko naman magluto kasi tinuturuan ako ni Mama or minsan si manang.

Pero kasi ang gusto ng batang yun eh pancakes. Kaya pinrepare ko na ang mga ingredients at sinimulan na magluto. Siyempre naman nilagyan ko ng design yung pancakes. Si ruth kasi gusto niya yung nakakatuwang kainin.

Ginawa kong heart shape lahat ng pancakes at ginawa kong 3 layers per plate. Nilagyan ko ng chocolate syrup at strawberry sa taas.

Nung tapos na, inayos ko na ang dining table at nilagay na ang niluto ko duon. Since 4 lang kami kasama si Manang kaya apat lang ang ginawa ko. Nagtimpla narin ako ng milk ni ruth at gumawa na ako ng orange juice.

Lumabas ako saglit para tawagin sina Tita at manang para kumain tapos binuhat ko na si Ruth.

"Kain na ruth"

Umupo agad sa chair si Ruth at tuwang tuwa. Dumating na rin sina manang kaya kumain na kami.

"Hihi. Charap charaaaaaaap!!!!" dungis na ng mukha ni ruth oh.

"Haaay" ang kyoooot talaga ng batang to.

"Oh, nak. Busog ka? Say thank you to Ate andrea"

"Opo. twankyu ate andweya"

Ininom ko na ang gamot ko at umakyat ng kwarto para maligo at pagkatapos ay bumaba narin.

"Manang si tita po?"

"Ay umalis saglit dahil may meeting daw siya. Alagaan mo muna daw si Ruth"

Ah. Kinuha ko nalang si ruth at inakyat sa kwarto.

"Ate. Milk."

Nagpakuha na lang ako kay manang nung gamit ni ruth at binigay ang milk niya. Mukhang inaantok na. Pinahiga ko siya at sinuklay ang buhok niya gamit ang kamay ko. Ang cute nga niya eh. Pumipikit pikit na yung mata niya.

Nung nakatulog na siya ay nilagyan ko ng unan ang magkabilang side niya para hindi mahulog.

Pumunta na ako sa walking closet ko para makapag-impake na ako ng gamit. Kinuha ko ang maleta ko at kumuha ng mga damit na pwede kong dalhin. Ten days kaya mediyo marami-rami akong dadalhin nito. Inayos kong mabuti ang pagtupi sa mga gamit ko at isinarado ang maleta.

Next naman na kinuha ko ay ang sapatos na dadalhin ko. Tapos pumunta naman ako ng cr para sa mga gamit duon na dadalhin ko.

Nung sigurado na ako na ayos na lahat at wala akong nakalimutan ay chineck ko saglit si ruth sa kama at bumaba muna saglit para kunin ang gamot ko. Dinala ko na ang isang box na bago para madala ko sa batangas.

Umakyat na ako at nilagay ko sa maleta. Nagdala narin ako ng mga libro para makapagbasa ako pag naboboring ako duon. Haaaay. Nakakapagod palang mag-impake eh. Mamayang madaling araw na kasi ang alis namin eh. Kaya maaga akong nag-impake.

"M-mommy"

Nagising na si ruth kaya inayos ko na lahat sa isang sulok ang gamit ko at binuhat na siya.

"Wait lang ruth"

Bumaba na kami at pinaupo siya sa sala.

"Ay andrea. Uuwi na kami ni ruth. 5pm na kasi eh. Mag ingat kayo rito. Pauwi na raw ang papa mo."

"Ay ganon po ba. Sige po tita. Ingat po kayo. Bye ruth. Mamimiss ka ni Ate"

"Salamat sa paga-alaga ha? Say bye na to ate andrea ruth"

"Bye ate andweya mamimiss po kita!" sabay kiss sa pisngi ko

"Wala po yon. Sige po ingat po."

Sinara ko na ang gate at umupo sa sala. Si manang kasi nagi-impake eh. Sasama rin kasi siya pati si manong.

Haaay. Sana talaga maging maganda ang vacation na yun.

-------

"Anak magpahinga ka na. Maaga pa naman ang alis natin. Baka hindi ka nanaman magising ng maaga"

Tumawa silang lahat dito sa sala. Ganon na ba ako katulog mantika?

"Hehe. Sige po. Goodnight, world!!!" sabay kiss sa pisngi nila

Umakyat nako ng kwarto at inayos ulit ang mga gamit ko. Napaupo ako ng biglang sumakit ang ulo ko at parang naninikip ang dibdib ko.

Kinuha ko agad ang tubig sa side table ng kama ko at ininom 'yon. Humiga ako agad para mediyo mawala ung sakit ng ulo ko. Kaso parang nahihirapan talaga akong huminga. Ang sakiiiiiiiit.

Hay. Di bale nanga lang. Baka pagod lang 'to. Itulog ko nalang.

240 hours more...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon